CelesteMabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng makita ako."Anong.. Ginagawa mo rito Celeste?" nagugulat nitong tanong. Nagpalipat lipat ang kaniyang tingin sa akin at kay Pia."Manang!" malakas na tawag nito sa matanda."S-Sir.." nanginginig sa takot na sambit ng matandang katulong."Bakit nakawala ang babaeng 'to." galit niyang anas."Eh... Sir, kanina ho kasi sumigaw si Rita na wala na itong buhay, kaya dali-dali po naming siyang kinuha sa bodega nang mapansin kong may pulso pa ito." salaysay ng matanda."Wala akong sinabi na alisin niya siya ro'n, kahit pa mamatay ang babaeng 'yan." doon na ako napatayo."Ano bang sinasabi mo Atticus! Bakit siya nandito? Bakit ganito ang itsura niya? Anong ginawa mo sa kaniya?!" sunod-sunod kong tanong. Kahit malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng 'to, hindi ko naman kayang sikmurain na ganito ang itsura niya, wala na ngang mapaglagyan ang kaniyang mga sugat."Tawagin niyo si Diego!" sigaw pa nito. At hinala na ako paalis."Ano ba
CelesteMabilis na sumugod si Pia, mas lalo akong natakot ng makita ang hawak nitong kutsilyo."Ah!" umilag ako, ngunit mabilis nitong nahila ang aking braso."Tu-Tumigil kana!" aniko, ngunit para itong isang mabangis na hayop at handang handa na kong kainin."Kahit ikaw manlang ay mapatay ko!" inangat nito ang kamay at mabilis akong inundahan ng kutsilyo. Iniharang ko ang aking mga braso, halos mamilipit ako sa sakit nang mahiwa nito ang aking braso. Tumulo ang masagana kong dugo."HAHAHA!" tumawa ito nang malakas ng makita ang pagdaloy ng aking dugo. Tumakbo ito at sinunggaban ako, napahiga ako sa kama habang ito ay nakaibabaw sa akin, pilit na inilalapit sa aking mukha ang kutsilyo. Gusto ko mang sumigaw ngunit alam kong walang makakarinig sa akin lalo na't soundproof ang lahat ng kwarto dito. "Urgh! Papatayin kita! Papatayin kita! Papa—" mabilis akong natigilan ng bigla na lang bumagsak si Pia, dumudugo ang braso nito.Mas lalo akong naluha ng makita si Atticus na may hawak na ba
Celeste Nakangiti kong hinahaplos ang buhok ni Hailey, na pagod rin kakalaro. Agad akong nag angat ng tingin ng makitang si Atticus, may bitbit itong gitara. Mabilis akong namula nang maisip na kakantahan ako nito. 'kumalma ka Celeste.' mas lalo akong yumuko para hindi nito mahalata ang aking pamumula. Naalala ko no'n na may banda si Atticus at sariwa pa sa aking isip ng marinig ang napakaganda nitong boses. "Ehem... Ang ganda mo." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Inikutan ko ito ng mata. "Tigilan mo nga ako." sabay kaming natawa, maya maya ay sumeryoso na ito. "Ang kantang ito ay inaalay ko sa pinaka mamahal ko at pinaka magandang babae sa buhay ko." kagat labi akong napangiti. 🎶 You know you're everything to meAnd I could never seeThe two of us apartAnd you know I give myself to youAnd no matter what you doI promise you my heart...🎶 Gano'n na lang ang pagtigil ko sa pag haplos ng buhok ni Hailey ng magsimulang kumanta si Atticus. 🎶 I've built my worl
Celeste"Excited na 'kong malaman ang gender nila." nakangiti kong sambit. Yakap yakap ako ni Atticus sa aking likuran at sabay naming hinimihas ang malaki kong tiyan. Napagdesisyunan naming gumawa ng gender reveal. Kaya ngayon ay kitang kita ko sa mukha ni Atticus kung gaano ito ka excited, kanina niya pa nga gustong tusukin ang malaking lobo sa labas."Mom! Dad! Kanina pa po kayo tinatawag ni Mama Carina." bakas rin ang kapanabikan kay Hailey. Mahina kong pinalo ang kamay ni Atticus. Ang landi kasi eh, hindi ko tuloy namalayan na natagalan kami. Paniguradong marami nang bisita sa baba. "Tara na love.." untag ko rito, paano ba naman kasi titig na titig sa akin. "Tsk! 'bat ba ang sexy ng asawa ko. Parang ayaw kong pababain ka." tinignan ko ang sarili. Naka white ruffle dress ako. Fitted iyon tignan pero komportable naman ako. Ang laki rin ng tiyan ko para sa anim na buwan. Tumaba rin ako kaya paano niya nasabing sexy ako, lakas mang uto nito. "Tigilan mo ako Atticus, gusto mo lang
"Anak narito na si Iggy" rinig kong tawag sa akin ni mom, nandito kasi ako sa sala at nanunuod ng t.v"Opo" naglakad na ako papunta sa pintuan bumungad saakin si Iggy na may malaking ngiti"Hi, ano ginagawa mo dito?" ngiti kong sambit. "Ahm.. Celeste naman nakalimutan mo ata." kakamot kamot nitong saad. Napaisip ako... Ilang sandali ay ako naman ang nakapakamot sa aking batok."Sorry Iggy, oo nga pala nakalimutan ko, sandali magbibihis lang ako pasok ka muna" tumango naman ito at naupo sa sala. Pagpasok ko sa aking kwarto ay biglang may nanghila saakin. Akma akong titili ng maramdaman ko ang mga labi nito sa akin. Pilit kong pumiglas ngunit sadya itong malakas. "Uhmp!" at dahil sa inis ay kinagat ko ang labi niya."Ugh!" matalim itong nakatingin sa akin habang nakahawak sa kaniyang labi na may bahid oa ng dugo. "Bakit kasi bigla ka na lang nanghahalik kuy--" "Say it again and I'll kiss you.... Again." nakangisi nitong anas. Napapikit ako at huminga ng malalim, nilagpasan ito p
Celeste"Celeste, sana naman maintindihan mo si Mommy. Pinilit ko naman anak eh pero hindi ko akalain na magmamahal muli ang aking puso para sa tito Alex mo." nalulungkot ako kasi akala ko hindi na muli mag aasawa pa si mom, gusto ko lang kasi na maging daddy at maging asawa ni mom ay si dad lang kahit pa wala na ito.Pero dahil doon masaya ang mommy ay kailangan kong tanggapin."Sorry po mommy, kung nasagot po kita kanina nalulungkot lang po talaga ako pero kung doon naman po kayo sasaya ay bakit hindi ko po tatanggapin hindi po ba, basta po ayaw kong lolokohin lang kayo ni tito Alex" ngumiti naman ito sa akin at yumakap ng napakahigpit."Maraming salamat anak, at huwag kang mag alala mahal namin ang isa't isa alam kong hindi ako lolokohin ni Alex." ngumiti na lang ako."Papasok na po ako mom." "Mag-iingat ka anak, kung maaga kang makakauwi pwede kang sumama sa akin mame-meet ko na kasi ang anak ni Alex kung gusto mo lang anak ha." tumango naman ako. Habang nasa biyahe ay iniisip k
(Celeste's PoV) "Tulong!" walang tigil ang pag agos ng aking luha, takot na takot ako ng hawakan nila ang magkabila kong braso at pilit na ipinapahiga."Pakiusap po, pakawalan niyo ako tulong!""Tangina ang ingay mo!" bigla akong sinampal halos matulala ako sa ginawa ng lalake, kahit sino ay wala pang nakakagawa no'n sa akin."Pa-Parang... A-Awa niyo na... Pakawalan niyo ako." pagod na akong sumigaw, mariin akong napapikit ng ilalapit sa akin ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. "Ugh!" napadilat ako nang marinig ko ang daing ng lalake, nakita ko na lang na tumumba ito at sunod pang bumagsak ang dalawang pang lalake. Nang makita ko kung sino ang sumagip sa akin ay nanlaki ang aking mata. Ikaw?!Tulala lang akong nakatingin sa kaniya. hanggang sa lumapit ito sa akin. Ikinagulat ko ang pagyakap niya. "I'm sorry baby..." mahinang sabi nito na hindi ko naman maintindihan. Gusto ko man siyang suwain ngunit malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya. "Ah! A-Ano ba, ibaba mo ako."Ng
(Celeste's PoV) Lumipas ang ilang araw ay unti-unti nangnapapanatag ang aking kalooban, nitong nagdaan na araw ay palagi akong binabangungot mabuti nalang ay nandyan si mom at palagi niya akong sinasamahan na matulog. "Kamusta hindi kana ba binabangungot? ang hirap n'yan kung ako baka matagal ako makarecover." sabi ni Lianna habang kumakain. "Hmm.. Medyo, maayos naman na madalang na lang bangungutin, dahil palaging nandyan si mom at may pinapainom din sa aking gamot ang doctor." tumango tango naman ito"Kyaaahhh nandyan na si Atticus!" "Oh my, namiss ko ang babe ko." "Maka-babe sabunutan kita diyan eh." "Baka gusto niyong makatikim ng sampal kay Mia hahaha!" Palihim akong napairap. Napatingin ako kay Lia ng makitang tumatawa ito"Inis ka talaga sa kaniya ano." tukoy nito kay Atticus. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino talaga ako nakakaramdam ng inis."Hey, kamusta ka?" nagulat ako ng nasa tapat na namin ito,cool na cool na nakapamulsa. Naiilang ako dahil naririnig ko ang