Tila isang bata na noon lang nakakita ng laruan ang itsura ni Marion. Sa mga pelikula, nobela, at webtoon niya lang nakikita ang mga ganoong klase ng credit card. Daang-libo kasi ang kailangan na maintaining balance sa mga ganoong klase ng card. Isang paalala iyon mula sa kaniyang ama na kahit magkano ang gastusin niya, hindi basta-basta mauubos ang pera nito. Mabilis niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang credit card dahil ayaw niyang magbago pa ang isip nito. Ngumiti siya at malambing ang kaniyang tinig, “Ingat po kayo, Dad.”
Natawa naman si Peterson sa reaksyon niya at marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Anak, ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, ikaw na si Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Know your worth,” makahulugan nitong sabi.
“Teka… Bakit pati ‘yong mga jacket na mukhang hindi ko naman magagamit dahil wala namang winter sa Pilipinas, binili mo?” bulong ni Marion kay Emily. Pero ang totoo, nalulula siya sa presyo ng kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Ilang bahay at lupa na ba ang mabibili ng mga iyon? “Miss, mabuti na pong handa ang wardrobe niyo kung sakali mang maisipan ni Sir Peterson na magbakasyon kayo sa ibang bansa. Setyembre na ngayon, malapit na ang mga holidays kaya dapat lang na naka-prepara kayo,” magalang na sagot ng kasambahay. “Ganoon ba ‘yon?” Bahagyang tumango-tango lang si Marion at bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa posibilidad na maranasan niyang magbakasyon sa ibang bansa.
Hindi man aminin ni Peterson ngunit natutuwa siya sa pinapakita ng kaniyang anak. Mabilis itong makaisip ng mga plano nito para maging pabor sa dalaga ang mga bagay-bagay. Naiintindihan naman niya ang anak kung gusto man nito na hindi mag-asawa. Kung hindi lang siguro konserbatibo ang kaniyang ama noon, baka ganoon din ang kaniyang magiging desisyon. Sino nga ba naman ang may kailangan ng asawa lalo na kung para rin lang naman kayong hindi magkakilala kahit sa iisang bubong lang kayo nakatira? “Dad, ang sabi mo sa ‘kin noon, hindi ko kailangan manahin ang kompaniya mo, ‘di ba? Bakit kailangan kong makilala ang mga shareholders at myembro ng board?” Uminom muna ng red wine si Peterson upang mawala ang lasa ng karne sa dila niya bago magsalita.
Martes na ng umaga, alas-nueve y’ medya na pero mukhang wala pang balak na bumangon si Marion mula sa higaan niya. Noon lang niya naranasan na matulog sa napakalambot na water bed na may nakapatong pang malambot na comforter sa ibabaw. Ngunit nang maaninag niya ang sikat ng araw na nakaalpas mula sa maliit na awang ng kurtina, doon unti-unting nagising ang kaniyang diwa. Malamig ang hangin na lumalabas sa air conditioner kaya kahit nag-inat siya ng mga braso, tila hinihila pa rin siya ng kaniyang kama upang matulog pa. Pagkatapos ng tatlong katok mula sa kabilang panig ng pintuan, narinig niya ang pamilyar na tinig na palagi niyang kasama simula kahapon. “Tanghali na po, Miss Marion. Ano po bang gusto niyong almusal?” Doon lang idinilat nang husto ni Mar
Napangiti at napabungisngis si Mr. Sanchez, pati na rin ang mga tauhan nito. Pero nang mapansin nila na hindi tumawa si Marion at hindi man lang kumibo si Emily, tumikhim ang mga ito at nagkunwaring nauubo lang. Tila natakot ang mga ito na mapikon si Marion sa inasal ng mga ito kaya naman humingi kaagad ng paumanhin ang grupo nila Mr. Sanchez. Pero si Marion, bukod sa wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito, wala rin siyang balak na isuot ang kahit na isa sa mga alahas na dinala ng mga ito. Ang ine-expect niya kasing dadalhin ng mga ito ay mga alahas na pwede niyang gamitin sa pang-araw-araw niyang pananatili sa mansyon. Hindi mga alahas na dapat ilagay sa vault ng mga bangko. “Mr. Sanchez, kung tama ang memorya ko, sinabi ko naman sa team niyo sa telepono na simple lang ang mga gusto ni Miss Marion. Hindi niya magugustuhan ang mga dinala niyo.”
Halos abot-tenga ang ngiti ni Peterson habang naglalakad siya papunta sa opisina ng kaniyang anak. Pinasadya niya iyon na may tatlong estante na puno ng mga nobela at may malaking lamesa at swivel chair sa pinakagitna. Binilhan din niya ng mga bagong gadgets si Marion kaya naman pwede itong magsulat sa desktop computer, laptop, o cellphone. Nangako siyang susuportahan niya ang pagiging manunulat ng kaniyang anak sa loob ng isang taon kaya naman binili niya ang mga bagay na alam niyang makakatulong kay Marion. Dahil nasa villa na siya, hindi na nakasunod si Romeo sa kaniya dahil kailangan niyang makausap si Marion nang mag-isa. Naisip niyang mas maganda kung silang dalawa lang ang makakarinig ng mga plano nila. Nang buksan ni Peterson ang pintuan, bahagya siyang nagulat dahil alas-siete na ng gabi ngunit nakapatay pa rin ang ilaw sa buong silid. Tangin
Sa pinaka-itaas na baitang ng hagdan, nakatayo roon ang babae na nasa animnapu’t dalawang taong gulang na ngunit mukha itong bata ng limang taon kaysa sa tunay nitong edad dahil maalaga ito sa katawan, lalo na sa balat. Ang babae ay nakasuot ng kulay asul na dress na hanggang tuhod, na pinatungan ng itim na blazer dahil may pupuntahan ito kahit linggo. Sa laki ng mga brilyante na nakalagay sa mga tenga nito, pati na rin sa suot na tatlong layer ng mga perlas sa leeg nito, alam na kaagad ni Marion kung sino ang babaeng iyon. “Peterson, nababaliw ka na ba? Sinong may sabi sa iyong pwede mong iuwi rito ang ang bastardo mo --” “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Diana. Ipinakilala ko lang siya sa iyo para naman makilala mo siya at hindi manggaling sa i
Ngumiti lang si Marion. “Good morning.” Masigla ang tinig niya kaya lalong kumulubot ang noo ng Ginang. “Ang sabi ng Daddy ko, huwag ko raw intindihin ang sinasabi ng kahit sino maliban sa kaniya. At saka kung gusto niyong laitin ang biological mother ko, sige lang. Nakakainis naman talaga ang ginawa niyang pagpatol sa lalaking may asawa na. Pero kung mamaliitin niyo ko dahil hindi sa kung anong ginawa ng mga magulang ko, hindi naman tama iyon. ‘Di ba po?” Napaismid si Diana sa mga sinabi niya pero hindi ito kumibo. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ang pagkatao niya. Wala naman siyang pakialam kaya nagpapatuloy lang siya sa pag-eehersisyo. Para kay Marion, isang estranghera lamang ang Ginang na walang magagawa sa kaniya. Pero kapag pumunta siya sa ibang bansa o kapag nalaman nito ang binaba
“Pupunta tayo kaagad?” iyon kaagad ang naibulalas ni Marion. Ngayon pa lang niya makikita ang passport na inasikaso niya, pati na rin ang mga government valid IDs na hinintay niya pero aalis na kaagad sila. “Of course. Meron pa ba tayong kailangan hintayin?” tanong din ang isinagot nito. Napailing lang si Marion. Matagal na niyang nasabi sa kaniyang mga kinagisnang magulang ang pagpunta niya ng South Korea kaya maiintindihan ng mga ito kapag tumawag siya bukas ng umaga para ibalita ito. “Wala naman po, Dad. Kakauwi niyo lang ba? Kumain na kayo?” Noong una, masyadong magaspang ang pakikitungo niya sa kaniyang totoong ama dahil hindi pa rin siya naniniwala sa pinagsasasabi nito. Pero nang makita niya na sinusubukan talaga nitong bumawi sa