“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso.
Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest.
“Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito.
“Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Oh my God! Ano iyang pinapanood mo?”Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. Pinaikot niya ang mga mata, hindi pala lalaki kun’di isang bakla.Nayanig yata ang buong bahay ni Sharon dahil sa lakas na bulalas ni Gian nang makita ang pinapanood niya sa kaniyang personal computer.Simple lang naman ang pinapanood niya, isang bed scene ng sikat na movie sa Hollywood pero kung maka-react naman ang baklang Gian na ito ay parang guguho na ang mundo niya. Sa lakas ba naman ng sigaw nito, tiyak pati eardrums niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor.Napailing na lang si Sharon. Sabagay, bakit pa nga ba siya magtataka kung ganiyan umarte si Gian? Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsama ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.Mula noong nakilala niya ito na kahit hindi pa ito tuluyang nagladlad ay masakit na talaga sa tainga ang boses nito na minsan ay ginagawa rin naman nitong lalaki kapag nagsasalubon
Bawat galaw ng lalaki ay sinusundan niya, pati galaw ng daliri nito ay hindi niya pinapalagpas. His bone structure looked perfect and solid. Nang tumama sa lalaki ang ilaw, pinagmasdan niya ito ng mabuti. And only two words can describe the man perfectly.Greek God!Ngayon pa lang siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Ni hindi nga siya makapaniwala na makikita niya ang hero sa sinusulat niyang nobela.Hindi nga niya mapigilang matawa habang sinusulat niya ang hitsura ng hero niya habang tinatanong ang sarili na may tao kayang ganito ang hitsura? Like, hello? Nasobrahan yata siya sa pagbabasa ng fiction novel.Bago kasi siya magsimulang magsulat ay pinagtutuunan niya muna ng pansin ang hitsura ng magiging hero at heroine niya sa nobela. Kinikilala niya munang mabuti bago isalang sa kuwento. Mas mabuti kasi na makilala muna ang mga tauhan nang hindi maligaw ang manunulat.Kahit maliit na detalye ay kinakabesado niyang mabuti. Kahit paggalaw lang
“Sharon! Open the door,” sigaw ni Gian.Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Halos sa bahay na niya kasi ito tumira na para bang bahay na rin nito ang bahay niya.Alas-sais na ng gabi. Medyo masakit pa rin talaga ang ibabang parte niya. She can’t even walk properly. Kaya ang resulta, hindi siya nakapasok sa trabaho. Wala din naming problema kasi nag-excuse na rin siya. Sick leave for one week. May sakit naman talaga siya. Masakit ang cherrypop niya.“Sharon! Bakla! Ano ba!?” sigaw ulit ni Gian na hindi niya matukoy kung sigaw ba talaga iyon o tumitili na ito.Bakit ba kasi nandito ang baklang ‘to?“Wait a second, will you? Hindi makahintay ‘te? May lakad?” inis na sagot niya at dahan-dahang naglakad para pagbuksan ang buwisita niya.Bakit ba kasi malaki ang talong ng lalaking iyon? Wala sa sariling naitanong niya at natawa pagkatapos. Compliment ba iyon o hindi?She managed to w
Panay iwas si Sharon, kung maaari nga lang ay hindi na talaga siya tatapak sa Education Department. Kung kaya niya lang sana ay hindi na talaga siya tatapak sa lugar na ‘to. Parang gusto na lang niya na magtambay na lang sa lab ng major niya upang hindi masilayan ang pagmumukha ni Lloyd na ayaw na niya talagang makita pa.Hindi naman sa ayaw na niya talagang makita si Lloyd. Pakiramdam niya lang kasi kapag nalalapit siya sa taong iyon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang tila nagkakaroon ng sariling utak at mundo ang katawan niya at hindi na sumusunod sa nais niya.Pakiramdam niya na ang department nila ay isa na sa lugar na mapapahamak siya kung tatapakan niya. Lugar na kung saan naroon ang isang tao na dapat niya talagang iwasan. Tao na ang sarap ibaon sa limot.Ibaon ng buhay, baka puwede pa.Nakaka-embyerna rin naman kasi, bakit sa department pa nila pumasok ang Lloyd na iyon? Marami namang department na nababagay ang kaguwapuh
Dalawang linggo rin siyang hindi ginambala ng binata. Dalawang linggo ring naging matiwasay ang araw ni Sharon. Walang Lloyd na gumagambala at panay buntot sa kaniya.Sa mga araw na iyon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Okay na siya sa gano’n, ‘yong tipong walang sunod ng sunod at buntot ng buntot. Pakiramdam niya’y ang ganda ng araw niya. Matiwasay, payapa, at gumaganda pa ang aura niya. Ayos lang sa kaniya dahil marami rin naman kasi siyang ginagawa.Ang dami niyang tinatapos. Ang daming lesson plan na dapat tapusin, may mga PowerPoint presentation na dapat gawin, mga activity ng mga bata na dapat bigyan ng pansin. Ang sakit sa ulo at mas sasakit pa ang ulo niya kung dadagdag pa si Lloyd.Aside from that, she’s one of the instructors who assisted to their most awaited culmination ever, the Fashion Runway of the Garments, Fashion and Design. Their students are the highlight of the said culmination. She assisted her students fo
Itinaas ni Sharon ang kumot. Ano na namang katangahan ang nagawa niya? Bakit na naman siya nauwi sa ganito? Bakit hindi na naman niya nagawang humindi? Bakit palagi na lang ganito?Tanging kumot na lang ang tumatakip sa kanilang katawan. Kumot na masasabi niyang naging saksi sa kabaliwan niya. Kabaliwan niyang hindi niya matukoy kung bakit palagi niyang nagagawa.Umupo siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. She did it again. She did it again for the second time. Why? She closed her eyes. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang binata? Bakit?Tumayo siya. Inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Pangalawang pagkakataon na niyang nakapunta sa kuwartong iyon. Sa kuwartong hindi na rin bago sa kaniyang paningin. Kung anong kuwarto ang nadatnan niya noong unang punta niya rito ay ganoon pa rin ang ayos niyon.Pangalawang pagkakataon na ito. Pangalawang pagkakataon na iisa lang ang rason. Sex.Sex, bulong niya. Bakit parang hindi niya kayan