"Ino, nasaan ka ba? Tulungan mo nga ako dito! Andaming customer dito hindi ka man lang tumulong!?"
Mula sa kusina ay dinig na dinig ko ang pagbubunganga ni tita Hilde sa labas. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapairap sa hangin. Halos kadarating ko lang mula sa eskwelahan nang utusan agad niya akong maghugas dito tapos ngayon ay hahanapin niya ako. Ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil dito na ako dumiretcho. Napahugot nalang ako ng buntong hininga. Wala yatang araw na hindi ako binungangaan ni tita. Kung sabagay, maliit pa lamang ako ay ganoon na siya kabungangera. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
"Andyan na po!" Sagot ko. Kailangan kong sumagot kung hindi ay lalo niya akong pagagalitan pag hindi niya ako narinig.
Mabait naman si tita Hilde. Sa totoo lang ay siya pa nga ang nag-volunteer na kupkupin ako noong mamatay ang mga magulang ko. Wala kasing may gustong kumupkop sa akin ng mga panahong iyon. Kaya rin siguro napilitan nalang din siya. Bata pa rin kasi ako ng mga panahong iyon at nasa sampung taong gulang pa lamang. At kahit na labing apat na taon na ang nakalilipas ay tandang-tanda ko pa rin kung paano nila ako pinagturo-turuan noong mga panahong na iyon. Labis na hinanakit ang naramdaman ko noon sa kanila.
Awang-awa ako sa sarili ko ng mga panahon ngayon. Naiisipan ko na nga rin maglayas noon kaya lang ay wala naman akong sapat na pera. Gusto ko na rin ngang tanungin ang sarili ko kung pangit ba ako kaya ayaw nila sa akin pero noong mga panahong nabubuhay pa ang mga magulang ko ay halos abot-abot ang pagpuri nila sa akin. Na kesyo maganda daw ako, na mukha daw akong manika, tapos ngayong wala na ang mga magulang ko ay tila ba mayroon akong nakakahawang sakit na kulang nalang ay ipagtabuyan na nila. Pakiramdam ko pa nga ay para ako iyong sa koreanovela na isang malakas na tulak na lang at swak na swak na sa eksena ng bidang inaalipusta.
Kaya nga noong isama ako ni tita Hilde dito ay hindi na ako nagreklamo. At kahit na ganitong pinagtatrabaho niya ako ay ayos na rin. Malaking pasasalamat ko na din na kahit may hindi kagandahan ang ugali ni tita ay hindi niya ako pinababayaan. Pinag-aaral niya din ako at awa ng Diyos, ngayon ay graduating na sa kursong office management. Kaya hindi rin ako makareklamo sa tuwing uutusan o pagagalitan niya ako.
Nahirapan pa nga ako noong una dahil sa totoo lang ay hindi ko naranasang magtrabaho ng mga gawaing bahay. Noon kasi ay may kakayahan ang mga magulang ko na kumuha ng katulong kaya't hindi rin ako naturuan ni mama ng mga gawaing bahay. Kaya abot-abot din ang sermong inabot ko noon kay tita Hilde dahil sa dami ng mga nababasag kong pinggan. Buong akala ko nga ay palalayasin na niya ako pero hindi naman nangyari.
"Ino Salve!?"
Wala sa loob na napaurong ako pagkarinig sa muling pagsigaw ni tiya. Dali-dali kong iniwanan ang mga hinuhugasan ko at lumabas ng kusina. Nagpupunas pa ako ng kamay sa kulay pink na hello kitty kong apron nang tuluyan akong nakalabas ng kusina at bumungad agad sa akin ang kumpulan ng mga empleyadong suki ng canteen na ito. Nakapagtataka nga na sa dinami-rami ng mga restaurants at fast foods sa paligid ay patuloy pa ring dinadagsa ang munting canteen ni tiya. At karamihan sa mga suki niya ay mga empleyado ng iba't ibang kumpanyang nakapaligid sa lugar.
Una kong nakita si Kit na dala-dala ang mga pagkaing order ng isang grupo di kalayuan sa akin. Halos kaedad ko lamang ito, matangkad siyang lalaki, may itsura at working student, si Deborah naman ay kumukuha ng orders habang walang tigil ang pagpapa-cute sa mga lalaking customers. Kasing edad ko rin pero napakaraming kaartehan sa katawan, mataray, at laging may makapal na make up. Di ko tuloy malaman kung dito ba talaga sa sizzlingan ang pasok nya o sa night club. Sabagay, hindi naman siya sinisita ni tita kaya pinababayaan ko nalang din. Naroon din si Shaira na siyang pinakabata sa lahat, isa din sa tauhan ni tita na hindi rin magkandatuto kung saang lamesa ibababa ang mga pitsel at basong dala.
Sa kabilang dulo ay naroon matandang babae na kanina pa bunganga ng bunganga katatawag sa akin habang kumukuha ng orders ng mga bagong dating na customers. May kaunti na ring puti sa buhok nito, nakasuot ng asul na t-shirt at itim na tokong na pinaiibabawan ng pulang apron. May nakapaskil na ngiti sa mukha na tanging para lamang sa mga customers. May pusta akong oras na mabaling sa akin ang tingin niya ay sasama na ang timpla ng mukha nito.
"Ino!" Lihim akong napangiwi ng makita kong si Andrei iyon. Ang manliligaw kong kuno. Hindi ko kasi siya itinuturing na manliligaw kahit na ilang beses na niya akong kinukulit. Mabigat kasi ang loob ko sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. At katulad din ng ibang naririto ay empleyado rin si Andrei ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa lugar. Kung hindi ako nagkakamali ay sa CAG group of companies siya nagtatrabaho. Bagay na lagi niyang ipinagmamalaki na siyang ikinaiinis ko sa ugali niya. Totoo naman ang sinasabi niya. Isa ang CAG sa pinakakilala at pinakamalaking kumpanya sa bansa. Pero ang hindi maganda ay iyong lagi nalang niyang ipinangangalandakan na doon siya nagtatrabaho kahit hindi naman itinatanong sa kanya. Kaya duon palang sa parte na iyon, bagsak na siya sa akin.
Agad na lumingon sa direksyon ko si tita Hilde. Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko ng tignan ako nito ng matalim na para bang sinasabing "ano pang itinatayo-tayo mo dyan?!". Kahit kasi hindi iyon lumabas sa bibig nyan ay parang kusa ko na iyong naririnig sa tainga ko. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at mabilis na kinuha ang papel at ballpen na nakapatong sa may lamesa ng kahera at dali-daling lumapit sa isang grupo ng babaeng nagtatawag ng tagasilbi.
Unang kong hinarap ang babaeng nasa gilid ko. "Ano pong order nyo?" Malumanay ko pang tanong sa kanila.
Noong una ay hindi pa ako pinapansin ng iba dahil tulad ng ibang grupo sa malapit ay nag-chi-chismisan din ang mga ito. At ako naman na isang kalahating usisera ay hindi mapigilang makinig lalo na at mukhang wala silang balak na magsabi ng order nila. Nakakatuwa rin kasi minsang makinig ng mga usapan nila. Naroong manira sila ng kapwa katrabaho nila at pagpantasyahan ang lalaking amo. Mayroon ding nag-uusap ng tungkol sa mga experience nila sa sex. Bagay na animo kaswal lang para pag-usapan sa kung saan-saan at marinig ng iba.
Iyon na ang naging gawi ko sa araw-araw na pagtatrabaho sa sizzlingan ni tita. Tulad ngayon na samu't saring chismis naman ang naririnig ko sa paligid kaya hindi tuloy magkandatuto ang tainga ko kung sino ang pakikinggan. Ang kabilang grupo kasi at tungkol sa bago nilang katrabahong babae ang pinag-uusapan. At gaya rin ng dati ay kesyo maarte daw ito at may kalandian ang inirereklamo ng mga ito. Sa kabila naman ay ang boss nilang saksakan daw ng gwapo kaya lang ay madalang pumunta sa opisana kaya nanghihinayang sila.
"Hoy, ano daw order nyo?" Pukaw ng babaeng katapat ko sa mga kasamahan nitong hindi pa rin tumitigil sa pag-uusap.
"Saan naman daw nakita?" Nababaghang tanong ng katabi nito sa katapat na parang hindi narinig ang katabi.
"Sa may Balite street daw, ee," nahihindik namang sagot ng katapat. Napukaw naman nito ang interes ko. May palagay akong katatakutan ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Uy, totoo yun," sabad ng lalaking ka-table ni Andrei. "Nakita din daw yun ni Anthony noong isang gabi. Ayun, nilagnat sa sobrang takot kaya di nakapasok. Sinundan daw sya, ee."
"Oh my ghad, parang ayoko ng umuwi ng gabi," nahihindik na sabi ng babaeng nasa likod nito.
Mukhang may bago na namang katatakutang napulot ang mga ito. Noong nakaraang linggo ay iyon din ang pinag-uusapan ng ilang mga tindero at tindera sa labas. Akala ko ay madali ring mamamatay ang chismis pero hanggang ngayon ay buhay pa rin. Naku-curious tuloy ako kung totoo nga ba iyon. Pero wag nalang din pala. Ayokong makakita ng mga ganun.
Ang Balite street pa namang sinasabi ng mga ito ay iyong nilalakaran ko papuntang bus station pauwi. At sa tinagal-tagal ko rin naman dito ay ngayon ko lang narinig ang mga chismis na iyon. Kaya nakapagtatakang magkaroon ng multo doon. Baka naman naligaw lang iyon. Pasasaan ba at aalis din iyon doon. Hindi naman nagtagal ay ibinigay na din ng mga ito ang mga orders nila.
"Ino." Hindi ko malaman kung lilingon ba ako o hindi nang marinig ko ang boses ni Andrei na tinatawag ako. Sa huli ay nilingon ko nalang din para naman hindi ako matawag na bastos. Baka mamaya ay sigawan na naman ako ni tita Hilde pag hindi ko pinakisamahan ng maayos si Andrei. Alam naman ni tita ang di umanong panliligaw nitong si Andrei, at sa tuwina ay lagi niya akong kinagagalitan sa tuwing sinusupalpal ko ito o di kaya ay tatalikuran. Hindi ko tuloy malaman kung bet ba ni tita itong lalaki na ito o hindi.
Ang kinagandahan lang kay tita ay iyong hindi siya mahigpit pagdating sa mga manliligaw kahit na isa siyang matandang dalaga. Karamihan kasi ng mga matatandang dalaga ay mga masusungit at tila ba galit na galit sa lalaki. Mabuti nalamang at si tita ay hindi ganoon, kahit papaano ay may konsiderasyon naman siya sa mga manliligaw ko.
Biglang nangati ang kilay ko at parang gustong umangat ng bongga nang makita ko ang nakakalokong ngisi nito. Iyong gawi pa ng pagngisi niya ay iyong masarap idikit sa kahahango lang na sizzling plate.
"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" Anitong punong-puno ng kumpyansa sa sarili.
Nakaramdam na naman ako ng inis dito kaya abot-abot ang pagpipigil ko sa sarili huwag lamang makagawa ng bagay na ikagagalit na naman sa akin ni tita. Humugot pa ako ng hininga bago magsalita.
"Okay lang ako, Andrei. Hindi ko kailangan ang tulong mo." Narinig ko pa ang malakas ng kantyawan ng mga kaibigan nito bago ako tuluyang makalayo.
Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako habang naglalakad papunta sa sizzlingan ni tita. Galing akong eskwelahan at halos kakatapos lamang ng klase ko. Dapat nga ay hindi na ako papasok ngayong araw dahil sinabihan na ako ni tita na tumao muna sa tindahan pero nagpumilit pa din ako. Kahapon pa kasi nilalagnat si tita mula ng makauwi kami. Siguro ay nasobrahan ng pagod dahil sa dami ng customer kagabi. Biyernes din kasi kahapon, at kapag ganoong araw ay laging dagsa ang tao. Payday kasi ng mga empleyado.Halos lakad-takbo na ako makarating lang sa bus station. Kay ate Carin ko lang kasi ibinilin ang tindahan. Siya ang pinakamatagal na tauhan ni tita at isa sa mga tagaluto duon at siya rin ang mas pinagkakatiwalaan ni tita sa tindahan sa mga ganitong pagkakataon. Mas matanda siya ng ilang taon sa akin. Nang dumating ako sa munting kainan na iyon noon ay isa na siyang tindera duon. Maliit lang ang sizzlingan na iyon dati. Kung tutuusin ng
Pabagsak kong isinara ang pinto nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay. Wala na akong pakialam kung marinig man ni tita Hilde iyon o magalit siya, ang mahalaga ay nasa loob na ako ng bahay. May mga poon si tita ng mga santo kaya siguradong hindi na ako susundan noon dito.Halos hindi ako magkandatuto kanina sa kung ano ang gagawin nang makita ko ang multong yun. Basta tumakbo nalang ako ng tumakbo. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang, hindi na ako masusundan noon dito dahil bawal ang masamang espiritu dito. May mga poong magtataboy sa kanila. Hindi man kasing laki ng tao basta ang mahalaga, may bantay ang bahay namin sa mga ganoong bagay. Sana lang.“Ikaw na ba yan, Ino Salve?” Narinig kong sigaw ng tita ko mula sa kwarto niya. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot sa halip ay lumakad ako palapit sa tinted na bintana at unti-unting hinahawi ang makapal
"Uhm…"Wala sa loob na hinila ko ang kumot nang makaramdam ako ng matinding lamig na nanunuot sa buto ko. Wala naman kaming aircon pero ang lamig, sobra. Nakapikit na hinagilap ko ang kumot. Nang maabot ko iyon at maisaklob sa katawan ay saka ko iminulat ang mga mata ko. Kalahati lang iyon dahil antok na antok pa talaga ako. Medyo mabigat pa ang talukap dahil siguro sa kakaiyak ko din kagabi. Kung bakit ba naman kusang bumukas ang mga mata ko at natuon sa kulay puting bagay na tila ba nangingibabaw sa paligid na siyang bumungad sa harapan ko. Napatitig pa ako doon saglit dahil naglo-loading pa ang utak ko sa kung anong bagay ba sa kwarto ko ang pwedeng magliwanag na kulay puti. Medyo nangingibabaw pa ang kulay noon kaya't nakakasiguro akong may kadiliman pa rin sa labas.At dahil sa kalahating tulog at kalahating gising pa ang utak ko ay binalewala ko na lamang iyon at bumalik na sa pagtulog. Muli akong hinila ng antok ngunit bago pa man ako makabalik sa pagtulog ay nakaramdam ulit a
"Ino! Ino Salve!""Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga."Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi
"What?!" Mabilis pa sa alas kwatrong umusog si Jade kay Clint. "Wala naman," anas ko ng makita ang pagpa-panic sa mukha ni Jade. "Pero ang sabi nya ay babalik daw sya.""Oh my ghad!?" Muling napatakip si Jade ng bibig."So, lalake ba sya o babae?" Pagbabalik ni Merlin sa usapan."Lalaki-""Oh my ghad, Ino. Kailangan nating maitaboy yan, baka kung ano gawin nyan sayo lalo na pag tulog ka na. Baka mamaya gawan ka nalang nun ng masama. Just like those on the movies, yung pinagsasamantalahan nung multo yung tao," nahihindik na litanya ni Jade. Maya-maya ay tila wala sa loob na niyakap ang sarili na tila ba ini-imagine ang nangyari. Lalo tuloy akong kinilabutan sa sinabi niya. Na-i-imagine ko na rin tuloy yung eksena. "Magtigil ka nga, Jade," sita ni Merlin dito na siyang pumutol sa pag-iisip ko. "Kung ano-ano kasi pinapanood mo kaya kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tinatakot mo lang lalo si Ino, eh. Mas mabuti pa, maghanap nalang tayo ng espiritista na makakatulong kay Ino bago pa bum
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata ko ng imulat ko iyon. Susubukan ko sanang itabing ang braso ko sa liwanag ngunit natigil ako ng makaramdam ng sakit mula duon."Agh," mahinang daing ko. Noon ko tuluyang naimulat ang mga mata. Ramdam ko na parang may makirot na pagtusok mula sa kamay ko.Puting dingding, mga kurtina at salaming bintana na nilalagusan na ng mainit na sikat ng araw ang una kong nabistahan. Puno ng pagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. Walang tao sa maliit na kwarto. May mahabang sofa sa di kalayuan ng kama at maliit na coffee table. Nang lingunin ko ang gilid ko ay natagpuan ko ang dextrose na siyang nakakonekta sa kamay ko kung saan ako nakaramdam ng sakit. Parang noon lang nag-sink in sa akin na nasa ospital pala ako. "Mabuti naman at gising ka na." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paggapang ng kilabot nang matagpuan ko sa may gawi ng pinto ang multong pilit kong iniiwasan."A-Anon
I was taken aback at his stance actually. Unang-una, masyado siyang malapit, hindi ako makahinga. Pangalawa, nakaka-mesmerize ang mga mata niya. At pangatlo, wala na akong kawala sa paghingi niya ng tulong. Hindi na ako pwedeng tumanggi sa pagkakataong ito dahil may utang na loob ako sa kanya. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kaniya. Naiilang kasi ako. He even looks intimidating right this very moment. Gusto ko sana siyang itulak pero siguradong tatagos lang ang kamay ko."Haha! Does this perimeter bother you?" Nang-iinis pa niyang saad. Kumikinang naman sa kalokohan ang mga mata niya. Naiinis ko naman sinalubong ang mga mata niya. "Syempre hindi. Nakakatakot ka kasi," pagdadahilan ko nalang para mapagtakpan ang pagkailang ko.Tumawa siyang muli. "Paano naman ako magiging nakakatakot, aber? Do you think I have that disgusting wrecked face? You better check your eyes habang nandito ka sa ospital.""Siguro nga dapat na akong magpatingin sa mga mata. Nakikita kasi kita," naiinis kong b
"Seriously, Ino?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Cai. Nahilot ko nalang ang sentido ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ko na sa kanila na huwag ng ituloy ang paghahanap ng espiritista pero mukhang masyadong pursigido ang mga kaibigan ko na tulungan akong makakawala kay Cai. Panibagong buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Kung hindi siguro ako naaawa kay Cai ay baka pina-espiritista ko na nga siya."Jade, hindi ba napag-usapan na natin yan?" Nahahapong sabi ko dito."Pero Ino-""Thank you sa concern, Jade. Pero mas kailangan ko ng impormasyon ngayon," putol ko dito. "Ibababa ko na to nasa kalsada ako ngayon, eh. Sige na. Bye."Isinuksok kong muli sa bulsa ang cellphone ko saka hinarap ang masamang tingin ni Cai."Stop it, Cai. I already told them to stop. Hindi mo kailangang magalit dahil wala na akong balak na ipa-espiritista ka. Okay?" Dire-diretchong anas ko dito bago nagsimula ulit maglakad. Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Cai at iniwan itong nakatayo doon.Hindi