34
Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.
Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu
Punong puno ng mga maharlika ang buong hall sa Seradia Castle. Lahat sila ay sabik nang makita ang pagdating ng bagong bisita ng kastilyo.Samantalang ang hari at reyna ay prenteng nakaupo sa trono pero gaya ng mga bisita nila na nasa loob ng hall ay nasasabik rin sila sa pagdating ang inaabangang bida ng kanilang pagtitipon-tipon.Dahan dahang bumukas ang pintuan kaya natahimik ang lahat. May ibang tumigil muna saglit sa pagkain at pag-inom ng mga mamahaling alak.Halos lahat ay namangha nang makita nila ang isang maganda at misteryosang babae na iniluwa ng malaking pintuan. May mga suot itong magagandang palamuti kaya naging mabigat at makapangyarihan ang impresyon nito sa mga bisita. Pero sa kabila 'non ay nabighani naman sila ng maamong mukha nito. May kasama rin itong mga dalawang babae na nakayuko.Nag-umpisa na
01Asul na asul ang dagat at kumikinang kinang pa ito dahil sa sinag ng araw.
02
03
04
05
06Kasalukuyang nakadungaw kaming dalawa ni Ciela sa bintana. Habang ang mga kasama naman namin ay sinasanay sa paggamit ng mga sarili nilang mga mahika.Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa."Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"Napakunot noo