Share

Chapter 7 Destiny

Pagmulat ng mga mata ko kasabay din nun ang pagtatapos ng magandang panaginip. Nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ngunit mag isa lang talaga ako.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi siya mahagilap. Ilan sandali pa ay bumukas ang pinto. Panandalian lamang akong nasabik.

"Ate Klio anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Trixie. Masaya akong makita siya pero iba ang inaasahan ng puso ko. Bakit wala si Bria. Napatagal ba ang tulog ko kaya nainip na siya.

"Ate Klio nagkaroon ka ba ng amnesia? Nakalimutan mo bang bawal ka sa sea food?! Bakit mo naman nilantakan ang kamatayan?!"

"Ate Klio!" Bulyaw nito ng walang makuhang sagot sakin.

"Mahabang kwento, Trixie pero okay naman na ako. Huminahon ka na.."

"May kasama ba ako ng dumating ka, Trixie? Paano mo nalaman na andito ako?" Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol kay Bria at umaasa akong makukuha iyon kay Trixie.

"Tumawag ang hospital sakin kaya nagmadali agad ako..."

"Sinabi mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status