Share

Chapter 3 Reunion

[Bria Brixton POV]

It's been ten years. Wala na sakin ang lahat kaya hindi na dapat ako paapekto pa. Hindi na ako ang dating Bria na tinutukso dahil sa suot kong salamin at braces. Wala na ang lahat ng iyon. Binaon ko na sa limot pati siya.

"Ms. Bria. Ano pong desisyon mo?" nabasag ang ulap sa taas ng utak ko. Naglaho ang mga kataga sa langit. Should I face her or not?? Or maybe it's my turn now to get back on her. Should I make her life, suffer?? At least a bit. Klio Krixton, what happened to you in the past ten years? Why are you applying for a job? You are damn rich.

I couldn't stop myself from being interested to know more about her. Ano na nga ba siya ngayon?? Aside from wanting her to suffer, I want to make her fall for me and then dump her... Ang sarap siguro sa pakiramdam ang mapaibig ang isang katulad niyang straight sa isang katulad ko and then lalagapak siya ng bongga sa sahig kagaya ng pinaramdam niya sakin 10 years ago.

She doesn't suppose to accept my love but she doesn't need as well to disrespect me.. Baka ibinigay talaga ni God ang araw na to para sakin.. To finally do what I wanted these past years..

"Papasukin mo na siya, Fionna.." utos ko sa kanya.. Inikot ko ang swivel chair ko patalikod bago pa man makapasok si Klio.

"Good afternoon.." narinig kong bati niya.. I can still recognize her voice, not because of the happy moments but because of the humiliation, she did to me.

"Good afternoon too.." bati ko sa kanya kasabay ng pagharap ko. Nakita kong napitlag siya ng bahagya. It seems that she recognize me despite of my transformation from nerd into a gorgeous woman I can be.

"Have a sit, Ms. Krixton.." paanyaya ko ng ilan sandali ay nakatayo pa din siya.

"I'm so sorry tingin ko mali ako ng napasukang building.." alangang sabi nito. I chuckled deep inside. Naiilang ba siyang makita akong muli? It's been 10 years. She should have forget everything about that day by now.

"No! Maupo ka. You are in the right place.." there is no other escape, Klio. I won't let you run again.

"You are applying so do you have any experience being an assistant? I suppose you are the boss." Sambit ko kasabay ng pagtayo ko at paglapit sa kanya. I was looking straight into her eyes. Nakikita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple. Natutuyuan ba siya ng lalamunan sa mga oras na to? I can make it wet..

"Hindi na ngayon, Bria.. I mean Ms. Brixton.." tugon niya. She called me by my first name. Her eyes seem to be watery or hallucination ko lang yun. Lumapit ako lalo sa kanya. This time closer enough to hear the thump of her heart. Did I make her feel uncomfortable?

Bahagya akong tumungo para pagmasdan ang paggalaw ng kanyang suot na blouse sa kanyang dibdib. It really shows how nervous she was right now.

"Calm down, Klio. I won't bite you, but if you want me to, I can do that too.." ningitian ko siya ng nakakaloko. I love seeing her confining. Her lips are still the same. The habit of always biting her lips whenever she's nervous.

I always save her from other humiliation dahil mahina ang utak niya. I protected her for those times when I thought she was doing the same. I was wrong.. fooled by her action.. Should I do it to her then?

"Anyway, you got the position, Ms. Krixton.."

"Hindi mo pa ako naiinterview, Bria.. I mean Ms. Brixton so how come I'm hired for the position at wala din akong experience sa pagiging assistant ." I can see that she can't restrain herself from calling me by my first name as if we're very close as we use to be 10 years ago.

"Sabihin na nating kabayaran to sa nangyari 10 years ago if.. If you feel like you are sorry on doing that you will accept the position pero kung tama ako sa iniisip ko 10 years ago then pwede ka ng lumabas Ms. Krixton.."

Dalawa lang ang pwedeng maging sagot. 1st sobrang kailangan niya ang trabaho na to kaya tatanggapin niya kahit pa ang makatrabaho ako.

2nd she really are not sorry on what happened 10 years ago para magtrabaho sakin na parang walang nangyari..

Let's see what her true color is..

"Tinatanggap ko, Ms Brixton.. Wala ako sa lugar para mamili pa ng trabaho dahil kailangan na kailangan ko talaga ng kahit anong work ngayon pero gaya ng sabi ko wala akong experience sa pagiging assistant." I knew it. She will act like innocent again..

"That's not a problem Ms. Krixton! I can always guide you like I used to do way back.." makahulugang tugon ko.

"So you can start tomorrow, Fionna will train you sa lahat ng kailangan mong malaman.. Pwede ka ng lumabas kung wala ka ng mga katanungan pa."

[Narrator]

Naglalakad si Klio sa kawalan ng matapos siyang ibriefing ni Fionna. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong paraan niya muli makikita si Bria. It's been 10 years pero ganun pa din ang epekto ng dalaga sa kanya.

Madilim na ng makauwi ng bahay si Klio. Sa gate pa lang ay sinalubong na siya ng tatlo..

[Klio POV]

"Ate Klio! Anu? Anong balita?? Tanggap ka na diba?? Sabi ko naman sayo hindi ka na matatanggihan ng nag iinterview sa ganda mong yan.." bungad ni Troy na ikinangiti ko kasi sana nga un ang dahilan ni Bria para ihire ako. Sana ganun na lang kasimple yun pero hindi. Alam ko..

Alam na alam ko kung bakit niya yun ginawa.. She want me to suffer. Tikman ang sarili kong lason na sumira sa pagkakaibigan namin.

"Oo nga ate Klio! Yes tanggap ka na diba?" sunod naman na sabi ni Tofi at tumalon pa nga. Natutuwa akong makita sila. Nawawala sa isip ko ang kaninang eksena namin ni Bria.

"Kayong dalawa talaga. Tigilan nyu nga si Ate Klio.." awat sa kanila ni Trixie..

Pumasok na kaming apat sa loob ng bahay..

"Anu Klio tanggap ka naba?" tanong agad ni Tiya Lingga. Malamang ibinida ako ni Trixie na may interview ako ngayon. Wala sana akong balak ipaalam hanggat hindi pa naman sigurado. Plano kong wag na lang pumunta bukas at kalimutan ang mga nangyari ngayon. Kunwari hindi ko nakita si Bria. Isang panaginip lang pero sa mukha ni Tiya Lingga paano ko pa uunahin ang sarili kong kapakanan.

Sa palagay ko wala na akong takas sa pagkakataong ito.. Kailangan ko na talagang tanggapin na magiging boss ko si Bria.. Ngayon ko lang din nakita si Tiya Langgi na excited ng ganito. Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam.

"Opo tiya. Bukas po ako magsisimula.." alangang sagot ko at nag sigawan naman ang mga pinsan ko. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Tiya Lingga. Natuwa ako ng makita ko ang unang pagngiti niya ng dahil sa akin o dapat kong sabihin na dahil may magiging ambag na ako dito sa bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status