“Hello, Miss waitress. What a pleasant morning to see you here!” huminto si Leander sa pagsasalita at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. He smirked as he directly looked into my eyes.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Felize kaya bumaling ako sa kaniya sandali.
“Iyan diba yung pogi na bumusina sa atin kahapon? Omg, bakit kaya siya nandito?”
I scoffed when I heard Felize’s tone of voice changes. Felize isn’t like this normally. This is not my friend. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko siya nang malakas sa braso para magising siya sa katotohanan na hindi naman guwapo ang lalaking ito. Antipatiko! Iyon ang mas tamang term na gamitin. At higit sa lahat, mayabang at peste sa buhay.
Humarap ako kay Leander na nakadungaw sa bintana at nginitian nang ubod nang peke.
“It’s nice to see you too. You’re working here?” tanong niya sabay turo sa building ng kompanyang pinapasu
“Ang ganda mo sana ano? Kung hindi ka lang maldita at palaban. Alam mo pakiramdam ko talaga kahit sino kaya mong patumbahin sa isang suntok lang.”Mabilis akong napahinto sa paglalakad patungo sa locker nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad na naningkit ang aking mga mata nang makita si Leander na nakaupo sa maliit na couch ng staff room.“Anong ginagawa mo rito? Staff room ‘to. Bawal ka rito.” matapang na sambit ko sa kaniya.Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na hindi ako kinakabahan. Lalo na kami lang dalawa rito ngayon. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.“Baka nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kompanyang ito. Kaya kahit saang parte ng buong lugar na ito ay puwede kong puntahan.”Tsk. Ang yabang! Ang pangit naman ng accent niya kapag nagtatagalog. Nagtutunog conyo hindi naman taga-
Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.”Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at naghilamos ako bago ako lumabas ng banyo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Leander na nakasandal sa pader ng banyo sa labas. Huminto ako sandali at bumaling sa kaniya. I bit my lower lip because I’m still hesitating if I’m going to thank him or not. Aaminin ko, kung hindi siya dumating baka nabastos na ako nang tuluyan kanina. Pero hindi ko alam kung bakit simpleng thank you lang hindi ko pa masabi sa kaniya.“Okay ka na?” tanong niya sa akin.Yumuko naman ako sandali at muling nag-angat nang tiningin bago tumango sa kaniya.“Did you cry?” he asked. Ang kaniyang atensiyon ay nakabaling sa aking mga mata.Umiling naman ako.“No. Hindi. Naghilamos lang ako.” sagot ko naman saka umiwas nang tingin.Tumango naman siya at saka tumalikod na. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero bahagya akong nagulat nang makitang naghanap l
“I’m glad you’re safe.” aniya saka marahan akong binitawan.Nang bumaling ako sa lalaking humablot ng phone ko ay nakita ko itong nakadapa na sa sahig habang pinoposasan ng mga guwardiya ng Mall.“Ano ba naman ‘yan. Nakakatakot, kahit sa loob ng mall mayroong snatcher.” dinig kong sabi ng isa sa mga costumer ng mall. Ang ilan naman ay ilag na ilag na mapadaan sa kinaroroonan ng lalaki dahil sa takot dito.Nasapo ko ang aking noo ng aking palad at napapikit nang mariin dahil nakaramdam ako ng hilo. Hinawakan naman ni Leander ang braso ko para maalalayan ako.“Are you okay?”Kahit na hindi ako okay ay nagawa ko pa ring tumango sa kaniya.“You’re lying.”Nag-angat ako nang tingin at tumitig sa kaniya. Bakit nga ba siya nandito? Paano niya ako nakita? At isa pa, bakit niya ako niligtas? Nagkataon lang ba ang lahat?“Ate!”
“I’m not joking, Leah.”Natigilan naman ako sa pagtawa sa sinabi ni Leander. Matagal akong napatitig sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kung hindi ko pa narinig na tumikhim si Papa ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin.“Ah, anak. Hindi pa ba tayo kakain?” alanganing tanong sa akin ni Papa.Si Leander naman ay agad na bumati kay Papa nang makita niya itong nakadungaw sa pintuan ng kusina.“Naku, pasensiya na po sa abala sa inyo. May ibinalik lang po ako kay Leah. Aalis na rin po ako.”Umayos naman ako sa pagkakatayo at ngumiti kay Papa at tumango. Naroon naman sina Mama at mga kapatid ko sa kaniyang likuran, pare-parehong nakasilip ang mga ito sa amin.“Aalis? Walang aalis.” ani Papa saka naglakad patungo sa amin. Lumapit ito sa akin at agad akong inakbayan.“Gabi na hijo at maghahapunan na kami. Dito ka nalang kumain tutal narito ka na rin at isa pa, marami-ra
“Problema mo?” curious na tanong sa akin ni Felize habang naglalakad kami patungong labasan. Buong akala ko ay siya lang ang nakatingin sa akin habang panay ako sa pagsipa ng mga bato sa daan. Si William din pala ay kanina pa nakamasid sa akin at sa ginagawa ko.Nang tumingin ako sa kanilang dalawa ay agad akong ngumiti.“Wala naman akong problema. Bored lang.”Napataas naman ang isang kilay ni Felize nang marinig ang sagot ko. Habang si William ay bahagyang natawa.“Bored? Hindi ko alam na nag-e exist pala iyang word na ‘yan sa vocabulary mo.” ani William saka umiling.“Sa dami mong trabaho, may gana ka pa talagang ma-bored ha.”Nagkibit-balikat naman ako. As the one who mastered the art of lying, siyempre hindi talaga iyon ang nararamdaman ko. Kaya ako nagkakaganito ay dahil hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Leander sa akin noong Sabado ng gabi. Lu
“Grabe, sis! Totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Felize.I rolled my eyes at her and nodded for the third time.“Gagi, seryoso nga?”Sa pagkakataong iyon ay inirapan ko na siya. Paulit-ulit lang? Kanina ko pa sinabi sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Pero hindi naman siya natinag sa ginawa. Inalog pa niya ang katawan ko.“Ano ba?!” reklamo ko saka mabilis na hinawi ang kaniyang dalawang braso na nakahawak sa akin.“Sis, sinusubukan ko lang na alugin ang utak mo kasi baka nananaginip ka lang.” seryosong sambit niya.Muli ay sinamaan ko siya nang tingin. Ginawa pa ako nitong sinungaling. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pagbabalak na panliligaw sa akin ni Leander. Wala talaga sa plano ko ang sabihin sa kaniy
“Alam mo, mag-drive ka nalang. Bilisan mo, dahil male-late na ako.”I can’t deny the fact that my heart reacted the way I shouldn’t be. Kung bakit ba naman kasi biglang tumitibok nang ganito kalakas ang puso ko. Nakakainis. Pakiramdam ko tuloy crush ko siya kaya ganito ako mag-react ang puso ko.“Think about it, Leah.”Pilit akong ngumiti sa kaniya at saka umirap.“Bigyan mo ako ng oras, huwag kang nagmamadali.”“Valid for seven days lang ang offer ko sa’yo.”Tumaas ang kilay ko. Ano ‘yon, load na valid for seven days? Seryoso ba siya? Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong offer.“Eh kung nagmamadali ka naman pala, edi sana naghanap ka nalang ng ibang papasok sa’yo bilang sekretarya.”“I might. Masyado nang maraming trabaho na nakabinbin sa opisina ko. Kailangan ko na nang makakatulong sa pag-aasikaso ng mga iyon at isa