Share

31

Agad kong inimpake ang mga gamit ko at dumeretso na sa airport, agad akong nag-book ng ticket. Dalawang araw pa raw bago ma-process ang ticket na nirequest ko kaya maghihintay pa ako, marami ang nagbabalak ngayong pumunta sa Manila dahil magpapasko na. Sinubukan ko ring pumila sa mga ferry pero mas marami pa ang tao ro'n kaya wala akong magagawa kung hindi ang maghintay ng dalawang araw.

"Hindi ko pa nakakausap si Tristan, hindi nya sinasagot ang mga tawag ko." Sambit ni Carter, mas lalo naman akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mag-alala "But don't worry, tumawag ako kay Daddy. Pupunta s'ya ngayon sa bahay nila Tristan at kakausapin s'ya," Dagdag ni Carter.

"Okay, salamat."

"It's okay, bestfriend. Gusto ni Tristan na magkaayos kayo kaya hindi s'ya gagawa ng paraan na ikakagalit mo," sambit ni Claire. Hinihimas nya pa pababa ang likod ko at pilit akong pinapakalma.

"Sana nga," malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago isandal ang ulo sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status