Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Nanlamig ang buong katawan n'ya sa takot at paulit-ulit na tanong na why ang umalingawngaw sa isipan n'ya. Pinaandar n'ya ang sasakyan n'ya at pinaharurot ito papunta sa hospital. Halos hindi na lumalapat ang gulong ng sasakyan n'ya sa kalsada sa bilis ng takbo n'ya. "Wait for me, hold on please, Babe. Papunta na ako." Sunod-sunod ang pagtulo ng luha n'ya. "Mali ako I'm sorry. Sobrang mali ako, ang tanga ko babe I'm sorry!" Humagulgol s'ya ng iyak at napasigaw pa sa sobrang sikip ng dibdib n'ya. Nanlalabo ang mga mata n'ya dulot ng luha pero wala s'yang pakialam dahil mas gusto n'yang makarating agad sa hospital. Galit n'yang pinindot ang busina ng sasakyan n'ya para makalusot agad sa trafic. Pero syempre hindi sa lahat ng pagkakataon na yun sa kanya ang kalsada dahil naabutan s'ya ng trafic. "Shit!" Pinalo n'ya ang manibela ng sasakyan n'ya..Para s'yang mababaliw na kung maari sana hingiin na lang n'ya ang pang-uunaw
Lipad sa US kasama n'ya si Dominic Brason, pinsan n'ya sa ama, at maasahan n'ya sa lahat ng problema n'ya. Sa loob ng eroplano na sinakyan nila, naka VIP sila at panay ang atupag nito sa laptop. S'ya naman, mugto ang mga mata sa iyak, pagsisisi na parang ikakalugmok na rin ng katawan n'ya."Ilang buwan mo ngang nakasama si Marga? Ay may isang taon na no?" tanong nito habang abala sa laptop."Bakit mo natanong?""Nagtataka lang ako, bakit hindi mo inalam talaga ang background n'ya?"Pumikit s'ya para ibsan ang mugto ng mga mata n'ya. Napagod na rin kasi ang mga talukap n'ya dulot ng emotion. Sobrang mahal n'ya ang babae tapos nawala na lang sa kanya ng isang iglap dahil sa katangahan n'ya. "Inalam ko, unang apply n'ya sa kompanya ko," sagot n'ya."And? Hindi mo alam ang pagiging McKenna n'ya?" "Legit kasi lahat ng records n'ya, mag-isa lang s'ya, at walang ibang Margarette Napag sa file na nakuha ko maliban sa kanya. Margarette Napag na nag-iisang anak ni Maricar Napag, single mom.
"Give me until tomorrow, magpapatawag ulit ako ng meeting about this lebaraging thing. Don't worry guys kaya natin to and that's all for now." Heilan dismissed the meeting. Sumabay sa kanya si Cindy paalis ng building. Pagpasok nila sa sasakyan, nagpakawala s'ya nang malalim na hininga. Si Cindy naman nagsalita, "Gusto kong paimbestigahan itong El Griege, just give me your permission, Heilan.""Mukhang kumilos ka na on your own kaya nagkaroon ka na ng idea so what's the use of my permission then?" bara n'ya dito sa hindi n'ya sinasadyang paraan ngunit dahil mataas ng pride n'ya, he won't say sorry. "I just want to know the CEO is," sabi naman nito habang s'ya naman umaktong nonchalant about what she was saying. Pinaandar na lamang n'ya ang sasakyan at agad itong minaneho. Kaya minsan, hindi n'ya masisisi ang sarili n'ya kung bakit anong pilit n'ya sa sarili n'yang gustuhin itong si Cindy ay hind n'ya magawa dahil kumikilos na walang permiso n'ya. He wasn't thankful kung bakit may a
"Griege!" Napasunod ang paningin n'ya sa lalaking halos madapa-dapa na lumapit sa bata at binuhat ito agad. "Lagot tayo nito sa mommy mo. You okay? Are you hurt?" Iyak na umiling ang bata at tinuro s'ya. "Am just scewd, he's mad." Bumalik ang inis n'ya na nagdulot sa kanya ng tiim-bagang na pagtayo. Tumingin pa sa kanya ang lalaki taas-baba, animo'y nagulat pa nang makita ang mukha n'ya at bumusangot kalaunan. "You almost hit him," sumbat nito sa kanya. "So where's my car supposed to pass, on the side of the road? Is this a playground for children to run around?" bara n'ya. Natamimi naman ito pero visible pa rin ang inis sa mukha. "Dapat nagpreno ka. Hindi yung saka ka nagpreno kung kelan mababangga mo na," bara din nito at sinamaan pa s'ya ng tingin. Nakabuka s'ya ng labi, dahil mukhang s'ya pa ang sisisihin kahit nasa tamang daan naman s'ya. "I did, can't you see? Sadyang tàngà ka lang na magulang." Aangal sana ito, pero nagtaas s'ya ng kamay dahilan na napahinto ito sa balak s
Sa sobrang galit hinawi ni Cindy lahat ng gamit sa ibabaw ng desk n'ya. Kasalukuyan s'yang nasa opisina n'ya pero nasa loob ng mansion nila. Galit na galit s'ya dahil nakikipaghiwalay na naman si Heilan sa kanya. Kahit kailan talaga, kahit hindi na nagpapakita ang babaeng yun sa kanila, hindi pa rin yun makakalimutan ni Heilan. Kahit anong gawin n'ya hindi bumabalik ang pagmamahal ni Heilan sa kanya. Dahil sa isiping yun kinuha n'ya ang flower vase at hinagis ito sa pader. Nabasag ito ay nagkanda-hiwahiwalay ang mga parte. "That was my only mistake! It was only one time, why can't you give me a chance? Why is it still her!"Tinutukoy n'ya ay ang iniwan n'ya dati si Heilan. Nangyari yun bago pa dumating si Margarette sa buhay nito. Iniwan n'ya ang lalaki kasi akala n'ya hindi s'ya mabubuhay, hindi naman n'ya akalain na mayaman pala ito.Katulad ni Margarette, tinago rin ni Heilan ang pagkatao nito sa kanya noon. Naging kasabayan n'yang intern ang lalaki sa Branson din, nagmahalan sil
Sobrang lakas ng tibok ng puso n'ya habang inaabangan itong dumaan sa kinaroroonan n'ya. Nagtago lang muna s'ya para hindi nito makita at pinagmasdan ito sa classy attire; pang-opisina ang pang itaas nitong kulay puti at fitted ang black skirt nito na talagang kumukurba ang magandang hubog ng katawan. Sabik na sabik na talaga s'yang mayakap ito pero shempre hindi n'ya pa rin nakakalimutan ang kasalanan n'ya dito noon. Ang totoo nga n'yan hindi n'ya alam kung paano ito lapitan. Hindi n'ya alam kung paano humingi ng sorry. Kuyom na kuyom ang kamao n'yang namamawis pa ang palad n'ya. Sa kabila nang malakas na pagkabog ng dibdib n'ya, pansin naman n'yang napadukot sa bag ang babae at napagtanto nga n'yang may tumatawag sa phone nito. Hindi pa nito naisasara ang sasakyan at habang nakikipag-usap ito, pinanuod n'ya habang tumatango, bumalik naman ito sa loob ng sasakyan. Bumuka ang bibig n'ya na parang gusto n'yang sumigaw ng teka pero anong magagawa n'ya? Naisara na ng babae ang sasaky
Namilog ang mga mata ni Margarette nang marinig ang sinabi ng anak. "Griege?!" Napatingin s'ya kay Denwell na kasama nyang magpalaki sa bata. Agad itong nagtaas ng dalawang kamay. "I'm sorry he heard it with someone else at tumatak sa isipan n'ya ang linya. I can't stop him." Binalingan n'ya ang anak n'ya. "Griege, don't say that again okay?""Why?" tanong naman ng bata. "Because that's bad!" rason n'ya at sinamaan ng tingin si Denwell. "Next time kasi wag mo na s'yang ilapit sa maraming taong alam mo namang bad influence ang iba." Nagpatunog ito ng dila at huminga nang malalim. "Wala namang ibang naka-encounter yan with you fücking shìt line kundi the one who made him.""What?" Kinabahan s'ya sa awtomatikong kutob n'ya. "You know who made him," sabi naman nito. "Of course me," naiilang nyang sagot. "You can't create him alone," asar pa nito. Napalunok s'ya at umiwas ng tingin. Shempre ama ni Griege ang tinutukoy n'ya. Ang lalaking sinumpa n'yang naging parte ng buhay n'ya. "P
Pagkatapos kumain nila Margarette, bumalik na s'ya sa El Greige building kasama ni Denwell at Griege din. Malakas na ang kompanya n'ya, dahil sinadya n'ya itong palakasin na talagang pabor na pabor sa mga tao. Pero ang main goal talaga n'ya ay pabagsakin ang kompanya ang dati nyang asawa. Simpleng ngiti lamang ang itinugon nya sa kanyang mga impleyado. Sapat na yun kasi para matuwa ang mga ito sa kanya bilang amo. Ayaw n'ya kasing gayahin si Heilan na noon ay masungit sa ibang impleyado ng Branson. Kapag binabati, hindi ito nagreresponse. Saglit lamang doon sila Griege and Denwell. Gusto lang naman sya makasama ng bata na kumain ng agahan. Hiniram kasi ito ni Denwell sa kanya at ngayon lang binabalik. Ngunit dahil may trabaho sya sa opisina nagpasya na lang si Denwell, na ihatid ito sa mansion nila kasama ng ama niya. Nang mag-isa na lang sya sa opisina at ang dalawang sekretarya nya ay nasa labas lang ito. Bali isang malaking opisina iyon at nahati lang sa dalawa. Lalabas s'ya sa