"DO EVERYTHING YOU CAN TO STOP THE RUMOR ABOUT ADEE SEBASTIAN. And if you can trace, give me the name of the person who spread it out. As soon as possible. You know what I can do, Mr. Sevilla.""Opo, Sir."***"TARA NA PO SA SASAKYAN KAMAHALAN." Sinalubong ni Sir Vladimir si Adee na palabas na ng palasyo.Maganda ang araw at papasok na sa trabaho si Adee. Tinitigan niya si Vladimir at naalala niya ang nangyari sa opisina.Ayaw niyang lalo pang lumala ang problema, ayaw niyang may ibang taong madamay."Uhm... Sir Vladimir, kung pwede lang po wag niyo na lang po muna akong ihatid at sunduin sa trabaho." Nag-aalangan si Adee sa sasabihin niya. Ayaw niyang ma-misinterpret ni Vladimir ang gusto niyang sabihin. Pero hindi rin naman niya masabi ang totoong dahilan."Pero Mahal na Prinsesa, ito po ang utos ng Mahal na Reyna." Nagulat at nagtataka si Vladimir sa sinabi ni Adee."Alam ko po pero... please po. Kahit dalawang linggo lang.""Prinsesa, mahirap pong sundin ang gusto niyo. Baka may m
"ADEE, I HEARD FROM MR. VLADIMIR. Bakit hindi ka nagpahatid sa kanya kanina?"Sabay-sabay nagdidinner sila Adee, Robin at Queen Helia. Halos mabilaukan si Adee sa tanong na iyon ng Reyna. Hindi niya inakala na sasabihin ni Vladimir sa Reyna ang tungkol sa nangyari nung umaga. Ang akala niya kasi ay itatago ito ni Vladimir at hahayaan siya nito na siya na mismo ang magsabi sa Reyna.Sinulyapan ni Adee si Robin, seryoso itong nakain."Uhm...Sorry po lola. Iniiwasan ko lang po kasi na may makakita sa akin na hinahatid at sinusundo ng magandang kotse. Kaya po… pinakiusapan ko si Sir Vladimir na wag na lang po niya muna ako ihatid sa trabaho." Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Adee. Nag-aalala siya na mamisunderstood ng reyna ang intensyon niya. Kahit na labis ang kanyang pag-aalala, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat niya sa kabutihan ng Reyna."Why Adee? May nangyari b
"ADEE!! Nasaan na ba yung pinapa-photocopy ko sa’yo? Kailangan ko na ‘yon!" "Andito na po..." Nagmamadaling nilapitan ni Adee ang lalaking kasamahan sa opisina. Dala-dala niya ang mga papel na inutos sa kanya na ipa-photocopy.Agad niya itong inabot sa katrabaho pero masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Nginitian na lang ito ni Adee. "Kukupad-kupad kumilos..." Bulong ng lalaki. Binalingan naman ni Adee ang isa pang katrabahong babae na nasa harapan lang niya."Joyce, ito na yung pinapaphotocopy mo..." mahinahong pagkuha ni Adee sa atensyon ng katrabaho. "O sige, ilapag mo na lang dyan." Tugon nito na hindi man lang tumingin sa kanya. Paalis na si Adee para bumalik sa kanyang lamesa ng tawagin siya ulit ng lalaki. Dali-dali ulit siyang lumapit dito. "Bakit? May ipapa-photocopy pa kayo?" Inosenteng tanong ni Adee. Magkasalubong ang dalawang kilay ng lalaki at halos umusok ang ilong nito sa galit."Ano ‘to?!" Itinaas niya ang mga papel ng ibinigay sa kanya ni Adee. Nagtatakan
'PATAY NA BA AKO?... SA GANUN NA LANG BA NATAPOS ANG BUHAY KO?..' "Miss Sebastian?!" Boses ng isang lalaki ang biglang narinig ni Adee. 'May tumatawag sa pangalan ko?...' "Miss Sebastian! Wake up!" Tawag muli nito kay Adee, pero sa pagkakataong ito ay sumigaw na ang lalaki sabay dabog sa lamesa. Napabalikwas ng tayo si Adee mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. ‘Huh? Nakatulog ba ako?’ Buong pagtataka niyang inilibot ang tingin sa paligid at lalo lang siyang naguluhan at hindi makapaniwala nang mapagtantong nasa opisina siya. Tinignan niya rin isa isa ang mga katrabaho at lahat sila ay nakangisi sa kaniya at tila pinagtatawanan at kinukutya siya ng mga ito sa kanilang isip. "Nananaginip lang ba talaga ako?" bulong ni Adee sa sarili kasabay ang pagkurot niya sa kaniyang kaliwang braso. Napangiwi siya sa sakit. Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nanaginip lang siya. "Miss Sebastian! You're sleeping during the office hours! Make an incident report and give it to me immediat
'TINAWAG NIYA AKONG KAMAHALAN?!' "Manong, Sorry ha? Pero nagkamali po yata kayo ng napuntahan. Hindi po ako isang prinsesa. I-try niyo na lang po sa ibang bahay..." Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay may kinuha ito sa bag niya. Isang maliit na kulay pulang kahon ng alahas. Ibinigay niya ito kay Adee. Dahan dahan na binuksan ni Adee ang kahon, kahit na may kutob na siya kung anong nasa loob nito. At tama nga ang iniisip niya. Nasa loob ng kahon ang lumang singsing na inihagis niya kanina. "Itinapon ko na ito kanina ah? P-Paano napunta sa inyo ito?" Hindi agad sumagot ang matanda sa halip ay nakatitig lang ito kay Adee na may kasiyahan sa mukha at mga matang halos mapuno ng luha. Biglang naantig ang puso ni Adee sa pagkakita sa ekspresyon na iyon ng estranghero na kausap. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa loob loob niya ay tila ba’y matagal na niya itong kilala. Hindi alam ni Adee kung bakit siya tinawag nito na prinsesa pero interesado siya sa kung ano mang sasabihin ng mata
"SI ADEE NAKITA NYO? HINDI BA SIYA PUMASOK NGAYONG ARAW?" Tanong ni JV sa mga katrabaho ng bumalik ito sa department nila. Si Joyce ang sumagot sa kanya. "Nandito siya kanina JV, pinatawag siya ni Manager Sevilla kanina. Ang tagal nga niya bumalik eh..." "Bakit daw?" "Ang narinig kong sabi ni Manager, may gustong kumausap sa kanya." Pacute pang ngumiti ito kay JV. "Sino kaya iyon?" Tanong ni JV sa sarili. Pero sinagot pa rin siya ni Joyce. "Baka pinapa forced resign na siya." Tinignan ni JV ito ng masama. Napangiwi si Joyce. "Nako, wag naman sana mangyari ‘yon! Ang sipag sipag ni Adee..." Nilapitan ni Joyce si JV. "Uhm JV, may lakad ka ba mamaya after work? Parang may maganda kasing movie na showing ngayon. Gusto ko sana manood kaso wala akong kasama." Todo ang pagpapacute nito kay JV. "Sorry Joyce, may kailangan akong asikasuhin mamaya. Iba na lang ang yayain mo" Sabay alis ni JV. Umupo na ito sa table niya at nag umpisa na magtrabaho. Asar na nakatingin si Joyce dito. "
MAGANDA ANG SINAG NG ARAW, MAALIWALAS ANG PALIGID. Maagang gumising si Adee para pumasok sa trabaho. Paalis na si Adee, ngunit nagulat siya sa taong bumungad sa kanya pagkabukas ng pintuan. Si Sir Vladimir. "Magandang umaga, Kamahalan." "Ano pong ginagawa niyo dito?" Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha ni Adee. "Pinapunta ako ng Mahal na Reyna para sunduin kayo." "Pero papasok pa po ako sa opisina. Hindi ako pwede umabsent ngayon." Ngumiti si Vladimir kay Adee. "Wag kayo mag-alala. Nagpaalam na ako kay Mr. Sevilla. Halina kayo Mahal na Prinsesa, naghihintay ang mahal na Reyna." Napakagat labi na lang si Adee. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumama, lalo na at utos iyon ng Reyna. Pero sa totoo lang ay ayaw niya pumunta muli sa palasyo. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon. Sumakay siya sa itim na kotseng sinakyan din niya noong unang beses siyang magpunta sa palasyo. Hindi maipinta ang mukha ni Adee. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit maaga siyang pina
"OH BRO! KAMUSTA? EMERGENCY BA?!"Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto."Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang naniningkit yang mga mata mo, I could tell that there's definitely something wrong." Komento ni Jaime na may halong pang-aasar sa tono.Naglabas si Robin ng kahon ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Jaime at nag hithit-buga lang ng usok."Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime na may malaki at mapang-asar na ngiti sa labi."Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Umpisa ni Robin habang nakatitig sa malayo."Yeah. Siya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna–"Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang order nila. Nang umali