Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.
Napabuntong hininga ako.
"Okay ka na?" tanong ni Marcus.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin.
"Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.
Oo nga pala. Nasa labas sila.
Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus.
"Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.
Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.
Nuntong hininga siyang luma
Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga
Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas
THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi
Namulat ang mata ko sa mundong ito ng hindi alam kung ano ako. Hindi alam kung ano ang tunay kong pangalan. Hindi ko maalala ang nakaraan, kung paano ako lumaki, kung paano ang naging buhay ko noong hindi pa ako naging warrior dito sa heavenly realm.Si king Crassus ang lahat ng dahilan kung bakit ako ngayon nandito. Isang kanang kamay niya sa pakikipagdigma. Binigyan niya ako ng mataas na titulo na kung tawagin nila ay isang babaeng mandirigma. Ako lagi ang namumuno sa mga kawal na kung tawagin ay Arminius. Lahat ng gustong ipagawa sa akin ni King Crassus, ginagawa ko. Dahil alam kong walang mali sa mga pinapagawa niya, gusto lang niyang maubos ang mga demon na nabubuhay pa.Kahit isa na ako sa mga pinagkakatiwalaan niya, wala parin akong karapatang umangal o suwayin siya lalo na ang hindi siya bigyan ng respeto. Lahat ng naririto ay mataas ang respeto sa kanya. Sinusunod siya sa lahat ng mga gusto
Third person's PovNgayon ang kabuwanan ni Herbeth na ilang buwan na nilang hinihintay.Abala siya sa pag-aayos ng mga labahin nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang malaking tiyan."Ahhg! Di-dickon!"Mas lumala ang kirot sa tiyan niya kaya nasigaw na niya ang pangalan ng kanyang asawa.Hawak-hawak ng kamay niya ang malaking tiyan niyang kumikirot habang pinipilit na makalapit sa kama para makaupo ng maayos.Abala kasi sa pagluluto si Dickon sa kalan at naubusan pa sila ng kahoy kaya lumabas siya sandali para maghanap ng pansamantalang pandagdag sa tangkay ng kahoy na nauubos na at tinutupok na ng apoy."Dickon!"Pagpasok pa lang ni Dickon sa maliit na bahay nila ay narinig niya ang alingawngaw na sigaw ni Herbeth. Naalala ni Dickon na ngayong buwan
Aloisia Diamond PovNag-aayos kami ngayon ni Mond ng mga paninda namin. Iba't-ibang mga bulaklak at mga prutas. May piyesta kasi dito sa Tracian at maraming dumalo na nagmula pa sa Spartacus at Mapuche."Ate, manonood ka ba mamaya?"Tanong ni Mond sakin, meron kasing magpe-perform mamaya. Magpapakitang gilas, lalo na ang mga estudyante ni Mr. Sown. Sila kasi ang mga taong nabiyayaan ng kapangyarihan. Kaya para magamit iyon sa mabuting paraan pumapasok sila sa organisasiyon ni Mr. Sown, para maturuan ng tama sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.Sabi nila, kung meron ka mang kapangyarihan malalaman mo ito kapag tumuntong ka ng 18 na taon. Pero di na ako nagdasal pa na sana ako rin mabiyayaan. Dahil hanggang ngayon, 21 na ako wala parin naman akong napapansing kakaiba sa akin."Ate?"
Pagkatapos kumain ay nagmadali akong puntahan si Mr. Sown. Nagpumilit pang sumama si Mond dahil lagi iyon nakabuntot sakin kapag may pinupuntahan ko pero hindi ko na siya pinayagan at pinaiwan ko siya para may kasama si nanay sa bahay."Mr. Sown!"Malaking ngiti ang naka paskil sa labi ko nang makita ko si Mr. Sown na kausap ang isang babaeng estudyante niya.Sila yung matagal-tagal na sa grupo at sigurado akong bihasa na sila sa pakikipaglaban, sa tagal ba naman kasi ng ensayo nila at mga misyon nila na pumatay ng mga demon.Baka nga may nakaharap na silang mga class A na demon."Oh! Aloisia! Ano nakapag-isip ka na ba? Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nakapag desisiyon."Nagpaalam muna siya sa kausap niya at madali namang umalis agad. Lumapit siya sakin para makapag-usap kami ng maayos."Next time, ipapakilala kita sa kanila."
May sumusunod sakin. kung hindi ito demon, sino?Hanggang sa naramdaman ko ang isang presensiya sa di kalayuan dito sa pwesto ko. Hindi ko pinahalatang nakita ko siya gamit ang peripheral vision ko.Nagkunwari akong patingin-tingin sa paligid na tila hinahanap ko kung saan nanggaling ang palaso. Lingid sa kaalaman niya na nakita ko siyang nagtago agad sa isang puno.Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at may hood.Bumaba ako sa puno at muling pinulot ang basket na may lamang prutas at naglakad taliwas sa daan papunta sa bahay. Kailangan ko muna siyang iligaw bago ako dumeretso sa bahay. Kung hindi ko siya mailigaw ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta doon.Halos wala na akong sinusunod na daan at kung saan saan na ako lumulusot dito sa kakahuyan. Binilisan ko ang paglalakad at halos marinig ko na ang yabag ng mabilis na paglakad niya.