"Bago ka dito?" tanong sa akin ni Lita.
Nalaman ko ang pangalan niya ng minsang narinig ko si Ma'am Betina na tinawag ito para utusan.Sa laki ng mansion ay hindi kami nagkita kahapon lalo pa't minsan din pala siyang isinasama ni Madam sa opisina para utusan. Kaya ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magka-kilala.Sa unang araw ko kahapon sa mansion ay masasabi kong hindi naman mahirap ang mga gawain, since ina-assign kami ni Ma'am Betina sa kung ano ang gagawin namin para sa araw na yun. Halos lahat na din ng kasambahay at iba pang empleyado sa mansion na ito ay nakilala ko na.Maliban kay Lita, na mukhang ka-edad ko lamang.Mababait naman silang lahat at hindi ako nahirapang pakisamahan silang lahat."Ah, oo Rara nga pala." pagpapakilala ko."Lita." simpleng sagot nito at itinuloy na ang pagwa-walis ng bakuran habang ako naman ay nagdi-dilig ng halaman. "Disin-nwebe ka lang, tama?" tanong nito pagka-lipas ng ilang saglit. Tumango ako bilang tugon."Ako naman, bente na. Galing din akong probinsya, buti na lang nai-offer sa akin ito ni Ma'am Betina kaya pumasok na rin ako. Bata ka pa a, maganda ka pa...pero bakit mo naisipang pumasok bilang kasambahay?" itinigil nito ang ginagawa at humarap sa akin.Ganun din ang ginawa ko, itinigil ko ang pagdi-dilig bago sagutin si Lita. "Para namang may choice ako, sa hirap ng buhay sa probinsya kailangan kong dumiskarte para kumita ng pera. Hindi na din kaya ni Tatay ang gastusin sa bahay, tapos may sakit din si Nanay kaya kailangan ding bumili ng gamot niya."Actually may choice naman ako at yun ay tulungan si Tatay sa gastusin sa bahay kaysa ang ipag-patuloy ang pag-aaral."Kaya noong, nabanggit ni Ate Mia sa akin ang trabaho sa company nila Madam, nag-apply na din ako. E, kaso wala ng hiring dun mabuti na lang at naghahanap ng katulong si Madam dito sa mansion. Kaya kinuha niya ako." paliwanag ko dito na tahimik lang na nakikinig.Napatunayan ko na mabait talaga si Madam pati na rin ang asawa nito na si Sir Leandro."Mabait talaga yang si Madam at Sir ang kaso mukhang di yun namana ng anak nila." kwento ni Lita.Anak?Nung naglilinis ako ng sala ay nakita ko ang portrait ng pamilyang Vasquez, nakita ko doon ang larawan ni Madam at Sir kasama ang isang lalaki na sa hinuha ko ay nasa early thirties ang edad. Dahil din naman ako ma-tanong na tao ay hindi ko natanong kung may anak ba si Madam.Isa pa hindi ko pa nakikita ang lalaki, simula kahapon at pati ngayon. Siguro may pamilya na ito kaya hindi na ito umuuwi sa mansyon. Pero sa laki ng mansyon na 'to pwedeng dito na sila tumira ng asawa niya."A-Anak, ayun ba yung kasama nila sa portrait?" itinuro ko pa ang sala dahil sa kuryosidad.Lumapit sa akin si Lita at mahinang binulong ang sasabihin niya. "Oo, sa tagal ko dito siguro kapag may okasyon lang pumupunta dito, yang sir Conrad."C-Conrad?Pangalan pa lang ang hot na!Sabagay, may itsura naman si Sir Leandro at Madam. Base na rin sa nakita kong larawan nito ay masasabi ko na gwapo nga ang lalaki.Talaga ba? Rayne? Nagawa mo pa siyang purihin, samantalang hindi mo pa naman siya nakikita."Sir Conrad? Baka may pamilya na kaya bihira ng umuwi dito." saad ko.Curious din akong malaman kung may pamilya na ba ito.And I swear, hindi ko alam kung bakit ko gustong malaman yun.Kunot-noo akong tinignan ni Lita. "Bakit mo naman naisip na may asawa na sir? E, sa sobrang bait ng mga magulang niya, siya namang sama ng ugali niyang si sir Conrad. Kaya, boto ako na walang tumatagal na babae dun."Masama ang ugali?Red flag sign sa isang lalaki!"Paanong masama ang ugali?" my gosh bakit di ko maitago ang kuryosidad sa boses ko.Mukhang di naman ito na-halata ni Lita at nag-kwento lang. Sa saglit kong nakilala ang dalaga ay masasabi ko na madaldal din ito at parang di nauubusan ng chismis.In short, may pagka-Maritess din itong si Lita."Jusko! Alam mo ba madalas ko naririnig sila Sir Leandro at Sir Conrad na nagtatalo dahil sa talas ng bibig niyang si sir Conrad. Aba! kahit business partner pa nila ito wala siyang patawad. At kung ano ano ang sinasabi dito. Pero siguro kasi kasalanan din naman nung business partner nila kaya nakapag-salita si sir Conrad ng ganun. Napaka-liit din kasi ng pasensya niyang si sir." pagku-kwento ni Lita.A ruthless man!Baka naman kasi may kasalanan din yung business partner nila kaya nakapag-salita ang lalaki ng hindi maganda dito.Bakit ko ba siya pinagtatanggol?Hayst! Rayne tumigil ka!"Isa pa, magaling yang si sir Conrad mag-handle ng business nila kaso hindi ng babae. Aba! kahit sikat na model o artista pa yan! Basta kapag pinagsawaan niya, iiwan niya na lang bigla." pagpa-patuloy nito.A playboy!Another red flag sign.Kapag mayaman at may itsura ka talaga, lahat talaga ng gusto mong gawin magagawa mo e."Tapos na ba kayo sa pagchi-chismisan n'yong dalawa, a?" natigil kami sa pag-uusap ni Lita ng marinig ang boses ni Ma'am Betina."M-Ma'am Betina." na-utal pa ako sabay tingin sa ginang.Hindi namin namalayan ni Lita ang oras dahil sa pag-uusap naming dalawa kaya ayun ang naabutan ni Ma'am Betina."Pumasok na kayong dalawa at maghahanda pa tayo para sa panang-halian." si Ma'am Betina at dumiretso na ito papasok sa mansyon.Nagkatinginan kaming dalawa ni Lita, ngumiti at sumunod na kay Ma'am Betina. Hindi ko alam na ang simpleng pag-uusap pala namin na yun ay mauuwi sa malalim na pagka-kaibigan."[Opo, Tatay okay lang po ako sa trabaho ko ngayon. Mababait po ang mga amo ko.]" kwento ko kay Tatay.Ngayon lang kasi ako nagka-roon ng pagkakataon na maka-tawag sa kanila. Nag-text lang ako kay Riri -ang bunso kong kapatid na may trabaho na ako at bihira na lang maka-katawag sa kanila. Na-kwento ko rin na hindi ako nagta-trabaho bilang janitress kundi bilang isang kasambahay."[Siguraduhin mo lang na okay ka, anak at kung hindi ay umuwi ka na lang dito sa probinsya. Ako na lang ang magta-trabaho para sa pamilya natin.]" may pag-alala sa boses ni Tatay.Kaya nga ako nag-trabaho para kahit papaano makatulong din ako sa kanila. Kung pwede nga ay ako na lang ang magta-trabaho e.Kaso alam ko din na hindi papayag si Tatay, lalo pa at hindi siya sanay na walang ginagawa. Kaya lang sana, wag na siyang masyadong magpa-kapagod sa pagta-trabaho.Hindi na rin naman siya bumabata pa."[Tatay, okay lang po talaga ako, wag po kayong mag-alala sa akin. At kung pwede po Tatay, wag na kayong masyadong magpa-kapagod sa pagta-trabaho. Hayaan niyo po kapag naka-sweldo na ako ipapadala ko po diyan sa inyo.]"Nag-usap pa kami ni Tatay ng kung ano-anong bagay, nakausap ko rin si Nanay kaso sandali lamang at kailangan niya na ring magpa-hinga. Alam ko ayaw ni Tatay sa trabaho at ayaw niyang mag-trabaho ako pero ayun lang kasi ang magagawa kong paraan para makatulong sa kanila.Nang matapos ang pag-uusap namin ni Tatay ay nag-paalam na rin ako, gabi na rin kasi at kailangan niya ring magpa-hinga.Totoo pala na kapag busy ka sa ginagawa mo, hindi mo namamalayan ang pag-lipas ng oras. Hindi ko namalayan na naka-isang linggo na rin pala ako dito sa mansyon.Minsan di rin ako makaramdam ng pangungulila dahil na rin sa palaging pag-uusap namin ni Lita. Magkasundong-magkasundo kami sa lahat ng bagay, may pagkakataon nga na siya pa ang nagku-kwento sa akin ng mga bagay na hindi ko alam. Tulad na lang sa mga hindi ko pa alam dito sa mansyon.May sariling condo daw si Sir Conrad kaya hindi ito umuuwi ng mansyon, may pagka-independent din daw ang lalaki kaya mas gusto nitong tumira sa lugar na siya lang mag-isa. Ayaw niya din kasing pina-pakialaman ng kanyang mga magulang.Magte-trenta na si Sir Conrad pero buhay binata pa rin ito at mukhang wala pang balak magkaroon ng sariling pamilya. Madalas kasing mag-lasing at mag-liwaliw ito kasama ang mga kaibigan. Kaya kumuha ng condo upang walang magba-bawal sa kanya.Sa kabila naman ng puro negatibong ugali na sinabi ni Lita tungkol kay sir Conrad may mga ugali din naman itong maganda.Mas importante pa rin dito ang pag-aasikaso ng negosyo nila na pinag-hirapan ng magulang niya. At hindi man maganda ang ugali nito sa ibang bagay, base sa kwento ni Lita mahal na mahal ni sir Conrad ang mga magulang niya.Ano kayang itsura ni sir Conrad sa personal?Rayne!Bakit gusto mong makita, sir Conrad?Aba! alalahanin mo mas matanda siya sa iyo!Papasa na siyang Kuya mo or worse is pwede na siyang Tito mo!"Jusko! Rayne, tigilan mo na nga pag-iisip sa lalaki na yun. Alalahanin mo amo mo siya! tsaka mas matanda siya sayo ng ilang taon." kahit ako kini-kilabutan sa kung ano man ang naiisip ko.Kaysa isipin pa si sir Conrad ay nag-pasya na lamang akong matulog at kailangan ko din gumising ng maaga kinabukasan."Bakit ba kasi sinama mo pa ako dito, Lita? E, ikaw lang naman ang sinabihan ni Madam na dalhin yung files na naiwan niya sa mansion. Alam mo namang madami din akong ginagawa sa mansyon. Kailangan ko pang mag-grocery." giit ko kay Lita.Tumawag kanina si Madam sa mansyon na naiwan nito ang files at ipina-pahatid ito kay Lita. E, ang kaso naisipan naman akong isama ni Lita sa company ni Madam.Kahit na sinabi ko na may gagawin pa ako, nag-paalam pa siya kay Ma'am Betina at pumayag naman ang ginang sa kadahilanang pagkatapos namin pumunta sa company nila Madam ay di-diretso kami sa grocery store para bilhin ang mga kailangan sa mansyon."Ito naman, samahan mo na ako, minsan lang e. Tsaka pumayag naman si Ma'am Betina e. Ayoko na kasing pumunta dito ng mag-isa, isa pa ayaw mo nun masasamahan din kita sa pag-grocery." at naglakad na papasok ng elevator at pinindot ang tamang palapag kung saan ang opisina ni Madam.Ano pa nga bang magagawa ko?E, andito na kami.Nang makarating sa 20th floor ng building ay dalawang pinto ang nakita ko doon, hindi ko alam kung alin dun ang opisina ni Madam. Ang pinaka-malaking opisina ang nasa gitna at ang isa ay nasa gilid nito.Sa gilid tumungo si Lita kaya naman sumunod ako, ng akmang kakatok na siya ng pinto ay hinawakan ko ang kamay niya. "Dito na lang ako sa labas mag-iintay, ihahatid mo lang naman yang files." saad ko at tumango siya bilang tugon. At kumatok muna bago buksan ang pinto.Hindi ko nakita ang loob ng opisina ni Madam dahil hindi rin naman ako tumingin doon at nasa gilid lamang. Habang naghi-hintay kay Lita sa labas ay biglang bumukas ang pinto sa may gitna kung saan hinuha ko na iyon ang pinaka-malaking opisina sa palapag na iyon. Naka-sarado din kasi ang binds nito kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob.Nakita kong lumabas ang nagku-kumahog na si Ate Mia habang inaayos ang skirt nito, nakita ko din ang medyo nalukot nitong damit. Dahil sa busy siya sa pag-aayos ng sarili habang may dalang folder ay hindi niya ako napansin sa gilid kaya tinawag ko ang atensyon niya. "Ate Mia!"Kunot-noo akong tinignan ni Ate Mia, may pagtataka."R-Rara? Anong ginagawa mo dito?"Lumapit ako sa kanya."Hi, Ate Mia, naiwan kasi ni Madam yung files niya kaya naman hinatid namin dito ng kasama ko din sa mansion."Tumango ito at saglit na tumingin sa nilabasan niyang pinto."Ah, ganun ba. Sige mauuna na ako sa'yo may gagawin pa kasi ako." saad nito at nagma-madaling sumakay ng elevator.Gusto ko pa sana siyang kausapin, dahil matagal na din kami hindi nag-uusap ngunit parang nagma-madali siya. Isa pa gusto ko din malaman kung, bakit ganun ang itsura niya pagkagaling doon sa pinto na iyon.Hindi naman sa pagiging chismosa or what pero concerned lang naman ako.Pero mukhang marami talagang aasikasuhin si Ate Mia kaya siya nagma-madali.Marami pa namang pagkakataon para mag-kamustahan e."Hoy! Bakit tulala ka diyan?" tapik sa akin ni Lita. Hindi ko alam na kanina pala ako nakatulala at malalim ang iniisip, hindi ko tuloy namalayan ang paglabas niya sa opisina ni Madam.Umiling ako. "Wala, ano tara na?" at nauna na sa kanyang maglakad, nanatili lamang siyang naka-sunod sa akin.Nang makarating kami sa supermarket ay kaagad na din naming binili ang mga ipinapabili sa amin ni Ma'am Betina. Marami-rami din iyon mabuti na lang at naka-sulat na ang mga bibilhin namin. At kasama din namin si Kuya Tasyo ang isa sa mga driver sa mansion para matulungan kami sa mga pinamili namin."Dami naman nitong pinapa-bili ni Ma'am Betina, akala mo okasyon. Samantalang, kaka-grocery lang kahapon." reklamo ni Lita habang itinutulak ang push cart.Humarap ako sa kanya habang hawak ko ang listahan ng mga bibilhin namin."Sa tingin mo kaya may bisitang dadating? Kasi sabi mo nga wala namang okasyon. E, bakit andami nitong pinapa-bili sa atin?""Aba, malay ko, kapag may okasyon lang kaya ganito ka-dami kung mag-pabili si Ma'am Betina. Kaso, mukhang wala namang espesyal sa araw na ito." saad nito at itinulak na ang push cart.Siguro, wala naman.Baka nagkataon lang o kaya naman para may stocks lang sa mansion."Alam mo tama ka siguro, baka nga may dadating na bisita si Madam, kasi di ba kahapon..." sinadya pang bitinin ni Lita ang sasabihin, kasalukuyan kaming pauwi na ng mansion dahil tapos ng mamili ng may ma-alala si Lita. "Di ba kahapon, ipina-linis yung mga kwarto sa taas. Baka dahil nga yun sa may dadating silang bisita ngayon at sa mansion sila mag-i stay."Kahapon nga ay naka-toka sa aming gawin ang pagli-linis ng kwarto sa itaas ng mansyon. Akala ko dahil lang yun para ma-maintain ang kalinisan ng silid ngunit dahil pala iyon sa may bisita silang dadating."At isa din sa nilinis ko ay ang kwarto na tinutuluyan ni Sir Conrad kapag sa mansion ito tumutuloy. Hindi kaya uuwi si sir Conrad mamaya?" out of nowhere na tanong ni Lita ng may ma-alala.Uuwi si Sir Conrad?Makikita ko na si Sir Conrad, mamaya?Pero, bakit kinakabahan ako? Samantalang makikita ko lang naman siya, hindi naman ako makikipag-usap sa kanya."H-Hindi ko alam, baka nga.... siguro." tanging nasambit ko kinakabahan pa.Mabuti na lamang at hindi nahalata ni Lita ang kaba sa boses ko. At hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol doon. Ngunit may biglang tanong na sumagi sa isip ko, yung nakita kong mukha ni Ate Mia simula ng lumabas siya sa pinto kung saan malapit lang sa opisina ni Madam."Lita." tawag atensyon ko dito."Bakit?""Yung isang opisina doon, malapit sa opisina ni Madam yung nasa gitna. Kanino yun?" pinanatili kong casual ang boses ko.Tinignan ako saglit ni Lita."Ah, ayun ba? Kay sir Conrad yun, bakit nakita mo ba si Sir doon?""H-Hindi na-curious lang ako, kaya ko natanong."saad ko na at tumango lang si Lita.How I wish, na makita ko doon si sir Conrad.Rara! Bakit ganyan ka mag-isip?Jusko!Pero, ano daw? Kay sir Conrad yun?Anong ginagawa doon kanina ni Ate Mia?My gosh! malamang employee doon si Ate Mia, ano ba namang iniisip mo, Rara?Baka may pinag-uusapan lang sila tungkol sa architecture or something.At hindi mo kailangan malaman yun.....****************"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa." kaagad na salubong sa amin ni Ma'am Betina noong makauwi kami galing sa pag-grocery. Mukhang kanina pa kami, inaantay ni Ma'am Betina kaya ito nasa pinto ng mansyon."Pasensya na po Ma'am Betina, medyo natagalan din ako sa pag-abot ng files kay Madam, at mahaba din ang pila sa supermarket." si Lita habang bitbit ang ilan sa mga pinamili namin.Bitbit ko din ang iba at nag-patulong na din kami kay Kuya Tasyo dahil sa dami naming binili. Mukhang nga may importanteng okasyon dito sa mansyon mamaya kaya napaka-rami namin pinamili.Inisa-isa ni Ma'am Betina ilabas ang mga pinamili namin ni Lita."Kailangan nating mag-handa dahil dadating ang mga business partners at ilang kamag-anak ni Madam at Sir Leandro ngayon." I knew it!May bisita nga sila, ilang kamag-anak at mga business partners nila . Siguradong malaking pagsa-salo ito."M-Mga kamag-anak at business partner po? Sa mansyon po ba sila mag-stay lahat?" curious na tanong ko.Oo malaki ang
"How was your chill out last night?" tanong ni Madam sa mga pamangkin niya.Yes, pamangkin.Ito lamang kasi at ilang kaibigan nito ang nagpa-iwan kagabi, kaya sa mansyon na ang mga ito natulog. At ngayon nag-aalmusal sila ng sabay-sabay, isa ako sa nag-aasikaso sa kanila. Nang matapos kasi ako sa pagli-ligpit ng mga pinag-kainan sa garden kagabi ay pinayagan na kami ni Ma'am Betina mag-pahinga.Hindi na rin namin nagawa pang mag-usap ni Lita tungkol sa nangyari kagabi dahil na rin sa siya ang naka-toka na pag-silbihan ang mga naiwang bisita nila Madam. At pareho na rin kaming pagod kaya mas gusto na lang naming mag-pahinga."It was fun, Tita. I hope there will be a next time." may excitement sa tono ni Abby, habang kumukuha ng pagkain. Alam kong medyo hindi maganda ang impression niya sa akin dahil na rin, isa siya sa taong hindi maganda ang tingin sa akin.Yung tipong wala naman akong ginagawa sa kanya ay masama na kaagad ang loob niya."Yes, Tita I really hope there will be a next t
"Oh, iho hindi ko alam na dito ka pala umuwi kagabi. Are staying for good?" tanong ni Madam kay sir Conrad habang nag-a almusal sila. Dahil gabi na dumating si sir Conrad ay hindi nakita nila Madam ang pag-uwi nito. Akala rin siguro ng mga ito na uuwi si sir Conrad sa condo nito. Saglit na tumingin si sir Conrad sa kanyang ina bago ibinalik sa pagkain."Maybe." simpleng tugon nito.Nakita ko ang ginhawa sa mata ni Madam, parang mas gusto niya na dito na talaga mag-stay si sir Conrad dahil na rin sa hindi na nila ito nakakasama. Isa pa nag-iisang anak lang si sir Conrad kaya nalulungkot sila dahil hindi pa nila ito kasama."That's good to hear, son. Why?....Are you getting bored living alone?" sabad sa usapan ni Sir Leandro na parang may gustong ipaka-hulugan sa huli nitong tanong.Nakita ko ang pag-igting ng panga ni sir Conrad at hindi sinagot ang kanyang ama. Mukhang napansin ito ni Madam. "Ang gusto lang sabihin ng papa mo ay, wala ka pa bang balak mag-asawa? Son, you are not gett
"Hayst! Anong oras na ba?" napa-tayo ako mula sa pagkaka-higa upang silipin ang oras sa aking cellphone.It's already 4am, sobrang aga pa kumpara sa gising ko na 5am dahil kailangan ng mag-asikaso nun ng pang-agahan. Hindi ko alam kung maaga lang ba talaga ako nagising o hindi talaga ako naka-tulog. Hindi kasi mawala sa isip yung narinig ko kahapon, at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isipin 'yun.Ano naman sayo Rara kung may relasyon nga sila?Isa pa buhay yun ni sir Conrad at nasa tamang edad na siya para magka-relasyon.At kung si Ate Mia nga iyon, ano naman sayo?Nasa tamang edad na rin si Ate Mia at wala namang masama kung magkaroon man sila ng relasyon ni sir Conrad.Upang mawala ang pag-iisip ko tungkol doon ay nag-pasya na lamang ako lumabas upang mag-jogging dahil paniguradong hindi na rin naman ako makakatulog pang muli. Saktong pag-balik ko mamaya ay maghahanda na ako ng umagahan at baka gising na rin si Ma'am Betina.Madilim pa ang kalangitaan ngunit alam kong sa
"Kung hindi ko kaya sila nakita, higit pa kaya doon ang pwedeng mangyari?"Isang linggo na, simula ng makita ko sila Ate Mia at Sir Conrad sa ganoong sitwasyon sa loob ng opisina. Kung dati ay nagkaka-tagpo kami ng landas ni Sir Conrad kahit iniiwasan ko siya. Ngayon ay lahat ng paraan upang hindi kami magkaroon ng interaksyon sa isa't-isa ay ginawa ko na. Hindi ko alam, kung bakit kailangan ko siyang iwasan pagkatapos nun. Samantalang hindi naman niya alam na nakita ko silang dalawa ni Ate Mia. Di rin kasi maganda yung naramdaman ko, after kong makita yun.Dapat nga maging masaya ako dahil, finally may jowa na si Ate Mia at mukhang matutupad na yung pangarap ni Madam na makapag-asawa na si Sir Conrad.Pero, bakit parang di ako masaya?Bakit kumi-kirot yung dibdib ko habang naiisip na may karelasyon na si Sir Conrad?'Selos ka nu'?'Selos? Ako nagse-selos, bakit?E, wala naman kaming relasyon ni sir Conrad. Hindi kami pwede magkaroon ng relasyon, katulong lang ako at siya ang amo 'k
"Ilang beses ba ako makaka-saksi ng ganung eksena?"What a playboy!Naalala ko ang kwento ni Lita tungkol sa pagpa-palit palit ng babae ni sir Conrad na akala mo nagpa-palit lang ng damit.Ganun ba talaga ka-sama ang ugali niya?Kung tama ang hinala ko na hindi alam ni Ate Mia na niloloko siya ni sir Conrad. Panigurado masasaktan siya, hindi niya alam marami pa pala silang pinagsa-sabay ng lalaki na yun!Gustuhin ko man na balaan siya, baka malaman pa niya na nakita ko sila nun ni sir Conrad sa loob ng opisina. Mas nakakahiya yun pag nagkataon.'Siguro naman, hindi mo na sila problema di ba?'Tama!Siguro naman aware si Ate Mia sa relasyon na pinasok niya. At totoo ba yung hinala ko na may ibang ka-halikan si sir Conrad.Tsaka malay ko ba, na baka si Ate Mia yun hindi ko lang na-recognize kaagad yung boses dahil na rin sa malayo ako at hindi ko na nagawa pang alamin.Natigil ako sa pag-iisip ng mag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng bedside table. Gabi na pero hindi ko pa rin magawan
From: RiriAte kapag na-receive mo 'to. Tawagan mo 'ko, kaagad.Nagha-handa na ako ng pag-alis ng mansyon, nang mag-vibrate ang cellphone ko sa text ni Riri. Nag-decide na 'kong umalis ng mansyon, kahit na hindi pa sapat ang ipon ko. Akala ko magtatagal ako dahil mababait naman ang mga tao na nakasama ko dito kaso may isang tao talaga na sisira nun -si sir Conrad.Hindi ko alam kung bakit napaka-init ng ulo sa akin ni sir Conrad at galit na galit siya. Samantalang, wala naman akong ginagawa sa kanya. Siguro nga sadyang masama lang talaga ang ugali.Mabuti na lamang at hindi na ako hinanap pa nila Ma'am Betina, gabi na rin naman. Iisipin lang nila na nagpa-pahinga lang ako, ayokong makita nila na umiiyak ako. Gagawa na lang ako bukas ng dahilan kung bakit aalis ako. Ayoko ng humaba pa ang usapan, patungkol doon.Nang maramdaman ko na wala ng tao sa labas ay nag-pasya akong lumabas para tawagan sila Riri. Kinakabahan kasi ako e, iniisip ko na baka may problema kasi hindi naman magte-t
"I'm sorry, and I mean it this time." sincere na sabi ni sir Conrad.Mean it this time? So yung nang-hingi siya ng tawad noong nakaraan hindi siya sincere? Iba talaga ang ugali ng lalaki na 'to.Mukhang nabasa niya ang naisip ko."Not that I don't mean the last time humingi ako ng sorry sayo. Maybe I really went too far. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo 'ko kaagad pero sana mapatawad mo ko."Feel ko talaga sincere siya sa pag-hingi ng tawad sa akin, pero wala e nasaktan ako kaya di ko kayang mag-patawad kaagad. Kung sana ay iniisip niya lang ang sinasabi niya, edi sana hindi siya nakaka-sakit.Pero bakit hindi pa rin tumitigil sa pag-tibok ng mabilis yung puso ko?Hayst! Wala 'to, siguro kinakabahan lang ako kasi nasa harap ko sir Conrad.Nakita ko na binabasa ni sir Conrad ang reaction ko ngunit pina-natili ko ang walang emosyon na mukha bago tumango."G-Gusto niyo po bang kumain? Ipaghahanda ko po." iniba ko ang usapan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Sir Conr