Share

Chapter Twenty-Seven: A Falling Game

ARIA

“Inulit pa nga!” mahina kong banggit nang muli na namang napunta kay Henry ang buff na para sana sa hero ko. Pangatlong beses niya na akong naagawan ng blue buff gayong tank ang role niya sa laro namin. Nakakainis! Kapag kami natalo rito ay siya talaga sisisihin ko.

“Hindi sadya ‘yon, ah!” rinig kong komento niya sa voice chat namin. Naka-earphones ako ngayon at maging ang mga tropa ko dahil kailangan namin ng communication sa larong ‘to. Hindi naman pwedeng magsigawan kami rito sa bus, edi nagalit mga taong kasama namin dahil sa ingay.

“Boss Aria, samahan kita roon sa ibabang line. Kuhanin na lang natin ‘yung pula.” sabat ni Benjie na tinutukoy ang red buff sa may bot line. Nakita kong papunta na siya roon kaya itinago ko muna sa damuhan ‘yung hero ko bago umuwi sa base. Buti pa ‘tong baguhang si Benjie, marunong mag-isip. Kahit marksman ang role ay mapagbigay.

Custom game nilalaro namin sa ML, 5v5. Kampi ko sina Henry, Benjie, Joseph, at ang bagong sali na si Cloud. Nang malaman
RandomQueen

Thank you for supporting this story, readers! More chapters to come. <3

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status