"ANO NA ang status ninyo ni Craig, Bes?" tanong sa kanya ni Virginia nang makorner siya nito sa garden. "Sa nakikita ko okay na kayong dalawa. Kung hindi ko lang alam kung anong totoong dahilan kung bakit pa kayo nagsasama hanggang ngayon, iisipin ko na nagmamahalan talaga kayong dalawa."Ano nga ba ang status ng relasyon nila ni Craig ngayon? Naging sweet ito, maalaga, maasikaso at higit sa lahat s tuwing nagtatalik sila ay ipinararamdaman nito sa kanya kung gaano siya kahalaga rito."I don't know," ang tanging nasagot niya."Hindi mo alam? Pwede ba 'yun? You already consummate your marriage?"Marahan siyang tumango. Wala ng dahilan para pagsinungalingan pa niya ang tungkol 'dun. "Yes."Nagbuga ito ng hangin na tila ba ito ang napapagod sa sitwasyon na meron sila ngayon. "What if he still decides to annul your marriage in the end? Paano ka na? Masasaktan ka na naman?"Mapait siyang ngumiti. "At least I tried. Kung hindi man niya piliing manatili bilang asawa ko tatanggapin ko 'yun. M
TAHIMIK lang si Anastasia mula pa kanina hanggang sa pagtapos kumain ng hapunan. Ngayon kasalukuyan silang nasa pool area dahil nagkaayayaang mag-inuman. Beer ang iniinom nila Craig at Prince habang wine naman ang sa kanila ni Virginia."Buong akala ko boring sa probinsya hindi pala. Hindi ko rin talaga akalain na mayaman at tagapagmana pala itong si Anastasia. Noong napadpad kasi ito sa Maynila, wala siya kapera-pera," mahabang sabi ni Virginia."Sira ka dyan," tanging nasabi niya.Nilingon siya ni Craig na nakaupo sa fool bench habang siya naman ay nakaupo sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga paa sa tubig."Hindi ko nataning sayo. How did you survive for five years?""Noong unang tapak ko sa Maynila hindi ko talaga alam kung paano ko bubuhayin ang sarili ko. Bukod sa hindi ko natapos ang kolehiyo, hindi ko rin dala ang mga dokomento ko. Tanging sampung libo lang ang dala ko. Laking pasalamat ko si Virginia ang una kong nakilala," aniya na nilalaro ng mga paa niya ang tubig."A
KINAUMAGAHAN nga ay maagang gumising si Anastasia para mamalengke at magluto ng mga dadalhin nilang pagkain para sa picnic. Habang sila Virginia at Prince naman ay pumunta da grocery para bumili ng iba pang makakain at maiinom.Kasalukuyan silang nagluluto ng kaldereta ni Nonna Maria nang pumasok si Craig sa kusina. Wala itong pakialam sa prisensya ng matanda na niyakap siya nito mula sa likuran."Mukhang busy ang asawa ko ah." Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi."Nagpapaturo kasi ako kay Nonna magluto.""Nagpaturo ka, hmmm?" Pinupog siya nito ng halik sa pisngi, sa labi at bumalik sa kanyang pisngi."Craig, nagluluto ako," natatawang sabi niya. Pero patuloy pa rin siya nitong pinupog ng halik sa mukha na para bang walang ibang tao sa paligid."Naku! Kayong dalawa oo. Bumalik kayo sa kwarto ninyo at doon ninyo ituloy ang lambingan ninyong dalawa."Good idea, Nonna." Napatili siya nang bigla siyang buhatin ni Craig na parang isang sako."Craig! Ibaba mo ako. Nakakahiya kay Nonna,"
MAY NGITI sa mga labi ng magising si Anastasia kinabukasan. Napatingin siya kay Craig na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi niya. This is new to her dahil palaging nauuna si Craig na magising sa kanya, kung minsan mas nauuna pa itong magising kaysa tilaok ng manok sa umaga.Nawala ang ngiti niya sa mga labi ng maalala na tatlong araw na lang ang natitira para sa kanila. Tumaas ang kamay niya para haplusin ang gwapo nitong mukha nang hawakan ni Craig ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito."Good morning, my princess." And then he slowly opened his eyes.Mabilis na tumibok ang puso niya sa simpleng titig sa kanya ni Craig. Iba talaga ang ipekto nito sa kanya."Good morning too, Craig."Tipid siya nitong nginitian. "Can I have a good morning kiss?""Oo naman." Mabilis niyang hinalikan ang mga labi nito."Can I have more?" Muli niya itong hinalikan sa mga labi.Nang ilalayo na niya ang labi rito ay humawak ang kamay ni Craig sa batok niya para mas dumiin ang labi nito sa kanya. An
PAGKAAPAK ng mga paa ni Anastasia sa puting buhangin ng Isla De Los Recuerdos ay hindi niya mapigilang mapahanga sa taglay na ganda niyon. Maayos ang mga cottage at malinis ang paligid. Mayroong mga ibat-ibang kulay ng bulaklak at mayroon din mga puno ng niyog."Magandang buhay, Ma'am, Sir. Welcome to Isla De Los Recuerdos!" bati ng staff ng isla, at pagkatapos ay sinuutan sila ng makukulay na bulaklak na kwintas.May sinabi pa ang babaeng staff pero wala siya masyadong naintindihan dahil ang focus niya ay naaa ganda ng isla.Nabaling ang tingin niya kay Craig nang iyakap nito ang braso sa baywang niya. "Let's go to our room, Princess.""Okay."Kumuha sila ng golf cart at sakay ni'yon ay pinuntahan nila ang tutuluyan nila sa loob ng dalawang araw. Pagkahinto nila sa honeymoon suit villa ay agad na kinuha ni Craig ang mga bag nila at inaya na siyang pumasok.Pagkalapag nito ng bag sa paanan ng kama ay niyakap siya nito sa bewang. "You like it?"Mabilis siyang tumango. "I like it. Saan
PAGKAGISING ni Anastasia ay agad siyang naligo. Nasabi kasi ni Craig na sa labas sila mag-uumagahan.Inilabas niya ang lahat ng swimsuit na dala niya sa maleta para mamili ng susuotin niya. Nasabi rin kasi ni Craig na gusto nitong mag scuba diving sila at i-try ang iba pang water activity na meron sa isla."Princess, hindi ka pa rin nakakapagbihis?" nagtatakang tanong ni Craig pagkapasok nito sa kwarto."Not yet. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko." Itinaas niya ang hawak na swim suit.Kinuha nito sa kamay niya ang isang kulay pulang two piece swimsuit. Sinunod naman nitong tingnan ang kulay cream na ruffle ang design."Not of the them," anito na hindi na inabalang tingnan pa ang ibang swimsuit na dala niya."Ha?""Wala kang susuotin kahit ano sa mga 'yan, Princess.""Bakit? Sayang naman kung hindi ko gagamitin, isa pa lahat ng mga kababaihan na nagsu-swimming sa dagat naka swimsuit sila.""Except you. Ayokong may ibang lalaking titingin sa katawan mo. Your body is for my eyes onl
SUNOD-SUNOD ang mga ungol na lumalabas sa bibig ni Anastasia habang ginagalaw niya ang ang balakang pataas at pababa. Kagat ang ibabang labi na napaliyad siya nang maramdaman niya ang pagsagad ng pagkalalaki nito sa loob niya. Umungol si Craig na ginalaw nito pataas ang balakang para salubungin ang pagbaba niya. "Ohh... Craig..." Nakakaragdag sa sarap na nararamdaman niya ang pagkiskis ng cl*tor*s nita sa balat nito.Tumaas ang mga kamay nito sa didibdib niya, sinapo at marahan na pinisil-pisil habang nilalaro ng daliri nito ang naninigas niyang n*pple. At muli naman nitong iginalaw ang balakang para isagad muli ang kahabaan nito sa loob niya."Oh...Craig!"Hawak ang kamay nitong nasa kanyang dibdib ay isinasagad niya sa kaibuturan niya ang malaki at mahaba pagkalalaki ng asawa. Sa bawat paggalaw niya ay gumagalaw din ang balakang ni Craig para salubungin ang bawat pagbaba ng balakang niya."F*ck...Anastasia," ungol ni Craig sa pangalan niya habang pabilis nang pabilis ang paggalaw
HINDI alam ni Anastasia kung gaano na siya katagal na nakatitig sa puting kisame ng kwarto niya. Sinulyapan niya ang alarm clock sa may bedside table, trenta minuto na lang magaalas-dose na. Matatapos na ang kasunduan nila ni Craig.Tumuon ang mga mata niya sa kanyang katabi na mahimbing na natutulog. Maingat siyang pumihit paharap kay Craig para hindi ito magising.Umangat ang kamay niya para masuyong haplusin ang pisngi nito. "Napaka gwapo mo talaga, alam mo ba 'yun?" anas niya."Kaya kinaiinggitan ako ng mga kababaihan noon nang ikasal tayo. Pero hindi nila alam na ako lang ang may kagustuhan nu'n. Pero ipagmamalaki ko pa rin na minsan naging akin ka."Humaplos ang hinlalaki niya sa mapula nitong labi. "Mami-miss kita sobra, Craig," gumaralgal ang boses niya sa kanyang huling sinabi.Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng malakas na hagulhol, pero hindi niya iyon mapigilan."Hey, you're crying..." paos na sabi ni Craig. Umayos ito ng pagkakaharap sa kanya at sinapo an