"Anong problema mo?!" bulalas ni Sunshine nang mag-angat siya ng mukha at tiningnan ang lalaking tumabig sa mga dala niya.
Saglit na natigilan si Norman sa dalagang kababakasan ng galit. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya maintindihan, pero ang galit nitong mukha ay higit na nakakuha sa kaniyang atensiyon. Para itong maamong tupa noong nakangiti, ngunit naging leon nang ginalit."Anong problema ko? Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo para ibigay ang order ko, pero hindi ka man lang lumalapit!" singhal ni Norman na halos magtalsikan na ang laway nang makabawi ito sa pagkatulala. Nanlilisik pa ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.Natigagal ang dalaga dahil sa sinabi ng kaharap, muling napaawang ang bibig nito at inis na itinirik ang mga mata. Pilit humuhugot ng pasensiya."Sir, kaliwa't kanan po ang ang kostumer ko. Sinusubukan ko kayong lapitan pero may mga lumalapit naman po sa inyo na kasamahan ko, kaya iyong iba na ang inaasikaso ko," aniya sa mababa ngunit mariing tono. Pinipilit niyang habaan pa ang pasensiya."At ako? Hindi ba ako costumer para hindi mo pansinin, ha?! Ikaw ang tinatawag ko! Kaya dapat ikaw ang lumalapit!" bulyaw pa rin ng binata.Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang ipinuputok ng butsi ng kaharap at para itong babae kung makasinghal. Napabuga na lamang siya ng hangin, at bahagyang iniangat ang dalawang kamay na tila sumusuko."O-okay, I'm sorry, sir. Pasensiya na po. Kung–""Hey, Shine, what's the problem here?" Naputol ang nais sanang sabihin ni Sunshine nang dumating ang may-ari ng restobar."S-sir Lowelle kasi–" Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, sinulyapan na lang niya ang lalaking kaharap at sa ang mga kalat na nasa sahig.
"Hey, insan, anong problema rito?" Baling ng kaniyang boss sa lalaking nakasagutan."Nothing, natabig ko lang ang mga dala niya," tugon ng lalake na iniiwas ang paningin sa dalaga.Tigagal na napatingin si Sunshine dito, ngunit napansin niya ang pag-iwas nito. Atleast, may konsensiya rin pala."Ganoon ba?" Tinapik siya nito sa balikat. "It's okay, papalitan mo na lang 'yan." Baling ni Lowelle sa kaniya."Okay, t-thank you, Sir," kinakabahan pa rin niyang tugon, bago yuko ang ulong iniwan ang mga ito.Lumapit naman ang maintenance crew upang linisin ang mga kalat. Nagpasalamat si Sunshine rito at mabilis na nagtungo sa counter upang kumuha ng kapalit ng mga natapong pagkain.Nang mai-serve na niya ang order at makitang hindi na ganoon kaabala ang lahat ay nagtungo siya sa locker room upang ikondisyon ang sarili ng dahil sa nangyari."Grabe! Ang haba ng hair mo, girl!" palatak ni Eloisa na bahagya pang inihampas sa ere ang sariling buhok."Ipinahiya sa harap ng maraming tao, anong ikinahaba ng hair doon?" taas ang kilay na tanong niya rito."Shine, that is Norman Luther! At iyong ipagsigawan niya na ikaw ang gusto niyang magsilbi sa kaniya, ay bongga!""Baliw!" Iiling-iling na asik niya sa kagagahan ng kaniyang kaibigan.Tumayo na siya buhat sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Nagtungo siya sa wash room upang maghilamos. Mayroon pa siyang isang oras sa kaniyang duty bago ang susunod niyang trabaho- ang pagiging fire dancer.Samantala, sa opisina ni Lowelle kung saan nito dinala si Norman, ay hindi nito napigilang hindi matawa sa inasal ng kaniyang pinsan."What's wrong with you, Norm? Seriously, nagwala ka lang dahil hindi ka pinapansin ng isa sa mga paboritong waitress ng mga parokyano ko? Or is there something with Sunshine?""Sunshine?""Yah, the waitress awhile ago, her name is Sunshine.""I see." Tumayo siya upang iwasan ang mapanuring tingin ng kaniyang pinsan at tinungo ang malaking bintana kung saan tanaw niya ang entablado na nasa gawing kanan."She's one of my assets here. You know, Sunshine is very accommodating to every costumer. Halos lahat ng parokyano dito ay kilala siya. Iyong iba nga nagpapabalik-balik na lang dito because of her good service.""With extra service?" Mapanghusgang nilingon niya ito habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot na cargo short at nakasandal sa table na malapit sa bintana."Tsk! Not cool, dude!" Binato siya nito ng nilukot na papel."What is that for?" aniya na ang tinutukoy ay ang entablado."Ah, for entertainment. Accoustic and Live bands and fire dancing. Panoorin mo nang lalong mag-init ang gabi mo." Naglalaro sa mga labi nito ang kakaibang ngiti na ipinagkibit-balikat na lamang niya.Sumapit ang ika-walo ng gabi. Unti-unting nagdagsaan ang mga turista sa harap ng entablado. Tila nagkaroon ng mini concert, sapagkat may mang-aawit munang nag-perform ng tatlong set ng kanta bago tuluyang tinawag ang grupo ng mananayaw.Unang lumabas ng backstage ang dalawang lalaking pawang nakapulang beach shorts at pumwesto sa harapan ng entablado, habang nilalaro sa ere ang fire ball na dala-dala ng mga ito.Malalakas na hiyawan ng mga babae ang maririnig nang mag-umpisang sabayan ng dalawa ang musika.Lumabas buhat sa backstage ang dalawang dalagang nakasuot ng pulang roba, habang may hawak na chain na may bolang apoy sa magkabilang dulo. Naghiyawang muli ang mga manonood nang mag-umpisang umindak ang dalawa.
Hinubad ng dalawang lalaki ang suot-suot na roba nina Sunshine at Eloisa na nagpahantad sa makikinis na balat ng mga ito na ang tanging suot lamang ay two piece red top at black bikini bottom, saka pinartneran ang mga ito sa pagsayaw.Hindi napigilan ni Norman ang mapanganga nang makilala ang isa sa dalawang dalaga. Ang dalagang pinag-initan niya kanina. Walang iba kundi si Sunshine.Lalong natigagal ang binata nang masilayan ang magandang hubog ng katawan nito. Nabitin sa ere ang hawak niyang kopita, tulad nang nagdaang gabi noong dumating siya rito sa resort at makita ang pag-indak niyon.
Oo alam niya, ito rin ang babaeng iyon.
Tila siya nakaramdam ng inggit para sa lalaking kapareha nito ngayon. Ang pagkakadaiti ng balat nito sa katawan ng dalaga ay nagbibigay sa kaniya ng hindi maintindihang paninibugho. Hindi naman niya magawang iiwas ang paningin sa mga ito, dahil tila namamagneto siya ng bawat galaw ng dalaga.
Naramdaman na lamang ni Norman ang nilamukos na papel na ibinato sa kaniya ng magaling niyang pinsan. Papalapit ito sa kaniya habang nakangisi at tangan ang sariling kopita.
"So, are you enjoying the show? Or the view?" pangbubuska pa nito.Sinimsim niya ang hawak na alak at muling itinuon ang paningin sa stage. Lumukot ang kaniyang mukha dahil hawak ng lalaki sa baywang ang dalaga, para sa kaniya hindi iyon simpleng hawak, kundi yapos, bilang pagtatapos ng mga ito sa sayaw.Wala na sa stage ang apat na mananayaw, ngunit naroon pa rin ang kaniyang mga mata nang bigla siyang mapangisi."Do you want me to enjoy my stay here?" Humarap siya kay Lowelle na may pilyong ngiti sa mga labi.“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.“Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!”“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.“What favor?”“I want Sunshine.”“What!? Are you serious?!”“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?”“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”“Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama
PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!''Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito p
"YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito."Sunshine Valdez, Ma'am.""Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?""Recently lang po, Ma'am.""May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot."Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n.Narinig niyang bumunt
"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa
"Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt
"Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."
"Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga
Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito. Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito. Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito. "If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.