Share

Chapter 143 Alex & Amara

FOUR YEARS PASSED>>>

[KLIO BRIXTON]

"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin.

Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya.

"Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam.

Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin.

FLASHBACK>>>

"Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status