Share

Chapter 12

“Problema mo?” curious na tanong sa akin ni Felize habang naglalakad kami patungong labasan. Buong akala ko ay siya lang ang nakatingin sa akin habang panay ako sa pagsipa ng mga bato sa daan. Si William din pala ay kanina pa nakamasid sa akin at sa ginagawa ko.

Nang tumingin ako sa kanilang dalawa ay agad akong ngumiti.

“Wala naman akong problema. Bored lang.”

Napataas naman ang isang kilay ni Felize nang marinig ang sagot ko. Habang si William ay bahagyang natawa.

“Bored? Hindi ko alam na nag-e exist pala iyang word na ‘yan sa vocabulary mo.” ani William saka umiling.

“Sa dami mong trabaho, may gana ka pa talagang ma-bored ha.”

Nagkibit-balikat naman ako. As the one who mastered the art of lying, siyempre hindi talaga iyon ang nararamdaman ko. Kaya ako nagkakaganito ay dahil hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Leander sa akin noong Sabado ng gabi. Lu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status