Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize.
“Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya.
Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito.
“Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.”
Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya.
“Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya.
Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
Good news! Pretty You will be having a sequel titled STILL THE PRETTIEST. This is Leah and Leander's story of their life after marriage. In this book, the questions you have in mind on what happened to the other characters especially Julian, will be answered in the sequel. Thank you for reading the story of Leah and Leander. See you on the next book! Love you guys!
“Anak pakigising mo na nga yung kambal at tanghali na. Male-late na ang mga iyon sa eskuwelahan.” bungad sa akin ni Mama na kalalabas lang ng kanilang kuwarto. Nakasunod sa kaniyang likuran si Papa na napipikit-pikit pa at panay ang hikab. Umangat ang sulok ng labi ko sabay turo sa ginagawa ko. Nagluluto kasi ako ng itlog at tocino para agahan namin. Ako ang nagluluto tuwing umaga dahil ako naman ang pinakamaagang nagigising sa pamilyang ito. “Ikaw nalang ‘Ma, kita mo namang nagluluto ako eh.” reklamo ko sa kaniya. Pero imbes na pakinggan ang sinasabi ko ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang siyansi at tinulak ako papalabas ng kusina. “Kita mo namang ikaw lang ang pinakikinggan ng kambal na iyon. Sige na, gisingin mo na. Paniguradong babangon ang mga iyon kapag ikaw ang gumising sa kanila.” Napabuntong-hininga ako saka bumaling kay Papa para humingi ng tulong. Pero isang marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito naglakad ma
“Hi, I’m Levi Estrada.” pakilala nito sa akin. Umayos naman ako sa pagtayo at alanganing bumati rito. Umiwas naman ako agad ng tingin dito. Nang gawin ko iyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “You looked so cute. I didn’t know that we have a janitress like you. Bukod sa maganda, mukhang masipag pa.” I tried my best not to roll my eyeballs at him. Muntik ko na pa naman siyang maging crush, tapos malalaman kong ganito siya makipag-usap sa taong bagong kilala niya lang. Halatang playboy kaya ekis agad. “Responsibilidad naman po naming maging masipag, Sir. Trabaho po namin ang maglinis.” sagot ko sa kaniya. Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Pagkababa ng mga empleyado na sakay nito ay agad akong pumasok at pinindot ang sixth floor. “Oh, sixth floor ka rin?” Tumango naman ako. Pumuwesto ako sa pinakalikuran ng elevator dahil alam kong may mga hahabol na empleyado sa pag
03 “Oh, bakit nakasimangot ang pinakamagandang part-time barista ng Starbucks?” bungad sa amin ng isa sa mga kasama naming barista na si Dennis. Ang kaibahan naming sa kaniya, full-time barista siya. Kaya magmula umaga hanggang gabi ay narito siya. Hindi ko siya pinansin nang dumaan ako sa kaniyang harapan. Pumunta agad ako sa staff room para makapagpalit ng damit. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang shift namin. Narinig ko ang pagsunod sa akin ni Felize. Nagbihis din ito agad. Paglabas namin ay muling lumapit sa akin si Dennis at nameywang sa harapan ko. “Ano ngang nangyari?” I just rolled my eyeballs at him. Muli ay hindi ko siya pinansin. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayon. Nakita kong lumapit sa kaniya at Felize. “Huwag mong kausapin niyan kung ayaw mong masama sa mga kapeng gigilingin niya ngayong araw.” mahinang sambit ni Felize sa kaniya. May mga pinag-usapan pa silang dalawa pero hindi na ako
Hindi lang ako ang nagulat sa nagawa ko, pati na rin mismo ang lalaking nasuntok ko na nagngangalang Leander. Mas lalo akong nagulat nang ma-realize na ito ring yung taong nakita ko kaninang umaga at taong pinatid ko kanina. Huh! In all fairness, maganda ang pangalan niya at mukha rin siyang mayaman dahil na-afford niyang pumunta rito sa bar at uminom ng mamahaling alak. Pero kahit na. Maganda nga ang pangalan niya at mayaman siya pero yung ugali niya naman ay walang kasing pangit. Hindi bale nalang.Bahagya akong napaatras nang makitang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako takot sa kaniya sa kung anong puwede niyang gawin sa akin. Pero dumudugo ang kaniyang labi at takot ako sa dugo. Bata palang ako ay may hemophobia na ako. Kaya naman ay pasimple kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Through my peripheral, nakita kong marahan niyang pinahid iyon gamit ang kaniyang hinlalaki at masamang tumingin sa akin.“You!”Tum
Pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay agad akong nagpaalam para umuwi. Mas matagal ako ngayon sa trabaho dahil maraming costumer sa bar. Mag-aalas onse na nang makalabas ako roon.“Ingat, Miss Leah.” saad ng isa sa mga bouncer na naroon pa rin.“Salamat po. Kayo rin, ingat mamaya sa pag-uwi.” sabi ko sabay sumaludo pa sa kanilang dalawa.Nang makalayo ako sa entrance ay saka lang ako bumuntong-hininga. Ramdam na ng katawan ko ang pagkaantok. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang naranasan na magtagal doon. Understandable naman dahil maraming costumers. Sabi ni Sarah, warm up palang raw iyon. Asahan ko na raw na mas marami pang mga costumer sa mga susunod na araw. Nang makaramdam ako ng antok ay umupo muna ako sa tabing daan sandali.Ilang minuto palang ako naroon at muntik na akong mapatalon nang may sasakyan na biglang bumusina sa harapan ko. What the hell?Mula sa sasakyan na iyon a
“Hello, Miss waitress. What a pleasant morning to see you here!” huminto si Leander sa pagsasalita at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. He smirked as he directly looked into my eyes.Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Felize kaya bumaling ako sa kaniya sandali.“Iyan diba yung pogi na bumusina sa atin kahapon? Omg, bakit kaya siya nandito?”I scoffed when I heard Felize’s tone of voice changes. Felize isn’t like this normally. This is not my friend. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko siya nang malakas sa braso para magising siya sa katotohanan na hindi naman guwapo ang lalaking ito. Antipatiko! Iyon ang mas tamang term na gamitin. At higit sa lahat, mayabang at peste sa buhay.Humarap ako kay Leander na nakadungaw sa bintana at nginitian nang ubod nang peke.“It’s nice to see you too. You’re working here?” tanong niya sabay turo sa building ng kompanyang pinapasu
“Ang ganda mo sana ano? Kung hindi ka lang maldita at palaban. Alam mo pakiramdam ko talaga kahit sino kaya mong patumbahin sa isang suntok lang.”Mabilis akong napahinto sa paglalakad patungo sa locker nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad na naningkit ang aking mga mata nang makita si Leander na nakaupo sa maliit na couch ng staff room.“Anong ginagawa mo rito? Staff room ‘to. Bawal ka rito.” matapang na sambit ko sa kaniya.Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na hindi ako kinakabahan. Lalo na kami lang dalawa rito ngayon. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.“Baka nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kompanyang ito. Kaya kahit saang parte ng buong lugar na ito ay puwede kong puntahan.”Tsk. Ang yabang! Ang pangit naman ng accent niya kapag nagtatagalog. Nagtutunog conyo hindi naman taga-
Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.”Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.