RAMDAM ni Lexie ang mga matang nakatingin sa kanya. Ang ilan naman sa napapadaan sa hotel lobby ay napapalingon sa direksyon niya. Inayos niya ang suot na sunglasses at tiningnan ang suot na relo. Since she didn’t have any schedule for today, nagpasya siyang bisitahin ito sa opisina nito para na rin yayain kumain sa labas. She decided to wait for him at the lobby at tutal naman ay malapit na rin ang lunch break nito. “H-Hello.” Napatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Isang alanganin ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na hawak-hawak ang phone. Napansin rin niya ang dalawang babae sa gilid nila na sa tingin niya ay kasama rin nito. “You’re Lexie Cuenca, right?” She nodded. The woman squealed, then she turned to look at her two friends who were also thrilled seeing her in the flesh. “Can I take a picture with you?” “Sure, why not,” she replied, smiling sweetly at her. Tinanggal niya ang suot na sun
KYLIAN slammed his hand down on the table, thus drawing his dad’s attention. “Why did you tell Lexie about the marriage?” he asked, anger burning through him. His dad looked up at him; his gaze was calm and steady. “Why not? She would eventually learn about it. Anong pinagkaiba ng ngayon niya malaman o sa susunod na araw?” “But still, ako dapat ang nagsabi sa kanya noon,” he said through gritted teeth. Hindi niya gustong pinangunahan siya ng kanyang ama. “Why do you do things without asking me first? Wala na ba akong karapatan magdesisyon?” “Did she break up with you?” his dad asked instead, ignoring what he just said.
TAHIMIK na tinanggal ni Zariyah ang ipit ng buhok niya at hinayaang bumagsak ang alon-alon niyang buhok. Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang tinanggal ni Kylian ang suot nitong tuxedo. “It’s funny how in just a short amount of time, dad was able to prepare these things—starting from the wedding venue, lists of guests, the invitations. Walang pinalagpasan na kahit anong maliit na detalye. He even booked a nice place for our honeymoon.” Humarap si Kylian sa kanya at ang tingin nito ay tila ba nang-aakusa. “Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip na para bang matagal ng naka-plano ito.” Muli ay hindi siya nakakibo. Hindi alam kung anong maaaring sabihin dito. Kumuha si Kylian ng damit at pumasok ng banyo. Pagkalabas ay isang puting t shirt at ripped jeans ang suot na nito. “T-teka, sandali.” Hinawakan niya ang braso nito. “Saan ka pupunta?” Hinigit nito ang braso mula sa pagkakahawak niya. “It’s none of your business.” “But it’s our honeymoon!” Ipinagdiinan pa n
NATIGILAN bigla si Zariyah nang makitang hindi nag-iisa si Kylian ng umuwi. He had brought with him the person she least expected to see—si Lexie. At sa bahay pa mismo talaga nila. Nang makabawi mula sa pagkagulat ay pinilit niyang ngumiti at sinalubong ang mga ito. “I didn’t know that we had a guest,” she spoke, thankful that her voice didn’t crack. Lexie flashed her a smile, but it wasn’t a genuine one. Ang ngiti nito ay tila ba nang-iinis. “Kylian invited me,” sagot nito. “Ang sabi ko ay gusto kong makita sana ang bagong bahay na tinutuluyan nito.” Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na nakahawak sa braso ng asawa. Her gaze shifted then t
ANG nakangiting mukha ni Grey ang unang bumungad sa kanya pagkababa nito ng bintana ng kotse nito. His unexpected arrival threw her in total confusion. She just stood there, staring at him and wondering what could be the reason why he suddenly came. “Ang ama mo ba ang hanap mo?” tanong niya pagkaraan dito. A frown marred his handsome features. “You’re kidding, right? Bakit ko naman pupuntahan ang ama ko rito kung alam kong sermon ang aabutin ko?” She laughed and shook her head. “And whose fault do you think it is?” Sumimangot ito sa kanya. “I don’t need another lecture from you.” Nagkibit balikat siya. “So, why are you here? Huwag mong sabihin ay may pinopormahan ka sa isa sa mga empleyado ng ama mo?” Sa halip na sagutin nito ang tanong niya, Grey opened the door of his car. “Get in,” wika nito. Nagtataka niya itong tiningnan. “Why would I?” tanong niya. Hindi alam kung susundin ba niya ang sinabi nito o hindi. Malay niya ba kung saan siya nito
ISINANDAL ni Kylian ang ulo sa headrest ng kotse niya at ipinikit ang mga mata. Katatapos lang ng appointment niya sa therapist na siyang ni-refer mismo ng kaibigan niyang si Dylan. Ang akala niya na mareresolba ang problema niya ay mas lalo pa yatang nadagdagan ang mga katanungan sa isip niya. “Nightmares are one of the most common symptoms of PTSD. In your case, that nightmare you keep on having must be a traumatic event that happened in your past.” Napailing siya. Confusion flooded his mind. “I don’t think so. Wala akong natatandaan na may ganun nangyari.” “The mind is wider than the sky, Mr. Fontanilla. Our brain is not only capable of storing experiences into a form of memory, but it can also “walls off” a memory of a traumatic experience. Just think of it as its way of protecting itself. Kung sinasabi mong wala kang natatandaan na ganun scenario sa nakaraan mo, then your brain must have shut off that certain memory.” “So you’re telling me that I ma
PINAGMASDAN ni Lexie ang reflection niya sa malaking salamin na nasa harapan. The tv show which she was invited to had already ended at kasalukuyan siyang nagpapahinga ngayon sa dressing room. Napalingon siya bigla nang marinig na bumukas ang pinto. Abot tenga ang ngiti ng assistant niyang si Callie nang pumasok ito sa loob ng dressing room. Bitbit nito ang isang bouquet ng bulaklak. “Para kanino yan?” curious niyang tanong dito. “Guess who?” kinikilig nitong sabi. She arched an eyebrow at her. “Galing ba sa manliligaw mo yan?”
SINALUBONG ni Zariyah si Kylian na pababa galing kwarto nito. There was a warm smile on her lips when she greeted her husband; as if the argument that they had last night didn’t happen at all. Kung anong oras na ito nakabalik kagabi ay hindi niya alam. Ayaw na rin niyang isipin kung anong ginawa nito kasama si Lexie. “Breakfast is ready. Sabay na tayong kumain,” aya niya at hinawakan ang kamay nito. Kylian looked at her with an impassive face. Pagkaraan ay marahan nitong kinuha ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “Ikaw na lang. I have an appointment and I can’t be late.” Nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya sa tugon nito. Gumising