Share

Kabanata 4 : Possessive na Bading

"Gan'yan ba kapag nakakaranas maging maganda? Nagtatago? Hindi ba dapat proud ka ngayong ang ganda-ganda mo na?" tanong sa akin ni Marcia, bestfriend ko. "Sino ba kasing pinagtataguan mo?" usisa n'ya sa akin.

Si Wayde, s'ya ang pinagtataguan ko. Alam kong may kasunduan kami na magiging partner in bed n'ya ako pero hindi pa kasi ako ready na isuko ang bataan ko.

Tatlong araw ko na s'yang pinagtataguan at sigurado akong hinahanap n'ya na ako.

"Hindi ako nagtatago?"

"Owws talaga ba? Did you also know that pigs can fly and dogs can meow?" sarkastikong pahayag ni Marcia. "My friend, you're obviously hiding from someone. Dati sa cafeteria tayo kumakain ngayon dito na sa bench. Under this blazing heat of sunlight."

Bumuntonghininga ako saka ko nilingon si Marcia. Nasa hita n'ya ang lunchbox n'ya habang patuloy pa rin na ngumunguya.

"Don't worry. Bukas ililibre kita sa fastfood."

"Pampalubag loob lang, my friend?" saad ni Marcia. "Just tell me who your hiding to, Pixie."

"W-Wadye," utal kong sagot.

"Ahh. 'Yong gwapong bakla na bestfriend ng p****k mong kapatid."

"Y-Yeah."

"Bakit? Binu-bully ka na naman ba n'ya?" tanong sa akin ni Marcia.

Alam ni Marcia ang lahat ng mga hinanakit ko kay Pennie at Wayde. They always make fun of me because I'm not beautiful enough for them kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tinutulungan ako ni Wadye.

Hindi kaya may binabalak na naman silang masama?

Plano na naman ba nila akong ipahiya katulad ng palagi nilang ginagawa?

"No. He didn't."

"Kung ganun ay bakit mo s'ya pinagtataguan?"

"N-Nakakabanas ang mukha n'ya." I answered but of course I was lying. I'm protecting my virginity.

Nagdududa pa rin ako sa totoong dahilan ni Wadye para hingin n'ya ajg kondisyon na 'yon sa akin.

Why did want me to be his bed buddy? Nagpapanggap lang ba s'yang bakla? I'm confuse.

"Hindi ba dapat kay Janus ka nababanas matapos n'yang patulan ang kapatid mong higad? E bakit s'ya, okay lang sa'yo na makita ang pagmumukha n'yang mukhang anus?"

"Bwisit ko!" Natatawang saad ko dahil sa komento ni Marcia.

"What? It's true. Mukha s'ya–"

"Tama na nga 'yan Marcia," pagputol ko sa kanya. "What choice do I have? Halos lahat ng subjects natin ay classmate natin s'ya. Sa tingin mo ba ay maiiwasan ko s'ya?"

"Mas gugustuhin ko pang araw-araw na makita ang mukha ni Wayde kesa sa mukha ni anu–I mean, Janus. Mas gwapo at hot si Wadye kahit bading," komento ni Marcia.

"My hidden feelings ka ba kay Wayde?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Noon."

"What the hell! Ang dami kong hinanakit sa kanya na ikinukwento ko noon sa'yo tapos 'yon pala pinagnanasaan mo s'ya? Traydor ka!"

"Luh. Hahaha! Ano ka ba, my friend. Noon 'yon nung hindi pa tayo mag-bestfriend at hindi ko pa naririnig ang mga kwento mo tungkol sa kanya. Tsaka hindi ko pa alam na bading pala s'ya kung hindi mo pa ikinuwento sa akin," pahayag ni Marcia.

"Tama na nga ang chikahan. Tara na. Tapos na ang lunchbreak natin."

"Huwat? Hindi pa ako tapos kumain," reklamo n'ya.

"Sige, daldal pa."

***

"SINABI ko na nga ba! Hindi ka lang maganda in the inside," pahayag ni Lev. Naupo s'ya sa upuan na nasa harapan ko habang nakabaling sa akin. Kaibigan s'ya ni Janus na patago akong nilalait. Alam kong ayaw n'ya ako para kay Janus dahil hindi ako katulad ng mga nagiging babae nila na sexy at magaganda.

Hindi ko pinansin si Lev. Mayamaya pa ay tumabi na rin sa kanya si Janus.

"Pix, let's talk later. Sa dating lugar kung saan tayo palaging nagkikita. Please. Maghihintay ako 'ron."

Nakapako lang ang tingin ko sa libro ko. Ayokong iangat ang tingin ko sa kanya dahil siguradong mag-iinit na naman ang ulo ko. I want to forget about him pero kung palagi naman kaming magkikita ay baka mas madurog lang lalo ang puso ko.

Yes, I love him. Isang taon rin ang pinagsamahan namin kaya hindi magiging madaling tanggalin na lang ang nararamdaman ko sa kanya.

"WHAT?! Hayaan mo s'yang maghintay sa'yo 'ron. Utot n'ya! Pagkatapos nang ginawa n'ya sayo ay ang lakas ng loob n'yang lumapit pa sa'yo. Don't entertain him! Hindi s'ya kawalan," inis na pahayag ni Marcia nang sabihin ko sa kanyang makikipagkita ako kay Janus.

"This will be the last, Marcia. Kailangan ko rin nang maayos na closer sa kanya."

"Tsk. Kapag nabalitaan kong nakipagbalikan ka sa kanya ay itatakwil talaga kita bilang bessy ko."

"That won't happen."

Hindi ako tanga para gawin ang bagay na 'yon. He hurt me so bad at hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon.

"Good. Gusto mo bang hintayin na kita hanggang sa matapos ang pag-uusap n'ya?" tanong ni Marcia.

"No need. Baka wala ka nang masakyan kapag hinintay mo pa ako."

"Okay. Mag-iingat ka. Call me if there's a problem."

"I will."

Nang makaalis si Marcia ay tinungo ko ang greenhouse sa University na madalas naming puntahan ni Janus. We spent a lot of time there. Iyon ang paborito kong lugar sa university kahit noong hindi pa kami ni Janus.

Siguro ay napilitan lang s'ya noon na sumama sa akin dito. This is my hiding place. Ang lugar kung saan walang maghuhusga sa akin lalo na kapag magkasama kami ni Janus.

Maraming nagsasabi na hindi kami bagay, na hindi ako nababagay kay Janus. Mukhang nagising na s'ya matapos ang isang taong pagtitiis sa akin.

"Pixie," tawag sa akin ni Janus. "You came,"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Janus. What do you want?"

"You're beautiful. Noong tayo pa ay hindi mo 'yon nakikita sa sarili mo. You always underestimate yourself. You always compare yourself to your sister but for me you're beautiful, Pix."

"Pwede bang diretsuhin mo na ako! Wala akong panahon sa drama mo!" asik ko habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

"I want you back."

Ilang sandali ko s'yang tinitigan bago magpakawala ng isang malakas na tawa. Para 'yong joke sa pandinig ko. He's bad at making joke but for the first time, napatawa n'ya ako ng sobra. Ngayon lang na break na kami naging havey ang joke n'ya.

"Pix, I'm not joking. I want you back."

"No! No way! G*go ka ba?! You f*cked my sister, Janus! Sa tingin mo ba ay maibabalik pa nun ang dati nating pagsasama?!" sigaw ko.

"We can because we love each other."

"N-No. H-Hindi na kita mahal. Matapos ang ginawa mong katrayduran ay sigurado akong nabura na nun ang nararamdaman ko sa'yo."

Liar! - sigaw ng utak ko.

He's still here. May parte sa puso kong mahal ko pa rin s'ya at sisiguraduhin kong maalis ko 'to sa lalong madaling panahon.

"Pixie," sambit ni Janus sa pangalan ko. Napaiktad ako nang hawakan n'ya ang pisngi ko at masuyo itong haplusin. Bago pa man tuluyang dumikit ang labi n'ya sa akin ay may humatak na sa bewang ko palayo sa kanya.

"Wayde," tawag ko kay Wayde. Nakasandal na ako ngayon sa matipuno n'yang dibdib. Hindi talaga mapaghahalataang bading ang isang 'to.

Napansin ko ang matalim na tingin ni Wadye sa ex-boyfriend ko nang iangat ko ang tingin ko sa kanya. Para bang mananakmal ito ano mang oras.

"Tara na doll," saad ni Wayde saka n'ya ako hinila papalayo kay Janus.

Halos magkandarapa ako sa pagsunod kay Wayde dahil sa malalaki n'yang paghakbang at paghila sa akin.

Bakit parang galit ang bading na 'to?

"Get in." madiing utos n'ya sa akin..

Galit nga s'ya.

Mas nagmumukha s'yang totoong lalaki sa inaasal n'ya ngayon.

Panaka-naka ang ginagawa kong pagsilip kay Wayde habang nagmamaneho s'ya. Magkasalubong ang mga kilay n'ya at mahigipit rin ang kapit sa manibela. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga ugat n'ya sa braso. Para bang pinanggigigilan n'ya ang manibela sa galit.

"Wayde," tawag ko sa kanya. "Lumagpas na tayo papunta sa village namin."

"I'm not bringing you home," seryoso n'yang pahayag habang hindi n'ya pa rin ako tinatapunan ng tingin.

Biglang rumagasa sa dibdib ko ang kaba dahil sa sinabi n'ya. Plano n'ya ba akong ibenta o ipa-salvage dahil sa ilang araw kong pagtakas sa kanya?

Inihinto ni Wayde ang sasakyan kaya naman muling nalipat sa kanya ang tingin ko.

"B-Bakit ka t-tumigil?" kabado kong tanong. Dito n'ya na ba ako balak itapon? Puro puno ang magkabilang gilid ng kalsadang hinintuan namin kaya naman hindi ko mapigilang matakot.

"Why are you crying?" tanong n'ya sa akin. "Come here doll," utos n'ya habang tinatapik ang hita n'ya.

Umiling ako. Nagulat ako nang s'ya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko at dalhin ako paupo sa hita n'ya.

"Bakit ka umiiyak?"

"E-E kasi...b-baka itapon mo ang katawan ko sa gubat kapag na salvage mo na ako." humihikbing saad ko.

"Silly. Bakit naman kita isa-salvage?" natatawa n'yang tanong sa akin habang pinupunasan ang pisngi ko gamit ang dalawa n'yang kamay.

"B-Because I've been avoiding you. Tapos ngayon parang galit ka p-pa sa akin," sumisinok na sagot ko.

"Hindi ako galit dahil iniiwasan mo ako. Naiinis ako dahil muntik ka ng halikan ng siraulong 'yon. Hangga't mag-bed buddy tayo ay wala dapat ibang lalaki ang hahawak sa'yo doll. Ako lang." Napatulala ako sa mukha ni Wayde nang marinig ang sinabi n'ya.

Ang possessive n'ya para sa isang bakla na gustong makipag-f*ck buddy sa isang babae.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula pero gusto ka nang sungkitin ng ex mo sa akin." Mahigpit akong napakapit sa balikat ni Wayde nang maramdaman ko ang kamay n'yang pumasok sa blouse ko at humaplos sa tiyan ko.

Oh my God! Dito na ba namin gagawin ang first chukchukan namin?

Sa kotse n'ya talaga?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status