Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko.
"Miss Debbie."Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin."Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob."Ouch.""Aray."Mabilis akong tumayo at tinulungan ang babaeng na bangga ko na tumayo."Sorry ma'am. Pasensya ho hindi ko kayo nakita," paghingi ko dito nang pasensya."It's okay. You seems in hurry," saad nito sa malambing na tono.Ang ganda niya at ang bait pa. Pinulupot niya pa ang bag ko na nasa sahig at sinukbit iyon sa balikat ko.She give me a small smile. "Wala bang masakit sayo.?"Umiling ako. "Wala ho. Ikaw ma'am baka may masakit sayo, baka may galos ka. Pasensya ho talaga ma'am nagmamadali kasi ako hindi ko kayo nakita, " senserong paliwanag ko." You okay? "Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. Ang kanyang pabango na nagpaliyo sa huwesyo ko. Hindi ako sigurado kung sino sa aming dalawa ng babae ang tinanong niya dahil maski ito ay hindi sumagot sa lalaki.Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko namutla ako nang huminto siya sa harapan namin at sinuyod nang tingin ang babaeng nasa harapan ko.Umangkla ang babae sa kanyang braso at matamis na ngumiti."I'm okay. Hindi naman niya sinadya."Tumango siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang saglit siyang lumingon sa akin."C'mon babe. I'm hungry na."Nanigas ako sa aking kinatayuan. At biglang sumilay ang kakaibang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi ng babae. May girlfriend na siya. May ibang mahal ang lalaking gusto ko.Buong hapon akong matamlay sa trabaho hanggang sa pag uwi ay parang lantang gulay ako. Pabagsak akong humiga sa kama at malakas na bumuntong hininga."Argh! Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi naman ako ganito ah!" Frustrated na sambit ko. "Ang bigat ng loob ko. Naninikip ang dibdib ko. Ano ba 'tong nangyari sa'kin?!"Napasabunot ako sa buhok ko sa inis sa sarili kung bakit ako nagkaganito. Naramdaman ko lang ito kanina nang malaman ko na may girlfriend na si Emmanuel. Pikit ang mata na dinampot ko ang magazine kung nasaan nakapaskil ang mukha niya at tinapon iyon s ilalim ng kama. Hanggat maaga pa kailangan ko siyang kalimutan. Hanggat crush ko palang siya kailangan ko ng burahin iyon sa aking isipan. Hindi ako pwede magkagusto sa kanya. May girlfriend na siya. Ayoko mahulog sa isang tao na may mahal ng iba. Crush ko lang naman siya. Madali lang mawala iyon.Lalong nanikip ang dibdib ko sa naisip ko. Parang hindi ko kaya. Tatlong taon ko siyang hinahangan hindi ganon kadali na kalimutan siya ng ganoon lang kabilis. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa doon, wala akong masabihan nitong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilabas sa pagtipa sa cellphone ko.From: Ashnaie:Saturday night. At, The Stairwell. My treat.Mag protesta pa sana ako dahil pang mayaman ang resto bar na iyon at hindi ko afford nang mag text siya ulit.From:Ashnaie:Na promote ako sa kompanya namin. Isa na akong CEO. Mag celebrate tayo.Kaya naman pala. Deserve niya rin ang promotion niya. Pinatunayan niya iyon ng tatlong taon sa daddy niya.To: Ashnaie: Congratulations!!! I'm so proud of you. Deserve mo ang promotion at deserve mo ang party.After our short conversation I decided to sleep dahil hindi parin bumabalik ang lakas ko mula kaninang umaga. Saka ko naalala ang tauhan ni papa kanina na nakasunod sa akin. Bigla ako nakaramdam ng takot. Paano kung ipahuli ako ni papa sa kanila? Alam ko hindi ako sasaktan ni papa pero kung may kailangan siya sa akin hindi malabo na hindi niya iyon daanin sa dahas kapag nagmatigas ako. Bago ko pa pagsisihan ang lahat ibinaba ko ang pride ko at nag tipa ng mensahe para sa kanya.To: Papa:I'm okay, Pa. Huwag ho kayong mag-alala. Pasensya na kung hindi ako sumama sa tauhan ninyo may trabaho kasi ako at hindi ako pwedeng umabsent. Salamat rin pala sa pera na binigay mo. Hindi ko pa ginalaw kasi sinagot ni Ashnaie ang pag treat sa birthday ko. Maayos ho ako. Sana ikaw rin. Take care yourself. Don't worry isa ako sa mga taong naniwala na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni mommy. Take care, Pa. I love you.Galit ako sa kanya ngunit hindi maalis sa akin ang mag-alala. Papa ko parin siya. At hindi pa naman napatunayan na may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama. Kung sakali man na siya ang master mind ako mismo ang magpakulong sa kanya at kalimutan kong ama ko siya para lang mabigyan ng hustisya ang brutal na pagkamatay ni mama.Natanggap siguro ni papa ang mensahe ko dahil wala ng tauhan niya ang sumusunod sa akin kinabukasan. Naging normal ulit ang takbo nang oras ko hanggang sumapit ang sabado. Effective ang pagtapon ko nang magazine ni Emmanuel sa ilalim ng kama ko.Mahilig ako sa mga reveling na damit kaya red backless dress na lagpas tuhod ang suot ko. Hindi bale na makita ang likod ko huwag lang masilipan at mahipuan dahil sa ikli ng damit. Mercedes Benz ang sasakyan na dala ni Ashnaie. Isang sasakyan lang gamit namin total may driver naman si Ash."Wow! Sexy!" Puna ni Cathalea nang makasakay ako."Dinaig mo ang ka sexy-han ko! Bruha ka," natatawa na sambit ni Ashnaie. " Ang kj ng boyfriend ko. Ayaw akong payagan mag bar kapag sexy ang suot ko. Gusto niya naka pants at long sleeve ako.""Nagpa-under ka naman," taas kilay na sabat ni Cath."Syempre mahal ko e. Pero hindi naman ako mukhang manang tingnan diba?""Pang CEO nga talaga ang dating mo sa suot mo," puna ko na kinasimangot niya.She's wearing a high-waisted trousers. Long sleeve crop top and 2 inches high heels. Napangiwi ako. Bagay naman sa kanya ang suot niya , mapagkamalan mo lang na buntis dahil balut-balot ang suot niya.Dahil resto bar ito nag order na si Ashnaie ng pagkain at wine. Muntik ko na siyang murahin sa dami ng order niya pang isang barangay. May balak yata ito na hanggang umaga mag celebrate sa dami ng pagkain na inorder niya."Congratulations Ashnaie!"Sabay na sambit namin ni Cathalea at pinahipan sa kanya ang kandila sa cake nito."Ayoko uminom. Baka malasing ako," agad na sabi ni Cathalea nang magbukas ng wine si Ashnaie."Oh my god!"Muntik ko ng madura ang kinain ko sa gulat ng humiyaw si Ashnaie."Oh my god! Masayang selebrasyon 'to," gigil na sambit niya. " Nandito si Emmanuel.""Ano?!" Gulat na sambit ko."Talaga? Saan?" Si Cathalea."Sa kabilang table."Sabay kaming lumingon ni Cathalea at halos malaglag ang puso ko nang lumingon ito sa gawi namin. Tumili ang dalawang kasama ko. Nahihiya na humarap ako sa table namin. Hindi maikaila na subrang gwapo niya sa gupit niyang semi calbo. Napakalinis niya tingnan sa suot niyang sky blue long sleeve na nakatupi hanggang siko at black baston jeans. Mag-isa lang siya sa kanyang table at may bote ng rhum sa kanyang harapan."Ngayon mo na gawin ang dare, Debbie. Malaking chance na'to at mag-isa siya," sabi ni Cathalea na kay Emmanuel parin ang tingin."Go! Deb!" Malaki ang ngiti sa sambit ni Ashnaie."Ito," binigyan niya ako ng alak. " Pampalakas ng loob."". Makaramdam ba agad ako nang hilo diyan? Iba nalang iyong matapang, " kinuha ko ang menu ng alak. "Mag hikahos ako sa hirap sa presyo ng alak dito. Wala ba silang beer? Ay! Pota!" Sambit ko ng makita ang presyo ng kanilang beer. "Tag 50 lang to sa tindahan e. Bakit naging times five ang presyo dito?"Hindi pa ako naka inom pero parang sumakit ang ulo ko sa presyo ng kanilang alak. Kaya tinungga ko ang wine na bigay ni Ashnaie. Naka limang tungga na ako nang makaramdam ako ng init sa aking pisngi, tumatama na ang alak sa katawan ko."Para sa Paris," saad ko. Tinaas ko pa ang baso na may laman na wine. Nilagok ko iyon saka tumayo."Watch me," saad ko sa dalawa."Good luck, Debbie." Si Ashnaie."Sunggaban mo kaagad para walang kawala," si Cathalea.Umayos ako ng tayo nang makaramdam ng hilo. Nang mahimasmasan ay lumakad na ako papunta sa kabilang table kung saan naroon si Emmanuel. Ang buong tapang ko ay nawala ng nasa tapat na niya ako. Para akong napepe. Walang salita na lumabas sa bibig ko. At doon ko naalala may girlfriend na pala siya. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya."What do you want woman?"Ang kanyang seryoso at ma awtoridad na boses ay nagpahina ng tuhod ko. Napakapit ako sa mesa nang umangat ang tingin niya sa akin. Parang nawala ang lakas ko. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya, hindi inalis ang ang tingin sa kanyang mapanuri na mata. Naliliyo ako sa titig niya. Lalo akong nalasing sa mabango na amoy niya. I was about to speak nang matapilok ako at natumba ako sa harapan niya. .sa pagitan ng dalawang hita niya.Ang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo. Punyemas na Ashnaie 'yon alam niyang hindi ako umiinom ayan tuloy napasubo ako. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ka lambot ang kama ko. Baka sa condo ni Ash. Sumiksik pa ako sa unan na yakap ko. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganito ang unan na kayakap ko? Mainit. Matigas at parang may buhay. Pero ang sarap yakapin. Ang huling naalala ko nasa bar kaming tatlo at sinabi ni Ash na gawin ko na ang dare nila sa akin at lumapit ako sa table kung saan naka upo doon si Emmanuel, at. Napamulat ako nang may maramdaman na matigas na bagay na sumundot sa bandang tiyan ko. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang matipunong dibdib kung saan naroon ang palad ko,wala itong suot na damit kaya't ramdam ko ang init ng katawan niya. At ngayon ko lang namalayan na nakayakap ito sa akin at nakatanday ang isang paa. Hindi ako gumalaw, natatakot na magising siya. Napalunok ako at pamilyar sa akin ang amoy niya. Muntik ko na siyang maitulak pag-angat ko nan
Ano kaya ang buhay na danasin ko kasama si Emmanuel? Masaya ba? Malungkot? Hirap? Hindi namin kilala ang isa't isa, lalo na siya. Siguro, ngayon niya lang din nalaman ang pangalan ko. At ako, kilala ko lang siya sa mga sulat sa magazine na nabasa ko. Totoo kaya ang lahat ng mga iyon? O, gawa-gawa lang dahil sa sandaling kasama ko siya batid ko ang kagaspangan ng ugali niya bagay na hindi naisulat sa magazine niya.Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko madilim na. Dala sa sinag ng ilaw mula sa poste sa labas ng bahay, tumayo ako sa binuksan ang ilaw. Hindi pa ba nakauwi si Emmanuel? Lumabas ako nang kuwarto, walang ilaw sa sala kaya panigurado hindi pa nakauwi si Emmanuel. Nangangapa na tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Sinilip ko ang labas ng bahay wala pa doon ang sasakyan niya.Dahil busog pa ako, umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin nalang ang pag-uwi niya. Walang orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Nanatili lang akong nakaupo nakasilip s
Nagising ako ng hindi nadatnan si Emmanuel. Wala na rin ang sasakyan niya siguro nasa trabaho na ito. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit iyon lang ang nangyari sa amin kagabi. Hindi na gaanong masakit ngunit mahapdi nang basain ko ito ng tubig. Ganito ba talaga ito? Nang matapos akong maligo damit parin ni Emmanuel ang suot ko. Pumunta ako ng kusina upang iluto ng pagkain ang sarili ko. Hindi man lang yata nag kape si Emmanuel.Uminit ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga iyon inaasahan. Ang pag-uwi niya sa bahay na mahigit isang linggo siyang wala. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganoon siya ka marahas sa akin? Hindi naman siya amoy alak kaya malamang hindi siya lasing. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Tanungin sa mahinahon na paraan. Hindi iyong basta niya lang ako hablutin at idiin sa pader. Hindi ko akalain na ganoon pala siya ka haras kapag galit.Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Tama naman siya. Ano ang rason ko kung bakit inakit ko siya. K
Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel.Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain.Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong
Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito?Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel."Escort her to my office."Ani nito kay Bethany at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago ako tinalikuran. Biglang sumama ang loob ko sa kanya. Binalik ko ang tingin kay Bethany na
Subra akong nagulat sa sinabi niya lalo na ang paghubad niya sa harapan ko. Sa loob ng isang buwan na pag-iwas niya sa akin, haharapin niya ako at ito ang sasabihin niya ang maghubad ako? Alam ko kung ano ang gagawin niya pero bakit pakiramdam ko isa akong parausan na basta niya lang diktahan na maghubad sa harapan niya at gawin ang lahat ng iutos niya. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong inuulit ko ang sasabihin ko," malamig na sambit niya. " Hubad at humiga ka sa kama."Hindi ako natinag. Nakatitig lang ako sa hubad at maskulado niyang katawan. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa pagitan ng dalawang hita niya. Napaatras ako nang mapagtanto kung gaano na iyon ka tigas at tayong-tayo handa nang sumabak sa laban. "Hubad."Napapitlag ako nang tumaas ang boses niya. Simpleng salita ngunit nagpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi ako takot sa mangyari sa amin kundi takot ako sa klase ng pananalita niya. Ma awtoridad. Na kapag hindi mo sinunod mangingig ka sa takot sa maaring gawi
Hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan si Emmanuel habang kumakain. Seryoso ang kanyang mukha, sa plato lang ang tingin at tahimik na kumakain kaya malaya ko siyang mapagmasdan. Nanibago ako sa kilos niya ngayon. Nalilito kung bakit bigla siyang naging mabait. Kaya sulitin ko muna ang ganitong pagkakataon dahil baka bukas ay balik na naman siya sa dati niyang pagtrato sa akin na parang isang hangin.Sa loob ng isang buwan na pagsasama namin hindi ko parin kilala ang tunay na isang Emmanuel Montefalco. Bukod sa hindi maganda ang trato niya sa akin ay wala na akong ibang alam kung ano at sino talaga siya. Ang sabi sa article na nabasa ko isa siyang mafia, kaya siguro hindi kami mapag-abot dalawa noong mga nakaraang araw dahil baka busy siya? At ngayon lang siya may free time kaya napa aga ang uwi niya. Totoo ba talaga na isa siyang mafia? O, baka sabi-sabi lang para may maisulat na article. Hindi rin naman kasi ito sinagot ni Emmanuel. Nang matapos akong kumain ay siya na ang nagligpit n
Maayos na ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ri masakit ang aking ulo. Hindi na ako nahihilo at wala na ang pananakit ng katawan ko pero ramdam ko parin na may kaunting pamamaga pa sa maselang parte ng katawan ko. Bumangon na ako at naligo. Wala si Emmanuel siguro nasa trabaho na siya. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo, wala lang ang ganda lang ng mood ko. Linggo ngayon at wala akong trabaho, kung katulad lang ng dati siguro nasa galaan na kaming tatlo ni Cathalea at Ashnaie na miss ko tuloy silang dalawa matagal na rin ang huli naming pagkikita. Na miss ko ang asaran at kulitan naming tatlo. Ang mag food trip. Mag shopping tapos libre ni Ashnaie. Sa next weekend surprisahin ko silang dalawa sa trabaho nila gusto kong makabawi sa mga araw na hindi ko sila kasama. Pa kanta-kanta parin ako hanggang makalabas ng banyo. Wala akong dala na extra towel at ang towel na pinang punas ko sa basa kong katawan ay pinulupot ko sa basa kong buho