Mino's P.O.VThey said that you should never trust an enemy but you should be more wary with mysterious people lurking around you as you don't have any idea how they can inflict fatal harm to you."Kypper, makinig ka kay papa," I started as Kypper begun to look up to me na habang nanatili ang ngiti sa kaniyang labi habang yakap-yakap pa din niya ang aking bewang. Damn these shuckles! I badly want to hug him tightly."Gusto kong layuan mo ang haring iyon," I warned the precious kid in front of me ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Hindi ko maiwasan na mapangisi pabalik lalo na at naalala ko na naman ang mataray na prinsesa."Hindi ko po kayo maintindihan papa, bakit nais ninyong layuan ko siya?" may pagtatampo sa kaniyang boses sabay kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.A part of me wanted to tell him to avoid looking at my bloody clothes mula sa tumapon na gamot na pinilit na ipainom sa akin kanina. But I remembered that he is a wolf that I guess... used to seeing blood.
"I don't get all of this Mom! Dad!" agad niyang sininghalan ang kaniyang ama't ina habang pinipigilan niyang maglabas nang mas matinding emosyon.I rolled my eyes with such annoyance. Humans! Ang mga tao nga naman, they are always overreacting na tila binagsakan sila ng langit at lupa."Last time I check you want me to dump my girlfriend dahil sa ayaw ninyo akong ikasal and now you're telling me this!" halos maramdaman ko ang intensidad sa bawat salitang binibitawan niya. I remained calm and standing while he is being wild na tila walang ibang nandirito ang nakakarinig sa kanya.And again, typical human, wala silang pakialam sa iba dahil ang tanging nais lamang nila ay mailabas ang matinding galit. They are self-centered as usual. Hindi na nakakagulat na matuklasan."Will you quit it? You whine like a pregnant woman!" agad niyang usal kasabay nito ay nagtapon nang matalim na titig sa akin ngunit hindi ako natinag."Shut it lady! You're just a woman hiding in that dark red cloak!" mala
*FLASHBACK*"Ina? Ina? Asaan ka?" nanginginig kong sigaw gamit ang aking musmos na tinig. Muli na naman akong napaiyak dahil sa kirot na aking nararamdaman sa aking dibdib. Literal itong tila napapaso sa hindi ko maintindihan na kadahilanan."Ina! Hindi ko na kaya!" mangiyak-ngiyak kong pahayag habang mas lalong tumitindi ang pagkirot nito. Ramdam ko na din ang matinding takot at kaba. Pagdating sa matitinding karamdaman ay hindi ko talaga kayang makatiis nang matagal. Sa mumunti kong mga palad ay sinapo ko ang naninikip kong dibdib. Hindi na naman ako makahinga nang wasto dahil tila maging ang aking daluyan sa paghinga ay hinaharangan ng kung ano.Lalo itong lumalala kada araw dahil dati ay kaya ko lamang na hindi ito indahin nang todo ngunit ngayon ay halos ikamatay ko ang tila ba paninikip nito sa tuwing ito ay titibok. " Vreihya! Iha! Huminahon ka," rinig ko ang sigaw ni Ina kahit nasa malayo pa man siya. Ramdam ko ang kaniyang bilis ngunit hindi rin mahinahon ang kaniyang tinig.
"Vreihya, anak? Matindi daw ang naging pagtatalo ninyo ng mortal ayos sa sinabi sa akin ng tagapagbantay ng kaniyang kulungan," andito na naman ang malambing na tinig ni Ina na kahit kailan ay hindi nabigo na tila aluin ako sa tuwing ako ay kaniyang kausap."I still don't get it! Bakit sa lahat ng nilalalang ay sa akin pa ito nangyari Ina?" mahinahon ko din na sagot sa kaniya pabalik. This is really a disaster! Mayroon akong reputasyon sa mundong ito at hindi ko nais na masira iyon sa katotohanang kailangan kong dumepende sa isang mortal. Maaari naman na sa isang prinsipe ng ibang kaharian pero bakit sa isang tao pa?"Isa iyang bayad Vreihya, iyan ay kabayaran sa ginawa nating pangmamaliit at pang-aapi sa kanilang lahi," agad nitong sabi sa akin bago siya lumapit sa akin at hawakan nang dahan-dahan ang aking mahaba at itim na itim na buhok. Andito na naman ako sa katotohanan na kami ang may nagawang kasalanan, kami ang dapat sisihin. Kami ang may kasalanan ng lahat."Bakit ako? Bakit
WARNING: 18+ contentMINO'S P.O.VPAK!I will never ever forget that day when my Mom slapped me for the first time. I quickly closed my fist due to shock and sudden burst of anger. Bakit galit na galit ka Mom? Wala naman akong ginagawang masama."Oh my God Mino! Babe, are you alright?" nag-aalalang sabi ng aking kasintahan at agad niyang hinawakan ang pisnge ko na namumula sa lakas ng pagkakasampal ni Mommy. Bakas sa kanya ang pagkagulat at takot sa naging reaksyon ni Mom nang ipakilala ko na siya kay Mom.Hinawakan ko kaagad nang mahigpit ang kaniyang mga kamay upang iparamdam sa kaniya na ayos lamang ang lahat. I was about to tell her that I am alright pero bigla siyang hinawi ni Mommy palayo sakin. Mom? Why are you so mad?"Move away from my son!" madiin at marahas nitong sigaw kay Faith. Agad na pumagitna sa amin si Mommy upang masiguro niya na may distansya sa pagitan namin. Earlier, I was so happy and excited to finally introduce my girlfriend Faith to my Mom. Pareho pa kaming n
I felt my weak body and a soft mattress. I slowly opened my eyes so I can see where am I.Agad akong nagulat nang mamukhaan ko na ang silid kung nasaan ako ngayon. Pano nangyari na napunta ako sa kwarto ko mismo? The room where I am having a good time with someone is a hotel room so papano ako napunta dito. My mind is full of questions kung papano ako napunta dito but an idea envaded my mind.Maybe it is Mom again, baka nalaman na naman niya na nakikipagkita ako ulit ngayon. Haist! Agad akong napailing. It is definitely Mom at nagawa niya pa talagang gumamit ng sleeping gas para lamang sa pakulo na ito. I smiled bitterly, lahat talaga gagawin niya para lang malayo ako sa mga babae.Bakit pa nga ba ako nagtataka, she definitely had some duplicate of the hotel room keys na nakuha niya with her connections then she entered the room and let those gasses out para hindi na ako manlaban o magkagulo pa sa Hotel. Haist Mom!Pinili ko na lamang na mahiga ulit sa aking higaan and to feel the qui
VREIHYA'S P.O.VMula sa malakas at agresibo niyang pagpalag ay unti-unti kong naramdaman ang kaniyang panlalambot. Ipinagpatuloy ko ang pagsipsip ng kaniyang dugo habang nababatid ko na mas lalong nag-init ang aking mga mata. Ang kaniyang dugo, hindi ko maitatanggi na mayroong kung ano dito.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakakagat sa kaniya. Naaadik ako sa dugo niya, matamis ito sa aking panlasa at may kaakibat itong mabangong samyo. Gusto ko pa ng higit pa! Hindi ko alam kung bakit kusang napapikit ang aking mata nang mabatid ko na ang pagdaloy ng kaniyang dugo sa aking kaibuturan. Ano ang meron sa nilalang na ito bakit tila nababaliw ako sa lasa at samyo ng kaniyang dugo. Hindi siya ang unang tao na natikman ko ngunit ang sa kaniya ang pinakakakaiba at pinakamatamis sa aking panlasa. Gusto ko pa! Gusto ko nang mas marami pa. Ang bawat lunok ko sa kaniyang dugo ay tila ba isang adiksyon para sa akin. Napakasarap ng iyong dugo nilalang!Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang pa
Hindi na kami nagtagal pa na Tiyo sa hardin at binagtas na namin ang pasilyo na papunta sa silid kung nasaan natutulog ang Mortal.Kailangan na namin magmadali dahil ilang oras na lamang ay nandito na ang aming mga panauhin. Siguradong hindi namin sila mapipigilan na pagpyestahan ang katawan ng Mortal. Kung masasawi siya ay paniguradong mawawala din ako sa mundong ito. Hindi ako makakapayag! Hindi ko pwedeng iwanan si Ina at ang kaharian na ito! Paniguradong sasamantalahin ng ibang kaharian ang mangyayaring iyon!"Mauna ka na Vreihya! Tatawagin ko ang Mahal na Reyna!" mabilis na turan ni Tiyo. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naglaho na si Tiyo sa hangin. Agad kong binuksan ang pinto ng kaniyang silid. Agad na nasinagan ng buwan ang kaniyang nakalagak na katawan sa isang malaking higaan.Pinalakpak ko nang dalawang beses ang aking mga kamay at unti-unting umilaw ang mga halaman na nasa loob ng silid. Ang mga ito ang nagsilbing liwanag upang mabawasan ang panglaw ng paligid.Hindi k