"Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.
Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj.
"Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"
Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko.
"Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.
We meet again, ardent spirits!
"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa.
"Mabuti nga si
Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna
MJ OSMEÑAMJ OSMEÑAHanggang saan mo kayang hawakan ang iyong kaligayahan?Hanggang saan mo kayang panagutan ang iyong responsibilidad?Hanggang saan mo kayang paligayahin ang mga taong nagmamahal sa'yo?Hanggang saan ka ba tatagal sa agos ng buhay?Hanggang saan nga ba?Kasi ako, kaya kong gawin lahat alang-alang sa ikaliligaya nila.Kaya kong gawin lahat mapanatag lang ang kalooban nila.Kaya kong gawin lahat kahit na...Sumandal ako sa swivel chair, itinukod ang kanang siko sa arm rest, inilagay ang mga daliri sa aking pisnge at taimtim na tinanaw ang iba't-ibang klaseng gusali na sakop ng aking tanawin.
"MJ! MJ!"Nakasandal ako sa malaking puno ng acacia nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.Agad kong nalaman kung saan banda ang tumawag sa akin kaya nakangiti akong lumingon sa kaniya."What?""'Yo’ng dalawang manliligaw mo, nag-aaway sa CR ng mga boys," sumbong niya agad."Sino?" tanong ni Ressie sa kaniya, mukhang hindi na napigilan ang maki-chismis sa narinig. Isa siya sa mga kaibigan ko at obviously kasamahan sa pagtatambay ngayon."Si Vad at Maj," sagot naman no'ng schoolmate namin na nakalimutan ko ang pangalan."Salvador Montero and Major Yap," sabay na sabi ng kambal ng tadhana na si Lory at Lorene na sinabayan pa ng nakaririnding hagikhikan.Tumingala ako sa mga dahon ng puno at pinagmasdan ito."Hayaan mo na sila, wala rin naman akong sasagutin sa kanilang dalawa, e. Titigi
Matapos ang isang pang malakasang sigaw at reaksiyon ni Ate kanina nang makita ang kausap ni Kuya, tumahimik na siya kaya nakapag-agahan kami. Mabuti na lang at huling pumasok si Mama at Papa kasama ang iba pang kapatid no'ng si Decart Lizares kaya hindi narinig ang OA na sigaw ni Ate sa kaniya.Nasa kabisera ng lamesa si Papa. Si Mama naman ang nasa right side niya. Sa left side si Kuya Yosef. Ang katabi naman ni Kuya Yosef ay si Ate Tonette,tapos ako. Ang nasa tapat ni Ate na mismong katabi ni Mama ay ang isa sa mga Lizares na si Tonton Lizares at ang katabi naman niya na kaharap ko mismo ay si Sonny Lizares, ang nasa kabilang kabisera na mismong tapat ni Papa ay si Decart Lizares.Tahimik ang bawat pagsubo ko. Ang tanging maingay lang sa aming lamesa ay sina Mama, Papa, at si Decart Lizares.Nairaos namin ang agahan na iyon kahit na nakabusangot si Ate. Kaya no'ng nasa kuwarto na kaming dalawa para makapaghanda
Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule.After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school.Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print."Hoooh..."Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin."Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko."Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa
I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malay
"And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin."Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal
Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.Ka