"Hmm. Ano ba," reklamo ko habang mariin pa rin ang pagkakapikit ng mga mata ko. "Sinabihan mo akong manyakis kagabi pero ikaw 'tong nagsusumiksik sa akin." Narinig kong sabi ni Wayde kaya naman mabilis kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang posisyon naming dalawa. Nakapatong na ang kalahating katawan ko sa ibabaw n'ya habang nakayakap naman ang braso ko sa bewang n'ya at nakadantay ang binti ko sa hita n'ya. "Good morning doll." Nakangiti n'yang bati sa akin saka s'ya tumagilid paharap sa akin at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. "What are you doing?" kunot-noong tanong ko habang pilit na tinatanggal ang kamay n'ya na nasa bewang ko. "Nagrereklamo ka kanina nang ilayo kita sa akin kanina tapos ngayong malapit na ako sa'yo ay nagrereklamo ka pa rin. Ano ba talaga doll?" Namamaos n'yang tanong. His manly tone is seductive. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha n'ya. Pucha! Ang gwapo. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay nang mapaungol ako d
"Gan'yan ba kapag nakakaranas maging maganda? Nagtatago? Hindi ba dapat proud ka ngayong ang ganda-ganda mo na?" tanong sa akin ni Marcia, bestfriend ko. "Sino ba kasing pinagtataguan mo?" usisa n'ya sa akin.Si Wayde, s'ya ang pinagtataguan ko. Alam kong may kasunduan kami na magiging partner in bed n'ya ako pero hindi pa kasi ako ready na isuko ang bataan ko.Tatlong araw ko na s'yang pinagtataguan at sigurado akong hinahanap n'ya na ako."Hindi ako nagtatago?""Owws talaga ba? Did you also know that pigs can fly and dogs can meow?" sarkastikong pahayag ni Marcia. "My friend, you're obviously hiding from someone. Dati sa cafeteria tayo kumakain ngayon dito na sa bench. Under this blazing heat of sunlight."Bumuntonghininga ako saka ko nilingon si Marcia. Nasa hita n'ya ang lunchbox n'ya habang patuloy pa rin na ngumunguya."Don't worry. Bukas ililibre kita sa fastfood.""Pampalubag loob lang, my friend?" saad ni Marcia. "Just tell me who your hiding to, Pixie.""W-Wadye," u
"Bakit mo ako iniiwasan, doll? Dahil ba natatakot ka sa mga gagawin ko sa'yo sa kama? Nagsisisi ka na bang nakipagkasundo ka pa sa akin?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Wayde.Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ang hininga n'ya na tumatama sa leeg ko. Sinimulan n'yang halikan ang panga ko pababa sa leeg ko. Sinubukan ko iiwas ang mukha ko kanya pero hinawakan n'ya ang batok ko. "Answer me doll," bulong n'ya. Ang totoo n'yan ay natatakot akong s'ya ang unang makauna sa akin. Natatakot ako na hindi n'ya ako panagutan kung sakali man na may mabuo sa sinapupunan ko at natatakot ako na baka ako lang ang mahulog sa amin dalawa. Hmm? Imposibling magkagusto ako sa katulad n'ya. Bakla s'ya! Bakla!Malinaw naman sa kasunduan namin na hanggang bed-buddy lang kami pero wala akong kontrol sa damdamin ko. Paano kung masanay ako sa presensya n'ya? Those possibility will be my doom.Namalayan ko na lang na nabuksan n'ya na pala ang blouse na suot ko. He immediately unhooked my
"Hola mga senorita!" Masiglang bati sa amin ng kasamang bakla ni Wayde. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Maverick ang pangalan n'ya. Kilalala s'ya sa department namin dahil active s'ya sa mga school activities. Sigurado akong hindi s'ya kaibigan ni ate dahil hindi naman s'ya pumupunta sa bahay namin. Madalas ko s'yang nakikita rito kasama si Wayde o di naman kaya ay si ate Keegan. Kung si Wayde ay hindi mapaghahalataang bading, si Maverick naman ay talagang lantad ang pagiging diyosa. He's a cross-dresser from head to toe. Hindi ko mapigilang purihin ang ganda n'ya dahil bagay na bagay talaga sa kanya ang ayos n'ya. "I'm Maverick, by the way but please call me Mavy. Parang awa n'yo na, iyon ang itawag n'ya sa akin kung ayaw n'yong balatan ko kayo ng buhay. Ha-Ha-Ha. Chariz lang mga inday!" "Doll." Lumunok muna ako ng laway bago tapunan ng tingin si Wayde. "B-Bakit?" "Bakit mas lalo kang nagmumukhang voodoo doll?" tanong n'ya na nagpakunot ng noo ko. Naupo s'ya sa harap ko bago
"Hindi ka pa rin ba papasok bukas? Ano? Balak mo bang magmukmuok na lang dito habang buhay? Aba! Nakakalimutan mo atang hindi mo kwarto 'to," litanya ni Marcia na kakalabas lang sa banyo habang pinupunasan ang basa n'yang buhok. Hindi ko alam kung concern ba talaga s'ya sa akin. Para kasing gusto n'ya na akong palayasin sa pamamahay n'ya. Pangaalwang gabi ko na ngayon dito sa bahay n'ya. Hindi ako umuuwi sa amin dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Pennie. Hindi rin ako pumapasok nang school dahil natatakot ako sa ibibigay sa akin na tingin ng mga estudyante. Maraming followers sa social media accounts si Aya dahil maganda at sikat s'ya sa school. Kahit walang utak ang isang 'yon katulad ng ate ko ay sapat na para sa mga tao na mabighani sa kanya. Sigurado akong maraming nakakita sa live n'ya kahapon habang pinapahiya n'ya ako."Naka-take down na ang video mo, Pixie kaya wala ka ng dapat na ikabahala.""Kahit naman mawala ang video ay alam pa rin ng mga tao na ako ang nand
"Is that a hickie?" tanong sa akin ni Janus habang nakatitig sa leeg ko. Akmang hahawakan n'ya na sana ako nang mabilis kong iharang ang kamay ko sa gilid ng leeg ko. Kinuha ko mula sa loob ng bag ko ang compact mirror ko at tiningnan ang tinutukoy n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may iniwan ngang hickie sa leeg ko kagabi si Wayde. "Oh god," usal ko na lang. Hindi lang isa kundi dalawang hickie ang nakikita ko. "Pixie," tawag sa akin ni Janus dahilan para malipat ulit ang tingin ko sa kanya. "I have to go. May pasok pa ako." Mabilis kong iniwas ang braso ko sa kanya. Alam ko kasing pipigilan n'ya na naman ako kaya naging alerto na ako. Ngayon ay sisingsisi ako na sa kanya ako umiyak at nagpahatid ng araw na 'yon. Siguradong nagbigay 'yon sa kanya ng pag-asa para magkabalikan ulit kaming dalawa. Kahit nag-ala prince charming s'ya sa akin ng araw na 'yon ay hindi pa rin 'yon sapat para makuha n'ya ulit ang tiwala ko. I can't let this man ruin me again. Tama na ang is
"Ahmp. Way–hmm!" Pinilit kong alisin ang kamay ni Wayde sa mukha ko pero mas lalo n'ya pa 'yong idiniin. "Stop smiling at him, doll!" sita n'ya sa akin."Tara guys. Meryenda tayo sa canteen. Nagugutom aketch."Hinabol ko ang hininga ko nang tanggalin ni Wayde ang kamay n'ya sa mukha ko. Pinisil ko rin ang ilong ko dahil parang na-flat 'yon sa ginawa n'ya. Sinamaan ko ng tingin si Wayde pero mabilis n'ya akong tinalikuran saka n'ya sinundan ang mga kaibigan n'ya. Patience is virtue–my qoute everyday!Nang makarating kami sa canteen ay sina Wayde at Mavey na ang pumila para umorder ng pagkain namin. Naupo kami ni ate Keegan sa bakanteng mesa malapit sa glass wall kung saan kitang-kita namin ang malawak na soccer field sa labas."Matagal na ba kayong magkakaibigan na tatlo?" tanong ko kay ate Keegan. "Oo. First year highschool palang kami ay magkakaibigan na kami. Bago pa makilala ni Wini ang ate mo ay kami ang original friends n'ya." "Kung ganun, pinagpalit kayo ni Wayde sa
"Ahm. A-Ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Pennie nung magkita kayo sa boutique?" tanong ko na bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Mabilis akong sinulyapan ni Wayde bago muling ibalik sa daan ang atensyon n'ya. "Kinamusta n'ya lang ako." "Iyon lang?" Hindi ako naniniwalang 'yon lang ang sinabi sa kanya ng kapatid ko. "She told me that I'm doing things because I wanted her to be jealous. Iniisip n'yang nagagalit ako sa kanya dahil nawawalan na s'ya ng atensyon sa akin sa dami ng mga lalaki n'ya. Feelingera ang shupatembang mo." "S-Shu-ano?" Humalakhak si Wayde na ikinasimangot ko. Malay ko ba kung anong lengguwahe ang ginagamit n'ya. "Beki language meaning kapatid," saad n'ya. "Your sister likes me." Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Alam n'yang pinagnanasaan s'ya ng kapatid ko? "Iyon ba ang dahilan kung bakit nilayuan mo s'ya?" tanong ko. "Nope. She's a good friend, walang duda 'ron pero may iba akong dahilan kung bakit kumampi ak