Share

Chapter 72

Chantria

Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan.

Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa.

I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila.

Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab.

Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain.

At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status