Share

Chapter 7

7

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala, napagod na yata ang mga mata ko sa pag iyak.

Pumasok si Sabel kanina upang linisin ang kalat doon. Alam kong tiningnan niya ang itsura kong nakahiga sa kama kung kaya't tinabunan ko na lamang ang sarili ng kumot. Tahimik lamang siyang nilinis ang kalat at wala ring lingong lumabas ng silid.

Nagising na lamang ba ako para maranasan ang mga ito? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lamang ako... Ayoko ng danasin ang mga ito.

Naging hudyat iyon upang bumangon sa kama.

Humahangos akong pumasok sa banyo, wala akong makitang maaaring gagamitin sa aking gagawin. Napatingin ako ng matagal sa bathtub na naroroon. Sinimulan ko itong punuuin ng tubig.

Hindi na... Ayoko na... Tama na... Hindi ko na kaya itong mga pananakit nila... Mas mabuti pang mamatay na lamang ako...

Hinayaan kong mapuno ng tubig ang bathtub saka lumubog doon. Mas mabuti pang mamatay na lamang ako...

"ANDRINA! DAMN IT! "

Siya na naman iyon... Ang halimaw na iyon. Ayoko na... Ayoko na...

"Shit, I'm sorry. I'm sorry... Please, don't do this... " Mahinang tinig iyon ni Xavien.

Pagkatapos marinig iyon ay hindi ko na alam kung anong nangyari...

"Xavien! Tarantado ka talaga! Ano na naman itong ginawa mo?!"

Pagkamulat ay bumungad sa akin ang galit na galit na si Dr. Rowan. Sinuntok nito si Xavien, hindi lamang umilag ang lalaki at pinabayaan siyang saktan ng doktor.

Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa...

"Nabigla lamang ako." Iyon lamang ang lumabas sa bibig ni Xavien pagkatapos siyang bugbugin ng doktor.

Ano na namang palabas ito?

Napatingin ako sa paligid at sa sarili. Ngayon ko lamang nakita ang swerong nakalagay sa akin.

"Andrina..." Malamig na tinig ng doktor bago lumapit sa akin. Nakatingin lamang din sa akin si Xavien. Agad kong naalala ang ginawa niya sa akin...

"Hindi ka na niya sasaktan dahil doon ka muna magpapagaling sa bahay ko. " May pinalidad sa boses ng doktor. Wala rin naman akong magagawa kung kaya't tiningnan ko na lamang siya.

"You can't do that Rowan." Tutol ni Xavien.

"Yes, I can. Sabel, pack her things. Aalis na kami ngayon. This is for you Xavien, kaibigan mo ako at hindi ko hahayaang may magawa ka na namang maling bagay. Kung gusto mong gumana ang plano mo, aalisin mo rito sa bahay mo si Andrina. Huwag kang mag alala, hindi ko papatakasin ang magaling mong asawa." Malamig na sabi ni Dr. Rowan at akmang hahawakan ako.

Agad ko namang inilayo ang sarili sa kanya at isiniksik ang sarili sa dulo ng kama.

"Tangina talaga Xavien! Napakagago mo! " Galit na sabi ng doktor pagkatapos ay may kinuha siyang gamot sa bulsa. Nasa panturok na iyon at itinurok sa aking swero.

"Pasensiya kana Andrina. Kailangan kong gawin ito." Mas lalo lamang akong natakot sa kanilang dalawa at akmang aalisin ang aking swero. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay nanlabo na namang muli ang aking paningin.

Nagising ako sa panibagong silid. Masakit man ang aking ulo ay pinilit kong bumangon.

"Naku ma'am baka ho mahilo kayo. " May lumapit sa aking isang babae. Sa tingin ko ay mas matanda pa ako sa kanya.

"Huwag kang lalapit... Sino ka? " Napahawak ako sa aking ulo dahil kumikirot iyon.

"Ako ho si Mila. Kasambahay po ako ni Sir Rowan. Huwag po kayong mag alala wala pong mananakit sa inyo rito." Malumanay niyang sabi.

"Gusto ho ba ninyo ng maiinom? "

Kahit pa may pag aalinlangan ay agad akong tumango.

"Ito po Ma'am Andrina. " Ngumiti siya sa akin.

"Salamat."

Iniinom ko iyon at muling ibinalik ang baso sa kanya.

"Tatawagin ko lang po si Sir Rowan. Bilin niya po kasing tawagin ko kaagad siya kapag nagkamalay na kayo."

Hindi na ako umimik at hinayaan siyang umalis. Nanatili akong nakaupo sa kama at hinintay ang doktor.

Maya maya pa ay pumasok na ito. Nagulat naman ako ng makitang may kasama pa siyang tatlong lalaki. Nangibabaw ang aking takot kung kaya't napausod ako sa dula ng kama.

"Calm down Andrina, hindi ka namin sasaktan rito." Napabuntong hiningang sabi ni Dr. Rowan.

"Damn man, Xavien really got it bad huh? " Iiling iling na sabi nung isang lalaking kasama ng doktor. Sa kanilang apat ay ito ang pinakamatangkad.

"You should rest more Andrina." Sabi pa nang isa. Siya naman ang may pinakamaraming tattoo sa kanila.

"She looks so bad Rowan. Sobrang nabaliw na ba si Xavien? " Napangiwing sabi nung huling lalaki. Mayroon itong kapansin pansin na matatalim na mata.

"Magpakilala kayo kay Andrina. " Utos ni Dr.Rowan sa mga lalaki.

"Everett." Sabi ng unang lalaki.

"Kyros." Taas kamay namang ngumiti sa akin ang lalaking may maraming tattoo.

"Emir." Sabi ng huling lalaki.

"Mga kaibigan kami ng asawa mo Andrina. Nakasama mo na kami dati..."

Pilit kong inalala ang mga mukha nila. Sumasakit na ang ulo ko sa kinaiisip kung kailan at saan ko sila nakita.

"Huwag mong piliting makaalala, darating ka rin doon. Baka makasama pa iyon sa iyo." Seryosong sabi ng Doktor.

"Bakit ba ako naririto? " Takot man ay nagtanong na ako sa kanila.

"Dito ka na muna hangga't baliw ang asawa mo." Buntong hininga ni Kyros.

"Bakit hindi pa niya ako ipakulong? Ano pa bang gusto niya? " Napahawak ako sa aking ulo.

"He wants you and your lover to suffer. 10 times ng ginawa mo sa kanilang mag ama. " Ngisi sa akin ni Emir.

"Huwag mong takutin si Andrina, Emir. Kaya nga siya naririto ay para magpagaling, hindi para ikaw naman ang mambully sa kanya." Saway ni Everett sa kaibigan.

"Why? She deserves it. " Kibit balikat ni Emir saka muling ngumisi sa akin.

"Tumigil na kayo. Kaya ko kayo pinapunta rito ay tulungan ako. Hindi para dumagdag sa isipin ko. We need to help Xavien and also Andrina." Napahilot sa sintido ang doktor.

"Well, wala akong matitirahan for 1 month so dito muna ako makikisiksik sa bahay mo Rowan." Sabi ni Kyros.

"Hindi naman niya tayo matatakasan rito. Marami ka rin namang tauhan sa labas, hindi ba? Isama pa ang mga alaga mong sina Chase at Malibu." Dagdag pa nito.

"Yeah. "

"Well, makakapunta punta naman kami ni Everett dito. May inaasikaso pa rin akong bussiness." Sabi naman ni Emir.

"Huwag mo ng isiping tumakas Andrina. Hindi ka naman namin sasaktan dito. Isipin mo na lamang ang pagpapagaling mo." Nakangiting sabi ni Everett sa akin. Napatingin lamang ako sa mga kalalakihang nasa loob ng silid.

Nang hindi ako umimik ay napagpasyahan na ng mga lalaki na umalis. Naiwan lamang si Dr. Rowan.

"Andrina, hindi nila alam ang ginawa mo sa mansion. Please, huwag mo ng uulitin iyon."

"Bakit? Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa palagi akong sasaktan ni Xavien." Wala sa sariling sabi ko.

"Hindi ka na niya masasaktan dito Andrina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status