“Samantha, aalis muna ako pupunta muna ako sa opisina ha at may aayusin lang ako na importante bukas babalik ako dito para sunduin kayo bibili narin ako ng mga gamit para sa bagong bahay natin." “Totoo ba talaga to Gabriel?" “Oo totoo nato, sige aalis na ako bantayan mo ang anak natin. Darating din ang panahon na magsasama na tayong tatlo, at hindi na tayo nagtatago." “Kailangan ko narin papuntahin sila nanay at tatay dito para magbantay kay Tintin pansamantala habang nagtatrabaho pa ako sainyo." “Sige mabuti pa nga pero hindi karin magtatagal sa bahay maghahanap tayo ng kapalit mo, yung bahay na 'yun balang araw tayo na ang titira doon pag nasabi ko na ang totoo kay Jennifer." “Maraming salamat Gabriel." at tsaka umalis si Gabriel. “Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" “Medyo okay na po ako Mama, kailan po ba darating sila lola." “Sa madaling panahon anak kaya magpagaling kapa para pagdating nila sabay tayong lalabas, at kakain sa labas." “Mama, bakit naging Papa ko po si
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa itaas ng kanilang kwarto, at namangha ang kanilang anak ng makita nito ang kanyang sariling kwarto. “Anak, ito yong magiging kwarto mo," sabi ni Gabriel. “Wow... Papa ang ang ganda ganda po sa akin po ba talaga ito?" manghang tanong ng anak. “Oo sayong sayo to anak pero tatabihan ka muna namin matulog anak magpapalit lang kami ng damit ng Mama mo." “Sige po Papa." Tsaka pumasok din si Samantha ,at Gabriel sa kanilang kwarto. “Samantha, dito ang kwarto nating dalawa dito natin bubuohin ang second baby natin," nakangiting sabi ni Gabriel. “Hindi magandang biro 'yan Gabriel," saway nito. “Hindi ako nagbibiro, totoo. Aayusin natin ang pamilya natin." “Totoo ba 'tan?" “Oo totoo," seryusong sagot nito sabay yakap. “Paano si Jennifer?" “Maghahanap ako ng timing," saad nito. Pero magtatrabaho parin ako Gabriel, kailangan ko ng papuntahin sila Nanay,at Tatay dito. “Oo bukas kukuha na tayo ng ticket para sa kanila."
“O hijo kumusta na nasulosyonan mo naba ang problema natin sa kompanya? because lately napakabusy mo," sabi ng isa nilang investor. “I'm so sorry po talaga sir... may importante lang po talaga akong inasikaso," paliwag nito. “Mas importante paba 'yan sa negosyo n'yo?" “Because someday s'ya po ang magiging tagapagmana nitong lahat that's why she's more important than anything. " “Okay hijo,I don't know who's that lucky girl. Pero I agree na may mas importante sa buhay natin na kailangan nating unahin." “Thank you po Sir, at naiintindihan n'yo po ako. Pero ginagawan ko po ng paraan Sir na maging number one ulit ang mga product natin." “Verygood hijo, so sige hindi na ako magtatagal kung may problema and you need my help nandito lang ako." “Maraming salamat po Sir." At tsaka umalis ang mga boardmember ng kompanya nila tsaka nagring ang kanyang cellphone. “Hello?" “It's me babe hindi mo kilala ang bosses ko? ikaw babe ha mag-iisang buwan pa nga nakalimutan muna agad an
Mukhang may nag doorbell tika lang anak ha puntahan ko muna sa labas. Pagsilip n'ya ay si Erika nga ito. “Erika! " “Samantha bongga ha... napakayaman naman ng bestfriend..." “Ano kaba hindi naman sa akin to kay Tintin naman to." “So... ano ka dito katulong na naman?" Napabuntong hininga si Erika. “Halika na pasok kana." “Hi...napaka swerte naman ng batang ito anak bilyonaryo." “Hi Tita kumusta po kayo?' “Pwede bang mag-apply bilang isang katulong niyo Tintin?" pabirong tanong ni Erika. “Hindi po Tita bisita po kasi kayo ni Mama." “Ayan ha bisita kalang dito kaya halika na at kakain na tayo anak umupo kana dito." “Si Papa po hindi po ba natin s'ya hihintayin?' tanong nito sa kanyang ina. “Anak... mamaya pa uuwi ang papa mo pero may itinabi naman si Mama para mamaya para sabay parin tayo kumain ng Papa mo." “Talaga Mama?" “Oo, kaya kumain na tayo." “Ang dami naman ng hinanda mo beshy..." “Alam ko kasing darating ka." “Sus... para ba talaga to sa aki
“Tintin tatawagan ko ang lola mo para makapunta na sila dito isi-send ko narin ang sa messenger ang kuha ng ticket nila para ipakita sa airport tama ba ako Gabriel?" paniniguradong tanong nito. “Ah oo tama nga 'yan, ahmmm' Samantha pwede ba tayong mamasyal sa Casino pag okay na si Tintin?" “Aba' syempre naman pwedeng-pwede pero mas maganda sana kung alam na ni Jennifer ang tungkol sa atin, at alam na ng mga magulang mo para kahit papano ay wala na tayong tinatago," paliwanag nito. “Kung sa bagay ay tama ka, kailangan nga natin ipaalam sa kanila para malaya tayo,at wala tayong tinatago o iniiwasan." Narinig ni Tintin ang pag-uusap nila kaya nagtanong ito sa kanila. “Bakit po tayo nagtatago Mama may kasalanan po ba tayong nagawa?" nagtatakang tanong ng bata. “Wala anak balang araw maiintindihan mo kung bakit namin sinabi 'yon s'ya nga pala anak sa susunod na araw na ang dating ng lola, at lolo mo at habang nandito sila anak magtatrabaho muna kami ng Papa mo ha?' “Okay
Ako si Samantha Perez malaki ang ang pangarap ko para sa aking mga magulang gusto kung yumaman kaya namasukan ako at nagtrabaho ako sa isang Casino sa Makati. Dito ko nakilala ang lalaking bibihag ng pusp ko, at wawasak din ng puso ko si Gabriel Bustamante anak ng isang mayamang bilyonaryo isang gwapo, matipuno pero badboy mahilig sa Casino. Mapili ako sa lalaki at hinding hindi ako nagpapaloko pero sa kanya lamg nahulog ang loob ko. Dito nagsimula ang aking kwento. “Samantha, s'ya nga pala hinahanap ka ni bossing," tawag ng isa kung kasama. “Erika, sabihin mo mamaya na ha may tinatapos pa ako," sabi ko sa kasama ko. “Uy, alam mo ba may kasama si bossing gwapo," sabi ni Erika pero hindi naman ako intresado. “Hay nako ano kaba sanay na akong makakita ng ganyang pagmumukha," sagot ko sa kasama ko. Nang biglang dumating ang amo ko at kasama nito ang isang mataas, gwapo at matiounong lalaki hindi ako makakilos at hindi maalis ang mata ko sa kanya habang nililinisan ko ang basong
Maaga akong gumising para magpadala ng pera sa Magulang ko at pagkatapos maglalaba, at papasok sa trabaho hopefully hindi ko makita ang asungot na yun. “Hello Nay,nagpdala na po ako ng pera nay," sabi ko sa Nanay habang kausap sa kabilang linya. “Anak, maraming salamat ha nag-abala ka pa talaga sana itago mo nalang yang pera mo okay naman kami ng tatay mo at mga kapatid mo dito," sagot ng Nanay. “Sige Nay, maglalaba pa ako ng mga damit ko at papasok pa ako sa trabaho. Hayaan mo nay magsisikap ako at mag aasawa ako ng mayaman para naman maibigay ko pa ang gusto niyo ayaw kung nakikitang nahihirapan kayo," sabi ko sa maganda kung Nanay. “Hindi mo na kailangan gawin yan anak kontento naman kami ng tatay mo dito, Ah, basta anak ha mag-iingat ka dyan alam mo naman malayo kami. ng tatay mo," habilin ni Nanay sa akin. “Opo Inay..." Tsaka sabay naming binaba ang tawag. “Kakapagod talaga maglaba. Anong oras na ba. Naku, malapit na pala mag alas tres." Tsaka ito naligo para pu
Nagmamadaling nagpatakbo ng sasakyan si Gabriel para maabutan pa nito si Samantha. “Excuse me miss nandito paba si Samantha?" tanong nito sa isang kasamahan ni Samantha. “Kakaalis lang po ni Samantha sir Garbriel. Bakit po?" “Wala lang mga anong oras sya umalis?" “Mga bandang alas onse po, dapat po kanina pa po sya nag out pero hindi po mapakali parang may hinahanap sa paligid," sabi ng kasama nito na si Erika. “Talaga, ah ganun ba sige baka maabutan ko pa sya." “Sige po." Tsaka kumaripas ito papuntang ng takbo ang sasakyan ni Gabriel. Pero hindi nya na talaga na abutan si Samantha. Habang si Samantha naman ay inis na inis dahil sa nakita nyang kasweetan ng dalawa. “Wala akong pake kahit magharutan pa kayong dalawa akala n'ya siguro ang gwapo nya na talaga. Nakakainis yung babae na yon akala mo kung sino nakakapikon." Tsaka tinanggal ang medyas at napasandal sa higaan. Matagal din s'ya bago nakatulog sa kakaisip kay Gabriel. “Samantha anong nangyayari sayo, bakit mo ba