Share

Chapter 2 Commotion

At exactly 7:00 am

Unang lumabas ng mansion si Moon suot ng uniform ng Sky University. Papasok na sana siya sa kotse niya pero pinigilan siya ni Star. Sumunod na lumabas si Sun na nakapikit ang mga mata habang naglalakad.

" Give me some energy Sun" sabi ni Star

" It's too early. I'm still sleepy"  reklamo ni Sun bago sumandal sa sasakyan ni Star.

" Lets go"

Naglakad si Sun papunta sa kotse niya pero pinigilan siya ni Star gaya ng ginawa nito kay Moon.

" Where going to use one car" sabi ni Star

" Seriously?" nakakunot noong tanong ni Sun.

Tumango si Star bilang sagot sa tanong niya. Nagtinginan ang kambal na halatang hindi sang ayon sa plano ng kapatid nila. Inagaw ni Sun ang susi ng sasakyan mula sa kay Star bago pumasok sa driver seat ng kotse.

" Ako ang nagmamaneho" sabi nito bago pinaandar ang engine.

" No, ako ang magmamaneho" pagtutol ni Star nag agawan ang dalawa sa driver seat ng sasakyan. Binuksan ni Moon ang pinto ng driver seat at pinababa si Sun at Star.

" Ako ang magmamaneho lumabas kayo"

Lumabas ang dalawa sa driver seat at hindi na nagreklamo, alam nila pareho na wala sa mood si Moon ngayong araw. Pumasok silang dalawa sa likuran ng sasakyan at doo. Umupo.

After 10 minutes

" Wow ang ganda ng school" sabi ni Sun habang nakabukas ang bibig niya ng makita ang Sky University.

Sky University isang exclusive school at kilala bilang top university sa bansa. Mostly ang mga nag aaral dito ay galing sa mga mayayamang pamilya, mayroon din namang students na nag aaral bilang scholar sa University. Hindi basta basta makapasok sa Sky University for scholar students kailangan nilang mag excel sa lahat ng subjects.Para naman sa hindi kabilang sa scholarship program ng school kailangan nilang magbayad ng half a million peso sa isang taon.  Lahat ng mga students na nagtapos sa Sky University naging successful sa mga career nila. Mayroon itong malawak na parking lot para sa mga students na mayroong mga sasakyan. Sobrang laki din ng mga building kaya biglang napawi ang excitement sa mukha ni Sun.

"  Sun you should be happy " sabi ni Star habang pinagmamasdan ang mukha ng kapatid niya.

" Gusto ko ng umuwi sigurado akong mapapagod lang ako" reklamo ni Sun

" Nandito na tayo" sabi ni Moon bago bumaba ng sasakyan. Hinagis niya ang susi kay Star bago bumaba ng sasakyan.

" Moon hintayin mo kami" sigaw ni Star lumabas siya sa kotse at binuksan ang pinto bago hinila niya si Sun palabas.

" Halika kana malalate na tayo"

"Dahan dahan naman Star"reklamo ni Sun lahat ng mga students na naglalakad papasok pinagtitinginan silang dalawa habang nagtatalo papasok ng school.

Habang sa looby ng university nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng isang lalaki at babae. Ang lalaki ay nakasuot ng nicktie bilang pagkakakilanlan. Lahat ng mga students na nakasuot ng nicktie ay nabibilang sa mga mayayamang pamilya habang ang mga students na hindi nakasuot sa nicktie ay nagsisilbing scholar ng school.

" Fvck, hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo" mura ng lalaki sa babae.

" I'm sorry hindi kita napansin" sagot ng babae sa kanya. Hinawakan niya ang babae sa damit at minura ng minura hangang sa umiyak ito. Marami ang nanonood sa kanila pero walang lakas ng loob na umawat.

" Alam mo nakakadiri ka talaga " sigaw ng lalaki

" I'm really sorry please forgive me hindi ko talaga sinasadya"

Hindi pa na kuntento ang lalaki akma na niya sanang suntukin ang babae pero may isang kamay na pumigil sa kanya.

" Hindi ba tinuro sa school na to, on how to respect a woman" mahinahong sabi ni Moon. Nang makita niya nag gulo hindi niya napigilan na hindi makialam lalong lalo na kapag may inaapi.

" Who are you? Bakit ka nakikialam? sigaw ng lalaki sa kanya.

" Fvck ito ba ang ipinagmamalaki ng school na to isang student na walang manners at hindi marunong rumespeto" inis na sigaw ni Moon.

" Miss are you okay?" tanong ni Moon sa babeng umiiyak.

" Yes I'm fine maraming salamat "

" Hey ako ang harapin mo" sigaw ng lalaki bago nagpakawala ng malakas na suntok. Sinalo ni Sun ang kamay ng lalaki para hindi matamaan ang kakambal niya na kasalukuyang kausap ang babae. Sinuntok siya ni Sun kaya napaupo ito sa sahig.

"Shit pakielamero " sigaw ng lalaki mayroong kunting dugo na lumalabas sa bibig nito dahil sa suntok ni Sun.

" How dare you to attack him" sigaw ni Sun mas lalong dumadami ang mga students na nanonood sa kanila.

" Sino ba kayo bakit kayo nakikialam" singgit ng isang lalaki inalalayan niyang makatayo ang kaibigan niyang sinuntok ni Sun. Lumapit si Star sa lalaki at hinawakan ito sa kamay.

" Please repeat after me. Dear God I'm asking for the forgiveness for my sin"seryosong sabi ni Star habang nakapikit ang mga mata nito.

" Bitawan mo ako "

Biglang napaatras si Star ng sumigaw ang lalaki.

" Gago ka talaga, how dare you to shout at him" sigaw ni Sun.

"What's the meaning of this?"

Isang lalaki ang naglalakad papalapit sa kanila kasama si Mr. Smith ang nagsisilbing Dean ng school.

" Hanz sila ang may kasalanan nito" sabi ng lalaki habang tinuturo si Moon.

" Enough Jeff, palagi ka nalang sangkot sa gulo" saway ni Hanz ang kasalukuyang student council president.

" Young Master Moon, Young Master Sun, Young Master Star, welcome to the Sky University " sabi ni Mr. Smith ng may paggalang.

" Exclusive University, ito ba ang ipinagmamalaki niyong school " inis na said ni Moon.

" Tama si Moon dapat dito sirain" pag sang ayon ni Sun.

"Pasensiya na aayusin ko anggulong ito" sabi ni Mr. Smith nagsimulang magbulong bulungan ang mga students sa paligid.

" Hoy ikaw humingi ka ng tawad sa kanya ngayon din" sigaw ni Moon.

" Why would I do that?"madiing tanong ni Jeff

" Ahh! Hindi ka talaga hihingi ng tawad" sabi ni sun na akmang susugod sa pwesto ni Jeff.

" Sun that's enough. Let me dothe honor "sabi ni Star bago sinuntok ang lalaki .

"Ohhh"reaksiyon ng mga nanonood na students.

Nagulat si Moon at Sun sa ginawa ni Star dahil ito ang unang pagkakataon na may sinuntok siyang tao.

" Kayong lahat pumasok na kayo sa classroom niyo" sabi ni Mr. Smith nagsimulang magsialisan ang mga students sa lobby ng school na nanonood sa  nangyaring gulo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status