My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

By:  Blissy Lou  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
19 Mga Ratings
119Mga Kabanata
7.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?

view more
My Vengeful Wife Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Shaira Tanya
Isa the best action romance story na binabasa ko...
2022-08-21 15:24:09
2
user avatar
Bratinela17
Nice story. The blurb is so intense. Keep going ...
2022-07-30 10:51:32
2
user avatar
Letii
Worth it basahin super ganda hindi sya boring and highly recommended this story hindi kayo magsisising basahin ito...
2022-07-30 06:27:00
2
user avatar
Chrysnah May
The Story is nice.
2022-07-27 08:27:38
2
default avatar
Dumpidomp
love the story!
2022-07-26 21:19:25
2
user avatar
Maria
ang ganda naman nito
2022-07-25 22:38:13
2
user avatar
Blissy Lou
Magandang balita po mga readers. Mayroon na pong ads si GN. Sa isang ads po na mapapanood ninyo ay makaka-unlock na po kayo ng chaps. 2 ads po everyday, nare-refresh siya every 24 hrs po. Kaya maliban sa pag-iipon po ng bunos ay may ads na. ^^
2022-07-25 16:09:59
1
user avatar
gwICEyneth
This book is amazing!
2022-07-25 14:25:46
2
user avatar
janeebee
Great Story! Keep Going!
2022-07-23 13:28:35
2
user avatar
leejhen
A very interesting and eye catching flow of story. Keep it up!
2022-07-23 00:31:45
2
user avatar
Ms.aries@17
ganda po story
2022-07-22 13:38:48
2
user avatar
Rona Doctorr
Ang gandaaaaa
2022-07-22 13:33:13
2
user avatar
Reign David Johanz Ignacio
Highly recommended... Please support this story...
2022-03-30 15:44:44
3
user avatar
Totoy
interesting po ang storyy. kaabang-abang at feel ang every eksena. basahin niyo 'to guys. keep it up, Author
2022-03-28 15:07:20
3
user avatar
Reign David Johanz Ignacio
Nice story and worth to read. Nakakaaliw ito. Keep writing.
2022-03-05 17:48:39
3
  • 1
  • 2
119 Kabanata
Prologue
Sa mahaba at paliko-likong kalsada ay walang takot niyang pinaharurot ang minamanyobrang chopper motorcycle. Halos paliparin na niya ang naturang sasakyan makarating lamang sa kaniyang patutunguhan—ang Gems Secret Agency Association. “Calling the attention of Agent Veron Stacey Santibañez to please proceed to the agency right now,” anang pamilyar na tinig mula sa suot niyang hearing piece.  “What’s the matter, Agent Blue?” nakakunot-noong bigkas ni Veron sa hidden mouthpiece na suot. Naka-connect ang naturang aparato sa kaniyang magkabilang tainga na tila ear phone ngunit ang kaibahan lang niyon ay isa itong hikaw na hindi mo aakalaing secret device pala. “I think the agency has a surprise for you. Guess what?” pahabol na biro ng nasa kabilang linya. “I’m serious here. Kung wala naman iyang kinalaman sa ninanais kong hustisya, ’wag na lang. I’m busy tracking that demons place!” pigil ang inis niyang bigkas. “Exactly! What if this
Magbasa pa
Chapter 1: The Preparation
Tagaktak na ang pawis ngunit hindi pa rin tumitigil si Veron Stacey sa pagsuntok at pagsipa sa mga nakahilerang kahoy at bakal sa kaniyang harapan. Isa ito sa mga trainings na dapat niyang ipasa upang mapabilang sa secret agency na nais niyang pasukan. Hindi biro ang lahat ng pagod at hirap niya upang makapasok lamang sa sikat na secret agency na iyon.Halos dumugo na rin ang buo niyang kamao at magkasugat-sugat ang kaniyang mga paa ngunit handa siyang tiisin ang sakit at hapdi maging magaling lamang. Lahat ng paraan ay pinag-aralan at pinaghandaan niya. Maging ang paggamit ng sibat, baril, katana, itak, espada at iba’t ibang armas ay nagawa na rin niya ngunit para sa kaniya ay hindi pa rin iyon sapat.Ngayon ay nakapiring na ng itim na panyo ang kaniyang mga mata.“Ito na ang huli mong pagsasanay. Sa loob ng labinlimang minuto ay kailangan mong mabaril ang mga dagang ikinalat namin sa buong paligid. Kapag may natirang isa ay siguradong babagsak ka!&
Magbasa pa
Chapter 2: The Event
Kaagad na binuksan ni Veron Stacey ang koneksyon mula sa kaniyang pribadong telepono sa hearing device na suot-suot niya nang tumunog iyon.“Babe, where are you?” anang tinig-lalaki mula sa kabilang linya.“Sa bahay, Babe. I’m about to leave,” sagot niya habang sinusuot ang kulay itim at kumikinang na high heeled stilettoes. Kakaiba ang sandalyas na iyon na naglalabas ng kutsilyo sa oras na kailangan.Sinipat niya ng maigi ang sarili sa salamin.“You know what, Babe. I’m very very excited to see that demon,” bulong ni Veron habang nakapaskil sa labi ang isang malawak at matamis na ngiti. Ramdam niyang magtatagumpay na siya sa pagkakataong ito.Narinig niya ang isang malalim at m
Magbasa pa
Chapter 3.1: The Offer
Gigil na gigil si Veron Stacey sa galit dahil sa nabulilyaso niyang plano. Matagal niyang pinaghandaan na makuha at pahirapan ang kriminal na pumaslang sa sariling mga magulang ngunit hindi niya akalaing sa isang lalaking baliw lang masisira ang lahat. “Hey, cool down, Agent Stans. May susunod na pagkakataon pa naman,” pagpapakalma sa kaniya ni Agent Blue mula sa kabilang linya. Ramdam niya rin sa tinig ng kaniyang partner ang pagkadismaya dahil sa hindi pagtatagumpay ng kanilang mga plano. “I know, you’re disappointed, too. Matagal natin itong pinaghandaan, Agent Blue. Puwedeng-puwede kang mawalan ng trabaho oras mismo dahil sa pagli-link mo ng mga confidential information na dapat ay hindi mo ginagawa. Pero sa isang iglap lang ay mawawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa siraulong ’yon!” Nanggagalaiti sa galit si Veron Stacey nang sabihin iyon. Kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga ang lalaking iyon, sa dinami-rami ng n
Magbasa pa
Chapter 3.2: The Offer
Sana lang ay lubayan na si Veron Stacey ng kamalasan ngayon dahil ilang beses na rin silang nagkatagpo ng baliw na lalaking iyon at lahat ng plano nila’y pumalpak lahat. Ngayon nga ay naririto siya sa loob ng isang Chinese Restaurant at matamang sinusubaybayan ang taong sakay ng itim na sasakyan sa labas.  Walang ibang laman ang mesang inookupahan niya kundi ang isang kopita ng wine na nilagyan niya ng pampatulog. Ayon kay Agent Blue ay paborito itong restaurant ng hayop na ’yon at isinisilbi rin dito ang pinakapaborito nitong wine na madalas nitong isadya sa naturang restaurant. Kung kaya’t tuwing lunes ay sa restaurant na ito ang lagi nitong destinasyon para lang matikman ang alak na bukod tanging sila lamang ang nagsisilbi. “Are you ready?” narinig ni Veron na tanong ni Agent Blue mula sa kabilang linya.  “Aha!” tanging tugon niya na naintindihan naman ng kausap.  Handang-handa na siya para sa planong ito. Natanaw na
Magbasa pa
Chapter 4.1: The Agreement
Pinag-isipang mabuti ni Veron Stacey ang naging alok ni Ynzo Abraham. Pakakasalan niya ang lalaki kapalit ng pera at koneksyon na pinaka-kailangan niya upang makapaghiganti. Kung tutuusin ay magiging madali sa kaniya ang lahat kung may koneksyon at salapi siya upang mapalapit sa demonyong iyon. Lalo pa’t ang malamang malapit si Ynzo sa taong iyon ay tila ba abot-kamay na niya ang hustisyang ninanais. Ngunit papaano na ang lalaking minamahal niya ngayon? Ano na ang mangyayari sa kanila sa oras na magpakasal siya?Kaya naisipan niyang makipagkita kay Ynzo upang makausap ang binata hinggil sa desisyon niya. Madali lang makuha ang contact number nito, knowing Agent Blue ay expert na ito sa lahat ng bagay lalo na kung impormasyon ang hihingiin mo sa kaniya. He’s the best hacker and genius that she ever known.Kaagad na bumungad sa entrance ng isang restaurant ang lalaking may abot-taingang mga ngiti. Tila monggoloid na kanina pa pangiti-ngiti habang papalapit sa
Magbasa pa
Chapter 4.2: The Agreement
LABIS ANG NARARAMDAMANG kaba ni Veron Stacey nang sabihin ni Ynzo na nais siyang makilala ng mga magulang nito. Nagsuot siya ng isang pormal na kulay asul na casual dress. Hanggang tuhod ang haba niyon at simple lang ang pagkakatabas. Pinaresan niya ng kulay puting sandalyas at puting shoulder bag. Hinayaan na rin niyang nakalugay ang mahaba at alon-along buhok. Naglagay lang siya ng kulay puti at asul na clip sa gilid ng buhok bago lumabas ng bahay. Bahagya siyang nagulat nang may bumusinang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Isang kulay asul na kotse at sakay niyon ang lalaking hanggang ngayon ay baliw pa rin sa kaniyang paningin. Muntikan pa nga niyang makalimutan na binigay niya pala rito ang address ng kaniyang tinitirhang bahay. “Nice one, Hon. Para tayong nag-usap sa magiging suot natin, ah!” wika nito na ikinailing niya. Suot ni Ynzo ang isang kulay asul na long-sleeve polo at kulay puti ang panloob na white slacks ang pants. “I told Mom na ngay
Magbasa pa
Chapter 4.3: The Agreement
Nang makababa ay mabilis na nakipag-beso-beso ang mag-asawa sa dalawa. “So, you’re Veron Stacey, right? My son's soon to be wife,” abot-tainga ang ngiti ni Mrs. Tolledo nang banggitin iyon. Alanganin ang nagawang pagtango ni Veron. Dapat na ba niyang sanayin ang sarili na maging Mrs.Tolledo imbes na Mrs. Florendo? Hindi niya lubos maisip na maiipit siya sa ganitong sitwasyon makamit lang ang hinahangad niyang hustisya. “Mom, my girlfriend feels tired. Please let us eat first,” bigkas ni Ynzo upang mailihis ang atensyon ng ina. “Ay, oo nga pala. The food is ready. Come here, hija. Feel at home. Huwag kang mahihiya.” Todo aliw na bigkas ng ina ni Ynzo. Hindi makapaniwala si Veron sa mga nakikitang pagkain na nakalatag sa h
Magbasa pa
Chapter 5.1: The Wedding
Hindi makapaniwala sina Ynzo Abraham at Veron Stacey na maiisahan sila ng mga magulang ng binata. Ang buong akala nilang pagpapakilala pa lang at pormal na imbitasyon ay tila naging pamamanhikan na. Halos bukambibig ng mga magulang ni Ynzo ang araw ng kasal na pinlano at nais ng mga ito. Naglabas rin ng larawan si Mrs. Tolledo na kasama ang ina ni Veron noong kabataan pa nila patunay na totoo ngang mag-best friends ang mga magulang nila.“Ibang klase rin ang tadhana, ano? Sino ang mag-aakalang hindi pa tayo isinisilang e nakatadhana na ’agad tayo sa isa’t isa,” halos hindi makapaniwalang bulalas ni Ynzo,  “Pero ’wag kang mag-alala, malabo rin namang magustuhan kita. I’m more than enough to be yours.”Bahagyang naitirik ni Veron ang mga mata. “Even me. Hinding-hindi ako magkakagusto sa childish na katula
Magbasa pa
Chapter 5.2: The Wedding
THE MOST AWAITED moment has been perpended. Ang araw ng pag-iisang dibdib nina Ynzo Abraham Tolledo at Veron Stacey Santibañez. Marami ang dumalo at gustong masaksikan ang kapanapanabik na araw na iyon. Ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang mag-asawang Mr. at Mrs. Tolledo na mangiyak-ngiyak pa habang inaakay ang dalaga papunta sa harap ng altar. At dahil wala nang mga magulang na maghahatid sa dalaga ay silang mag-asawa na rin ang boluntaryong gumawa niyon dahil anak na rin daw ang turing nila kay Veron.Punong-puno ang buong paligid ng mga mamahaling bulaklak at mga bonggang dekorasyon na pawang angkop sa kasal. Kulay pink at blue ang naging color motif nila na napagdesisyunan ni Mrs. Tolledo. Iyon raw kasi ang paborito nilang kulay ng bestfriend na si Veronica na dapat raw nilang gamiting motif sa araw ng kasal ng kanilang mga anak.Veron Stacey is n
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status