Share

Chapter 48

Andrea

What a great morning. Hindi ako nakatulog nang ayus dahil sa mga pesteng hayop na may sala sa mga nangyari.

Tinatamad akong pumasok ngayon kaya hindi muna ako papasok sa school. First time kong tamarin na pumasok. Ngayon lang ako tinamad sa tanang buhay ko.

Lumabas ako nang kwarto ko nang hindi nagpapalit nang damit. Naka panjama at oversized shirt lang ako. Tinatamad din akong magpalit nang damit kaya hindi na ako nagpalit.

Wala na akong taong nakita sa loob nang bahay dahil anong oras na din. Malamang ay nasa eskwelahan na sina kuya at nasa restaurant naman sila mama.

Kumuha lang ako nang cereals sa ref at gatas. Hindi ko talaga trip ang mga gatas pero wala akong choice dahil wala namang pagkain dito na nakahain.

Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at inilock ang pinto nito. Ayokong maistorbo habang nagtatrabaho.

Hahanapin ko kung sino ang gumawa nun kay Cassandra. Makapaghihintay naman ang kaso ni hagdan, kaya 'yung kay Cassandra muna ang uunahin ko.

Bago ko pa mabuksan ang laptop ko ay biglang tumunog ang phone ko, may kung sinuman ang nag-text sa akin.

Nang damputin ko ang phone ko para tignan kung sino ang nag-text ay unknown number ang nakalagay. Tinignan ko ang message na sinend nang hindi ko alam kung sino at ito ang nakalagay.

'Yan ang mga pangalan na nakasulat dito. Sino sino naman kaya ang mga ito? Bakit kasi walang picture.

Inabot ako nang hapon sa pagbabasa nang lahat nang nakasulat sa journal ni papa. Nakaramdam ako nang gutom nang natapos ako.

Hindi pala ako nakakain nang tanghalian dahil busy ako dito. Makababa nga at makahanap nang pwedeng kainin.

Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakita sa sala ang lahat nang kaibigan ko kasama sila Azalea at Dave.

Anong ginagawa nila dito?

Lumapit ako sa kanila para marinig ko kung anuman ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako sa isang dingding para hindi nila ako mapansin. Dahil sobrang tutok sila sa pakikinig ay hindi nila ako napansin.

"Hindi talaga siya pumasok?" Tanong ni kuya Andrew.

"Hindi. Akala nga namin late lang siya, eh. Tapos hindi rin siya umattend sa iba pa naming klase." Sagot ni Jake.

"Sandali." Paalam ni Andrei saka umakyat sa taas.

Nagtago ako para niya ako makita. Bumalik siya na pailing iling.

"Nasaan kaya 'yon?" Tanong ni kuya Andrew.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka ako nagsalita. "Sinong hinahanap niyo?" Tanong ko sa kanila.

Para naman silang nakakita nang multo nang makita nila ako.

"Saan ka ba galing?" Tanong ni kuya sa akin.

Tinuro ko ang dingding kung nasaan ako nagtatago kanina.

"Anong ginagawa mo do'n?" Tanong naman ni kuya Andrello.

"Nakatayo." Maikli kong sagot.

"Bakit ka nakatayo doon?" Tanong naman ni Andrei.

"Gusto ko lang."

"Pinainom niyo ba nang gamot 'yan?" Tanong ni Jake saka umupo sa sofa.

Naupo na rin ang iba pa sa sofa at nanatiling nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni kuya Andrew.

"Tinatamad ako." Deretso kong sagot.

"Tinamad ka yata? Himala." Sabat ni Jake.

"Sa tinamad ako, eh."

Napabuntong hininga sila kuya saka naupo na din sa sofa. Naupo na din ako dahil lahat sila ay nakaupo na.

"Anong ginagawa niyo at nandito kayong lahat?" Tanong ko sa kanila.

"Akala kasi namin kung ano na ang nangyari sa 'yo." Sabi ni Jake.

"Ano namang mangyayari sa 'kin?" Tanong ko.

"Baka mapatay ka na sa susunod nung nagtatangka sa buhay mo."

Nginisian ko siya. "Kahit sa panaginip niya hindi niya ako mapapatay." Sabi ko.

Naalala ko kung bakit nga pala ako bumaba dito. 'Yun ay ang kumain. Naramdaman ko lang muli ang gutom kaya ko iyon naalala.

Hinimas ko ang tiyan ko saka ako tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Andrei.

"Sa kusina." Sagot ko saka nagdere-deretso.

May naramdaman akong sumunod sa akin. Nang makarating kami sa kusina ay si hagdan pala 'yon.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

Kumuha ako nang pinggan at naglagay nang kanin doon. May pagkain dito sa lamesa na iniwan siguro nila mama.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin mula sa likod habang naghahain ako nang pagkain ko.

"No, you're not." Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap sa akin mula sa likod. "What's wrong?"

Napabuntong hininga ako saka inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at humarap sa kaniya.

Yumakap ako sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi nung kung sinuman sa text.

Bakit ako malalapit sa disgrasya kapag naging close ako kay hagdan? Bakit?

"Okay lang ako, 'wag kang mag-alala." Sabi ko.

"You can tell me your problems. I can help you with that." Sabi niya.

Alam ko naman 'yon. Pero ang kaso ni Cassandra ay mag-isa kong lulutasin.

"I'll tell you if I need your help. But now, let me face it alone." Sabi ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago ako inilayo sa kaniya. "Always remember that I'm here. I will help you in every way I can." Aniya saka ako muling niyakap at hinalikan sa noo bago siya umalis.

Alam ko na nariyan silang lahat para sa akin, pero ngayon. Sa kasong ito ay kami na munang mga Smith ang bahala dito.

Ayoko na aksayahin ang oras nila. Ayoko na mahirapan sila. Hahayaan ko muna silang e-enjoy ang buhay nila. Ganun naman talaga ang dapat nilang ginagawa kung hindi lang nila ako nakilala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status