Share

“I WISH YOU WERE HERE”

“ANG mabuti pa siguro umuwi na tayo,” upang maputol o matapos na ang usapang iyon ay pinili kong iyon nalang ang sabihin.

“Seriously?” ani Calum na nakataas ang isang kilay na nagtanong sa akin. Hindi pa nakuntento sa ganoon ang kaibigan ko. Binigyan pa niya ako ng meaningful look.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. At sa huli ay sumang-ayon rin naman ako sa kanya sa parteng iyon. Mahimbing ang tulog ni MJ at tiyak na magigising at maiistorbo ang tulog nila kung masusunod ang gusto kong mangyari.

Pumasok na ako sa loob ng bahay pagkatapos niyon. At dahil nga napasarap ng husto ang tulog ni MJ ay sinuggest ni Lana na kinabukasan na kami umuwi. At dahil nga wala naman akong nakikitang masama roon ay pumayag ako.

“Bakit ba hindi ka nalang dito tumira, Sam?”

Si Lana iyon. Nasa kusina kami at kasalukuyang naghahanda ng hapunan.

Maang akong napatitig sa kanya.Ang totoo, sinusukat ko kung seryoso ba ito sa sinabi o nagbibiro lang.

“Seryoso ka?” ang hindi makapaniwala kong tanong.

Tum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status