Share

Chapter 43

Andrea

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kela Lexa dahil sila ang sumalubong sa akin kanina pagkagising ko.

Sabado ngayon at wala kaming pasok, wala din kaming napag-usapan na lakad ngayon kaya ang akala ko ay tahimik ang araw ko.

Nagkamali ako sa akala ko dahil nandito sila at sinusundo ako dahil may pupuntahan daw kami. Hindi ko nga lang alam kung saan.

"Malalaman mo rin, don't be impatient and wait until we reached our destination." Sagot niya.

Binigyan ko siya ng nanunuyang tingin bago sumakay sa kotse na dala nila. May dala pa talaga silang kotse at si Raia daw ang magda-drive.

'Wag lang sana kaming bumangga o mabangga habang siya ang nagmamaneho. Hindi ko pa siya nakakasama sa sasakyan na siya ang driver kaya wala akong tiwala sa kaniya.

Ayon din sa kanila ay ito ang unang pagkakataon na magmamaneho si Raia kaya wala pa akong tiwala sa kaniya sa pagmamaneho ng sasakyan ngayon.

Nagsimula na siyang magmaneho. Ayus naman ang pagmamaneho niya, wala ring gaanong sasakyan na dumaraan sa dinadaan namin kaya wala na akong ikinababahala.

"By the way, Andrea. Don't you remember anything today?" Tanong sa akin ni Raia habang siya ay nagmamaneho.

"Wala." Sagot ko.

Ano ba ang meron ngayong araw? Sabado ngayon at walang pasok 'yun lang ang alam ko at wala ng iba.

Maraming linggo na rin ang nakararaan matapos ang kaarawan ng Madam ng mga Arcardia at wala nang iba pang kaarawan akong natatandaan na maaring ipagdidiwang.

"Really? Don't you remember anything special today?"

"Wala nga."

Sinabi ko ngang wala, eh, tapos tatanungin niya pa ako ulit kung may naalala ba ako.

Umiling iling silang pareho ni Lexa. Nakita ko 'yon dahil sa backseat ako nakaupo at silang dalawa ang nasa driver's seat and passenger seat.

"He will be sad, I'm sure of that." Wika ni Lexa.

Sino naman kaya ang malulungkot?

"Yeah, right. Siguradong nakanguso 'yon maghapon." Sambit naman ni Raia.

"Marupok naman 'yon, eh. Isang I love you lang niya okay na ulit 'yun." Saad ni Lexa.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasasabi ng mga kasama ko dito. Hindi ko rin alam kung sino ang tinutukoy nila.

Bumuntong hininga nalang ako dahil hindi naman ako makasabay sa pinag-uusapan nila.

Nga pala, si hagdan. Galit siya sa 'kin dahil sa isang lalaki na tinulungan ko. Nagselos siya do'n dahil biglaan akong niyakap ng lalaki dahil sa tuwa at na misunderstood niya.

Akala niya ay nakipagyakap ako sa lalaking 'yon. Grabe naman kasi kung matuwa ang lalaki, hindi ko inaasahan ang pagyakap niyang 'yon at sakto pa na kakarating lang ni hagdan.

Galing nga ng timing nang pagdating niya, eh. Saktong sakto sa pagyakap nung lalaki. Ang tagal nang oras na hinintay ko siya kaya nainip ako at naglibot para malibang.

Sakto lang na may kailangan ng tulong kaya tinulungan ko tapos na misunderstood pa niya. Hayst.

Hindi muna kami pumunta sa totoong lugar na dapat naming puntahan. Masyado pa raw maaga kaya maglibot muna daw kami sa mall.

Mall na naman. Masyado pa palang maaga, bakit nila ako pinuntahan sa amin ng ganoong kaaga? Talaga bang nang-iinis sila?

Sumunod lang ako nang sumunod sa kanila habang naglalakad. Ang bagal nilang maglakad at ang lahat nang madaanan nilang store ay hinihintuan nila.

"What do you think about this one, Raia? Isn't it cute?" Nakangiting tanong ni Lexa na hangang hanga sa stuffed toy na kulay brown.

"It sooo cutee!" Puri ni Raia dito saka siya lumapit dito at tinignan din ang stuff toy.

Parang hindi niya makita sa malayuan iyon, eh ang laki laki.

"Is there a color red of this?" Tanong ni Raia sa sales lady.

Nayayamot na ako dito kaya umalis muna ako. Wala naman akong hilig sa mga stuff toy kaya bored na bored na ako doon.

Naglakad lakad muna ako at nagtititingin sa mga store at boutique na madadaanan ko. Napahinto ako sa isang store ng mga relo.

Nagtitingin ako sa mga ito hanggang sa isang relo ang makakuha ng atensyon ko. Rolex.

Pwede ko siguro 'tong gawing suhol kay hagdan. Sinabi ko sa sales lady na bibilin ko iyon.

"This is the last stock here in our store, ma'am. Buti po at naabutan niyo pa." Nakangiting sabi sa akin ng sales lady.

Mabuti naman at inabutan ko pa ito. Ito lang talaga ang natipuhan ko dito sa store nila. Lahat ay pawang nakita ko na noon pa sa collection ni hagdan.

Lumabas na ako sa store pagkabili ko ng relo na ireregalo ko kay hagdan. Sana ay magustuhan niya 'to.

"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap." Saad ni Lexa.

Oo nga pala at kasama ko sila. Nakalimutan ko silang balikan. Itinago ko ang relong binili ko sa bag na dala ko para hindi nila makita.

Mang-aasar lang ang mga 'yon, panigurado.

"Nandito na ako, tara na?" Wika ko.

"Let's go." Sambit ni Raia.

Sabay sabay na kaming naglakad patungo sa elevator. Ang akala ko ay pupunta na kami sa lugar na patutunguhan namin, mali pala ako.

Sa fifth floor nila ako dinala. Ano na naman kaya ang gagawin namin dito? Ang dami naman nila masyadong kailangan dito sa mall.

"Ano namang kailangan niyo dito?" Tanong ko sa kanila pagkalabas namin sa elevator dahil may ibang tao sa elevator kaya hindi ako nakapagtanong kanina.

"It's make-over time." Ani Lexa sabay tulak sa akin sa harap nila ni Raia.

Pinasok nila ako sa isang salon at kinausap nila ang mga hairstylist at make up artist na ayusan daw ako.

Ano na naman kaya ang trip nila? Bakit kailangan pa akong ayusan?

"After this, we're going to our real destination." Bulong sa akin ni Raia saka nila ako pinanuod na ayusan.

Kung ano ano na namang kolorete ang nilagay nila sa mukha ko at ginawa na namang coloring book ang mukha ko for the second time.

Kung ano ano ding buhol ang ginawa nila sa buhok ko at hindi ko gusto ito. Ano na naman ba kasi ang pumasok na kalokohan sa dalawang ito?

Binigyan din nila ako ng red floral dress at iyon ang ipinasuot sa akin. Wala naman akong nagawa noong itulak na nila ako sa loob ng restroom.

Ayus lang naman sa akin ang dress. Hindi siya maikli at hindi rin ganoong kahaba para magmukha akong matanda.

"Perfect!" Masayang sabi ni Raia.

Sabay sabay na kaming bumaba sa basement kung saan naka-park ang sasakyan na dala nila.

Ang mga gamit ko kanina ay bitbit nila ngayon maging ang sapatos na suot ko dahil pinalitan nila 'yon ng iba  maliban sa sling bag na dala ko.

Ang kaninang sneakers na suot ko ay napalitan ng flat shoes, ang hikaw na suot ko ay pinalitan din nila. Kung kanina ay wala akong bracelet na suot, ngayon ay meron na.

"Kailangan ko ng paliwanag mula dito sa kalokohan niyong ito." Walang emosyong sabi ko pagkasakay namin sa sasakyan.

Binuhay na ni Raia ang makina na kotse ay ito ay kaniyang pinaandar.

"We don't need to explain this by words, Andrea. You'll know after we reach our destination." Nakangiting sagot sa akin ni Raia na tinignan pa ako mula sa rearview mirror ng sasakyan.

Siguraduhin niyo lang dahil kung hindi makatarungan ang ginawa niyong ito sa akin ay malilintikan kayo.

Matagal ang naging byahe namin papunta sa destinasyon na sinasabi nila na aming paroroonan.

Mahabang oras na nga ang iginugol namin sa pamimili, paglilibot at pag-aayus kuno na ginawa nila sa akin, mahabang oras din ang iginugol namin sa byahe.

Kaya pala huminto kami sa isang fast-food restaurant para mag take out ng pagkain ay aabutin pala kami ng gabi sa byahe.

"We're here." Wika ni Lexa.

Sa isang garden? Sa isang garden kami huminto. Bakit naman dito nila ako dinala?

Tinignan ko silang dalawa na nakatingin lang din sa akin. "Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanila.

Hindi ko akalain na sa isang hardin sa isang mansion nila ako dadalin. Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng mansion na ito ngunit masasabi ko na kilala ito nila Raia sapagkat hinayaan silang makapasok ng guard sa labas at hinayaan pa silang ipark ang sasakyan sa tapat mismo ng garden.

"Just go inside and you'll know."

Sinunod ko nalang ang sinabi niya at pumasok ako sa loob. Namangha ako sa aking nakita dito. Maganda ang pagkaka-ayus nang lugar.

Puno ng kulay pulang rosas ang mga damo at may isang bilog na table sa gitna na mayroong dalawang upuan sa magkabilang dulo.

Mayroon din ditong mga mumunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa lugar. Nakakamangha ang lugar na ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status