"Edi hindi ka na talaga babalik dito? Doon na kayo titira sa La Castellana?" Tanong saakin ni Sandra nang bumisita s'ya sa condo ko sa Manila. Kahapon pa kami nakaluwas dito at ngayong umaga dumating si Sandra. Tulog pa ang sila Gianna at Gideon kaya kaming dalawa ni Sandra ang magkatulong sa paggawa ng agahan."Bibisita rin kami paminsan-minsan dito, nandito din naman ang ibang business ni Gideon." Sabi ko sa kanya. Bigla n'ya namang hinampas ang braso ko. "Intrimitida ka talaga, buti nalang ayos na kayo 'no? Happy ka na ulit!" She said and smiled at me. Bahagya akong napatawa at tinanguan s'ya. "Masaya ako noong kayo lang ang kasama ko, mas lalo nga lang akong sumaya nang magkaayos na kami ni Gideon..." I said. "You know what Sandra? You're right, lahat ng sinabi mo saakin noon at lahat ng advice...Lahat 'yon tama at hindi ako nagsisising sinunod ko. Ngayon masaya na ako kasama si Gideon at Gianna." "And I'm happy that you're happy..." She uttered and held my hand. "Rox, you ar
"Bakit hindi mo pinansin iyong nag-iisang anak ng Fabrejas?" Napatingin ako kay mommy nang tanungin n'ya nalang ako bigla matapos kong seryosong sundan ng tingin ang batang babaeng iyon na sa tingin ko kasing edad ko din naman na halos malukot ang mukha sa pagkasimangot nang hindi ko pansinin matapos kaming ipakilala sa isa't isa ng mga magulang namin. I blinked. "Mukhang masungit," wala sa sarili ko nalang na nasabi na s'yang ikinailing ng mga magulang ko saakin. "Hindi masungit ang batang iyon, Gideon. Mas matanda ka lang doon ng isang taon. Napakalambing ng batang iyon, mabait at maganda." Oo nga... Malambing nga, lalo na ang boses. Mabait naman talaga at maganda...sobra. "Hayaan mo na, Louisa. Kilala mo naman ang anak mo, halos lahat ata ng babae ay iniiwasan n'yan. Umiiwas din ang babae sa kanya dahil akala ay laging may galit sa mundo ang itsura." Nakuhang biro pa ni daddy bago bahagyang ginulo ang buhok ko. I licked my lips as I look at 'that girl' again. She's so fine. S
"Make sure to collect your classmates' papers before lunch and bring them to the faculty.""Yes, ma'am," I said as our professor turned away from me and exited the classroom.I licked my lips unconsciously and looked around at my classmates, who were busy answering their quizzes.Ito na ang last class namin sa umaga at may urgent meeting ang mga professor and as the classroom president, tungkulin kong siguraduhing maayos na matatapso ng mga kaklase ko ang quiz bago lumabas ng classroom para mananghalian.Bumalik ako sa upuan ko at tahimik lang na naupo doon."Did you hear the news, Roxana?" Mahinang bulong saakin ni Cleofa na s'yang katabi ko.Tingnan ko s'ya at napansin kong nakatakip na rin ang papel niya at mukhang tapos na kaya bumabaling na saakin para dumaldal."What?" I asked.Nang-aasar ako nitong tiningnan. She chuckled and put the tip of her finger on my nose, slightly poking it."
"Rox!""Ha?" Tugon ko kay Cleofa nang malakas nito akong tawagin.Kumunot ang noo niya t'yaka pinaglaruan ang lollipop na subo-subo. "Malalim iniisip mo, ah? Nagkukuwento ako dito, hindi ka naman nakikinig." Tunog pang nagrereklamo n'yang sabi.I sighed. "Ano bang kinukuwento mo?""Hmph! Hindi ka nakinig eh, ayoko na ulitin! Ang haba kaya ng sinabi ko t'yaka mag-ta-time na. 'Di bale sasama ka ba sa'kin mamayang uwian? Deretso tayo ng Bistro. Diba nasabi ko na sa 'yo noong nakaraan? Birthday ni Jam, mayaman 'yun kaya manlilibre daw." Bahagya pang humahagikhik matapos sabihin ang pangalan ng boyfriend n'ya.Napatampal ako sa noo nang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. "Ngayon ba 'yon? Akala ko sa susunod pang araw..."Tumaas ang kilay ni Cleofa t'yaka kinalabit ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. "Ay ineng, h'wag mong sabihin saaking hindi ka sasama? Oo, ngayon 'yon!"Nakokonsensya tuloy akong na
Malayo ang tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan na maghahatid saakin pauwi.Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Lofranco na ihatid n'ya ako pauwi. Basta ang alam ko lang ay ilang ulit akong tumanggi sa kanya. Sinabi kong mag-aantay ako ng tricycle na s'yang madalas kong sinasakyan pauwi saamin.Naiinis pa nga ako sa pangungulit niya pero siya naman itong hindi tumigil. Ilang ulit ko ding ibinabalik sa kanya ang jacket n'ya pero hindi n'ya tinatanggap. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya kaya mas pinili kong h'wag nalang pansinin habang nag-aantay ng tricycle nguni't kumakagat na ang dilim, wala pa'rin.Lofranco didn't leave the school; he patiently waited for me. At hindi ko alam kung bakit n'ya iyon kailangan gawin.Then he suddenly asked me again. Sabi n'ya ihahatid n'ya nalang daw ako, magdidilim na rin daw. I said no again, motorcycle kase ang sasakyan. Hindi ako sanay na sumakay sa motor, takaw aksidente iyon k
"May bagong student daw." Bulong ni Cleofa nang makabalik kami sa classroom, katatapos lang ng flag ceremony."Oo nga, meron." Sabi ko sa kanya. "Kahapon ko lang din nalaman na may transferee, sinabi sa'kin ng adviser natin.""Oh? Ang bilis naman kumalat ng balita. Narinig ko lang sa labas 'yung tungkol sa transferee, eh. Ang sabi galing din daw sa isang mayamang pamilya dito sa La Castellana." Umayos s'ya ng upo."Ang rinig ko pa nga maganda raw, nasa flag ceremony yata kanina. Hindi ko naman nakita... Ikaw ba may nakita kang bagong mukha sa bawat pila kanina?"Umiling ako at nagkibit-balikat. "Hindi naman lahat ng mukha dito sa school kilala ko."Umismid siya saakin at bahagyang natawa. "Tanga, ibig sabihin ko s'yempre sa tagal mo nang SSG president kahit sabihin kong hindi lahat ng mukha dito sa school kilala mo alam mo naman sa sarili mo kung pamilyar o hindi! 'O eh may nakita ka bang hindi pamilyar na mukha kanina
"Wala ka bang practice sa majorette ngayong month? Next next month na ang intrams, diba?" Tanong Cleofa saakin.Inayos ko ang gamit ko. Tapos na ang klase namin ngayong araw at parehas silang nagpasiyang sasama saakin para manood ng practice. Out of nowhere nga ang pagyaya ni Imperial kanina matapos malamang may practice ako ngayong araw."Meron next month pa, mga third week siguro next month. Kailangan ko kasing munang kumuha ng special exam, alam mo naman 'yon." Sabi ko.Kailangan kong kumuha ng special exam lalo pa at may mga araw o linggong hindi talaga ako nakakadalo ng klase. May mga activities kasi akong dahilan kung bakit lagi akong wala.Tumango s'ya. "'E, sa competition? May balita ka bang ngayong taon ay magkakaroon ka ng tournament?"Napalabi ako. "Wala pa, hindi ko pa nga nakakausap si coach. Hindi rin naman s'ya tumatawag saakin."We're talking about the rhythmic gymnastics tournament. Last year ay
"So we needed a place where we could have our group study and at the same time gagawa rin tayo ng research paper at presentation..." I said.Napatingin saakin ang apat kong group mates. Nagkaroon kasi kami nitong activity. Research paper at sa isa pang subject ay may presentation naman kami. Gladly same group lang ang kailangan sa dalawang subject na iyon."P'wede namang saamin," Marylou suggested."Isn't your house a bit too far? I mean, if sa inyo, mapapalayo kami. Malayo masyado 'yung house n'yo sa house namin." Anang naman ni Sheena.Nagkatinginan kaming tatlo nila Cleofa at Imperial. Siguro kami lang ang walang issue dito sa kung saan talaga p'wedeng magkaroon ng group study. But, Sheena and Marylou's parents are a bit strict.Well, I have a group of geniuses here. Pero tama nga naman, medyo malayo rin kasi ang kayna Marylou.I played my lips with my fingers habang hinihintay pa ang mga desisyon nila.