Share

Torture

 

 

Corny, pero napabili si Limuel ng bulaklak at chocolate para kay Tala. Baka iwan niya na lang ito sa side table ng dalaga. Tinago ni Limuel ang regalo sa dalang backpack. Sa tanang buhay niya ay hindi siya naging ganito ka-cheesy. Sa mga past girlfriends niya, madalas sa sinehan o motel ang bagsak nila sa araw ng mga puso o araw ng mga puson para sa kanya. 'Yung gastusan niya ang babae ay sapat na, pero iba nga kasi si Tala. Asawa niya ito.

 

Sumikdo ang puso ni Limuel sa isiping asawa niya si Tala, hindi na siya napipikon gaya ng dati dahil hindi na bata ang tingin niya sa babae, kundi isang tunay at ganap na itong dalaga sa mga mata niya. Nasabik lalo tuloy siyang umuwi para makita ito at makasabay man lang maghapunan.

 

“…Nimuel ano ba! Bitiwan mo ako… ayoko! Ayoko!” ito ang narinig ni Limuel mula sa loob ng bahay. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niyang nakasandal sa dingding si Tala at pilit na nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Nimuel sa kanya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status