"You are two weeks and two days pregnant, Mrs. Branson, Congratulations!" "Talaga?!" Labis ng tuwa na nararamdaman n'ya nang marinig n'ya yun. Napatayo s'ya bigla sabay kuha ng pregnancy test sa kamay ng doctor. "Buntis ako? Matutuwa ang asawa ko nito!"Napangiti ang doctor sa kanya na parang sinasabayan din ang tuwa n'ya. "Sigurado ako katulad n'yo po, maganda o gwapo rin ang maging anak n'yo." Ngumiti s'ya sa doctor. "Shempre hehe, ang gwapo kaya ng asawa ko. Kaya baliw na baliw ako dun e. Thank you doc! Sobrang saya ko talaga ngayon.""At masaya akong may nakikitang babaeng masaya dahil maging ina na s'ya." Dala n'ya ang saya na 'yon nang lumabas s'ya ng hospital. Pagpasok n'ya sa loob ng sasakyan, tinitigan n'ya muli ang pregnancy test na may dalawang pulang guhit. Dinikit n'ya 'yon sa dibdib n'ya na parang niyayakap at napapikit na huminga pa ng malalim. "Babe, may surpresa ako sa'yo, for sure matutuwa ka."Nakilala n'ya ang asawa n'ya sa mismong kumpanya nito, sa kabila ng
Luhaan si Marga nang talikuran n'ya ang opisina. Sa loob ng elevator, doon n'ya binuhos ang sama ng loob n'ya. Ang lalaking minahal n'ya, kahit nakuha lang n'ya sa madaling paraan ay red flag pala. Kunsabagay nagpa-cute lang naman s'ya, naging makulit at malambing, tapos ang lalaki naman ay kumagat sa kanya agad...★★★Flashback★★★"Don't worry sir, marunog akong magwalis at maghugas ng baso na pinagkapihan n'yo. Okay lang po sa akin kung ako magtapon ng basura n'yo." Ngumisi s'ya. "Sisipagin ko din po magpalit ng mga pen n'yo sa penholder and of course, pwede akong tagapunas ng pawis."Natawa ito sa mga sinabi n'ya. "Ms. Napag hindi yan ang trabaho ng sekretarya." "Ang ibig kong sabihin sir, extra service." "Ahh...extra service...may ganun ka pala," pamimilosopo nito. "Shempre sir ganun dapat pagsipsip ka."Pasimple s'ya nitong tinuro at napahawak sa baba. "So aminado kang sipsip ka?""Kahit sipsipin pa kita sir," loko n'yang sabi at napabulanghit ito ng tawa. "Masaya ka na sir ta
Mahigpit na napakuyom ng kamao si Heilan sa galit nang pirmahan ni Margarette ang annulment paper. Hindi man lang nagtanong kung bakit n'ya nagawan yun at basta na lang pumirma. "I told you, she will seize the opportunity," singit ni Cindy sa malalim ng pag-iisip n'ya Hinawakan s'ya nito sa balikat sa malambing na paraan. "For sure ang irarason n'ya, para makuha ang simpatya ng lahat is, she was betrayed by you. Hindi ka n'ya mahal Heilan, kasi kung oo, nagmakaawa sana s'ya sa'yo para hindi mo s'ya iwan. Our plan works."Ginalaw n'ya ang balikat para maalis ang kamay nito at dumistansya. "You've done your part, you can leave now."Napabuntunghininga itong sinundan s'ya nang tingin na umupo sa upuan n'ya. "So ganun na lang? After using me palayasin ako?""You suggested me to do this and it works so I think thank you but not thank you, kasi tuluyan kaming nasira imbis na naayos sana," bara n'ya rito. Cindy scoffed. "Aren't you grateful? Kung hindi dahil sa ginawa mo hindi mo nalaman
Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Nanlamig ang buong katawan n'ya sa takot at paulit-ulit na tanong na why ang umalingawngaw sa isipan n'ya. Pinaandar n'ya ang sasakyan n'ya at pinaharurot ito papunta sa hospital. Halos hindi na lumalapat ang gulong ng sasakyan n'ya sa kalsada sa bilis ng takbo n'ya. "Wait for me, hold on please, Babe. Papunta na ako." Sunod-sunod ang pagtulo ng luha n'ya. "Mali ako I'm sorry. Sobrang mali ako, ang tanga ko babe I'm sorry!" Humagulgol s'ya ng iyak at napasigaw pa sa sobrang sikip ng dibdib n'ya. Nanlalabo ang mga mata n'ya dulot ng luha pero wala s'yang pakialam dahil mas gusto n'yang makarating agad sa hospital. Galit n'yang pinindot ang busina ng sasakyan n'ya para makalusot agad sa trafic. Pero syempre hindi sa lahat ng pagkakataon na yun sa kanya ang kalsada dahil naabutan s'ya ng trafic. "Shit!" Pinalo n'ya ang manibela ng sasakyan n'ya..Para s'yang mababaliw na kung maari sana hingiin na lang n'ya ang pang-uunaw
Lipad sa US kasama n'ya si Dominic Brason, pinsan n'ya sa ama, at maasahan n'ya sa lahat ng problema n'ya. Sa loob ng eroplano na sinakyan nila, naka VIP sila at panay ang atupag nito sa laptop. S'ya naman, mugto ang mga mata sa iyak, pagsisisi na parang ikakalugmok na rin ng katawan n'ya."Ilang buwan mo ngang nakasama si Marga? Ay may isang taon na no?" tanong nito habang abala sa laptop."Bakit mo natanong?""Nagtataka lang ako, bakit hindi mo inalam talaga ang background n'ya?"Pumikit s'ya para ibsan ang mugto ng mga mata n'ya. Napagod na rin kasi ang mga talukap n'ya dulot ng emotion. Sobrang mahal n'ya ang babae tapos nawala na lang sa kanya ng isang iglap dahil sa katangahan n'ya. "Inalam ko, unang apply n'ya sa kompanya ko," sagot n'ya."And? Hindi mo alam ang pagiging McKenna n'ya?" "Legit kasi lahat ng records n'ya, mag-isa lang s'ya, at walang ibang Margarette Napag sa file na nakuha ko maliban sa kanya. Margarette Napag na nag-iisang anak ni Maricar Napag, single mom.
"Give me until tomorrow, magpapatawag ulit ako ng meeting about this lebaraging thing. Don't worry guys kaya natin to and that's all for now." Heilan dismissed the meeting. Sumabay sa kanya si Cindy paalis ng building. Pagpasok nila sa sasakyan, nagpakawala s'ya nang malalim na hininga. Si Cindy naman nagsalita, "Gusto kong paimbestigahan itong El Griege, just give me your permission, Heilan.""Mukhang kumilos ka na on your own kaya nagkaroon ka na ng idea so what's the use of my permission then?" bara n'ya dito sa hindi n'ya sinasadyang paraan ngunit dahil mataas ng pride n'ya, he won't say sorry. "I just want to know the CEO is," sabi naman nito habang s'ya naman umaktong nonchalant about what she was saying. Pinaandar na lamang n'ya ang sasakyan at agad itong minaneho. Kaya minsan, hindi n'ya masisisi ang sarili n'ya kung bakit anong pilit n'ya sa sarili n'yang gustuhin itong si Cindy ay hind n'ya magawa dahil kumikilos na walang permiso n'ya. He wasn't thankful kung bakit may a
"Griege!" Napasunod ang paningin n'ya sa lalaking halos madapa-dapa na lumapit sa bata at binuhat ito agad. "Lagot tayo nito sa mommy mo. You okay? Are you hurt?" Iyak na umiling ang bata at tinuro s'ya. "Am just scewd, he's mad." Bumalik ang inis n'ya na nagdulot sa kanya ng tiim-bagang na pagtayo. Tumingin pa sa kanya ang lalaki taas-baba, animo'y nagulat pa nang makita ang mukha n'ya at bumusangot kalaunan. "You almost hit him," sumbat nito sa kanya. "So where's my car supposed to pass, on the side of the road? Is this a playground for children to run around?" bara n'ya. Natamimi naman ito pero visible pa rin ang inis sa mukha. "Dapat nagpreno ka. Hindi yung saka ka nagpreno kung kelan mababangga mo na," bara din nito at sinamaan pa s'ya ng tingin. Nakabuka s'ya ng labi, dahil mukhang s'ya pa ang sisisihin kahit nasa tamang daan naman s'ya. "I did, can't you see? Sadyang tàngà ka lang na magulang." Aangal sana ito, pero nagtaas s'ya ng kamay dahilan na napahinto ito sa balak s
Sa sobrang galit hinawi ni Cindy lahat ng gamit sa ibabaw ng desk n'ya. Kasalukuyan s'yang nasa opisina n'ya pero nasa loob ng mansion nila. Galit na galit s'ya dahil nakikipaghiwalay na naman si Heilan sa kanya. Kahit kailan talaga, kahit hindi na nagpapakita ang babaeng yun sa kanila, hindi pa rin yun makakalimutan ni Heilan. Kahit anong gawin n'ya hindi bumabalik ang pagmamahal ni Heilan sa kanya. Dahil sa isiping yun kinuha n'ya ang flower vase at hinagis ito sa pader. Nabasag ito ay nagkanda-hiwahiwalay ang mga parte. "That was my only mistake! It was only one time, why can't you give me a chance? Why is it still her!"Tinutukoy n'ya ay ang iniwan n'ya dati si Heilan. Nangyari yun bago pa dumating si Margarette sa buhay nito. Iniwan n'ya ang lalaki kasi akala n'ya hindi s'ya mabubuhay, hindi naman n'ya akalain na mayaman pala ito.Katulad ni Margarette, tinago rin ni Heilan ang pagkatao nito sa kanya noon. Naging kasabayan n'yang intern ang lalaki sa Branson din, nagmahalan sil