Share

My Possessive Bed Buddy
My Possessive Bed Buddy
Author: Royai's Novele

Panimula

"I can't believe you're my sister," puno nang pandidiring pahayag ng nakatatanda kong kapatid na si Pennie.

Bumaba ang tingin ko sa paa ko at doon ipinako ang mga mata ko para maiwasan ang mapanghusgang tingin, hindi lang ni Pennie kundi pati na rin ng mga kaibigan n'yang kasama n'ya ngayon.

"Kapatid mo s'ya?" tanong ng lala–bakla na kasama ni Pennie. I don't know his name dahil ngayon ko lang s'ya nakita.

Paano ko nasabing bakla s'ya? He has this cute bunny hairband in his head. Kung mahaba siguro ang buhod n'ya ay aakalain kong babae s'ya dahil sa maganda n'yang mukha. At kung wala rin s'yang suot na hairband ngayon ay baka pinagpantasyahan ko na s'ya.

He's gorgeously handsome.

"Sad to say but yes," mataray na sagot ni ate. "Tara na nga guys. Sa kwarto na lang tayo uminom."

Sumunod ang apat na kasama ni ate sa kanya paakyat kaya naman naiwan akong mag-isa sa baba.

Sinimulan kong linisin ang itinapong cake ni Pennie. It's her birthday today. Gusto ko sana s'yang i-surprise pero imbis na matuwa s'ya sa effort kong pagbili ng cake para sa kanya ay nainis pa s'ya at itinapon 'yon sa akin.

I want to reconcile with her. Palagi kasi kaming nag-aaway kaya naman kahit ngayong araw lang sana ay magkabati kami at ma-celebrate namin nang sabay ang birthday n'ya pero mukhang hindi n'ya na ako kailangan dahil nand'yan na ang mga kaibigan n'ya.

Kung nandito siguro sina mama at papa ay baka nabungangaan na naman nila kami but sad to say they're busy right now. Nasa state ang mga magulang namin ngayon at inaasikaso ang business nila. Our parents owned an apparel distribution company kaya naman madalas silang wala sa bahay at kami ni Pennie ang laging naiiwan dito.

So yeah, I'm always stuck with my b*tchy sister.

"Hey, doll," tawag sa akin ng bakla habang pababa s'ya nang hagdan. Nakapamulsa s'ya at seryosong nakatitig sa akin. Bakla ba talaga s'ya o assumera lang ako?

Did he just call me doll? Dahil ba mukha akong manika?

"My name is Pixie." I said.

"I know, but I prefer calling you doll," maarti n'yang pahayag saka n'ya ako inirapan. Okay, confirm. Bakla nga.

"B-Bakit?"

"Kahawig mo kasi ang voodoo doll ng mga mangkukulam." Humagalpak s'ya ng tawa na ikinasimangot ko.

"I want to punch your adams apple. Pasalamat ka matangkad ka."

"Hahaha. Pasalamat akong pandak ka," pahayag n'ya. Ang kapal n'ya. Abot ko naman ang mukha n'ya kung susuntukin ko s'ya pero malaki ang possibility na makaiwas s'ya kaya sayang effort kung tatangkain ko pa.

Hinawakan n'ya ang ulo ko saka n'ya ginulo ang buhok na mas lalo kong ikinainis. "Hindi mo ba itatanong ang pangalan ko?" tanong n'ya na nagpataas ng isa kong kilay.

"I don't want to know. I don't like you anyway," mataray kong pahayag bago s'ya talikuran.

"You will like me soon doll."

"I won't."

"Tingnan lang natin. Here, sa'yo na lang 'to." Hinubad n'ya ang suot n'yang hairband at inilagay 'yon sa ulo ko. "Wayde. My name is Wayde."

"Bakit mo 'to ibinibigay sa akin?"

"Mas bagay 'to sa'yo kesa sa akin," sagot n'ya. He genuinely smile at me. Jusko! Bakit naman nakakaakit ang ngiti n'ya? Para akong inaakit ng mga dimples n'ya.

"Sinasabi mo bang mas maganda ako kesa sa'yo?"

"Magkaiba 'yon, chaka. Assuming ka masyado!" singhal n'ya sa akin.

Chaka? Bwisit! Kanina lang doll ang tawag n'ya sa akin ah!

"Wayde!" tawag ni Pennie sa kaibigan n'ya. Masama ang ang tingin n'ya sa akin kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya saka ako lumayo kay Wayde. "Halika na. Don't waste your time on her," dagdag pa ng kapatid.

"Yeah yeah. Whatever. Susunod na,"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Wayde ay sigurado akong tinatarayan n'ya ang kapatid ko.

"Chaka doll,"

"Bwisit ka."

He sexily chuckled and mess my hair again. Siguro ay naiingit s'ya sa buhok. "See you later," saad n'ya bago umakyat papunta sa kwarto ng kapatid ko.

I don't want to see him again but what choice do I have? Kaibigan s'ya ng bitchesa kong kapatid kaya for sure palagi nga kaming magkikita.

***

"DOLL!" Hindi ko nilingon si Wayde at ipinagpatuloy lang ang paglalakad ko palayo sa kanya. Nang makasabay s'ya akin ay bigla n'ya na lang iniharang ang paa n'ya sa harap ko dahilan para matalisod ako. Nabitawan ko ang dalawang paper bag na yakap ko na may lamang groceries kaya naman nagkalat 'yon sa kalsada.

"Why did you do that?!" asik ko kay Wayde.

"Sinubukan ko lang kung alerto ka."

"Siraulo ka talaga!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya saka ko sinimulang pulutin ang mga pinamili ko. Hindi man lang ako tinulungan!

I hate him!

Paano ko s'ya magugustuhan kung walang araw na lagi n'ya akong binubwisit.

I will never gonna like him! Never in my life!

Kahit s'ya na lang ang huling tao sa mundo na pwede kong hingan ng tulog ay hinding-hindi ako tatakbo kanya kahit life and situation pa ang problema ko.

***

I ate whose words.

Wayde Jhon Johnsons. The gay who loves calling me doll, voodoo doll, chaka doll. My bully. Hindi ko akalaing after so many years of hating him ay malalagay kami sa isang sitwasyon na hindi ko inaasahang mangyayari. I asked for his help but in exchage I became his partner...in bed.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status