Share

Shut Up and Take Me
Shut Up and Take Me
Author: Samantha Emanuelle

1- Tarnished reputation

"What did you do, Mia?"

Kitang-kita ni Mia ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng amang si Vincent. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga palad nitong nakapatong sa lamesa.

 "I— I don't know, Dad. It just happened. I did not do anything," tugon niya.

"Alam mo ba kung ano ang posibleng mangyari sa kompanya natin dahil sa ginawa mo?"

Mia was shocked when her father slammed his fists on the table hard.

He walked towards her. "I trusted you with this company! I supported you! Ang akala ko ay ipagpapatuloy mo ang mga nasimulan ko. Ikaw pa pala ang posibleng tumapos ng lahat."

"Dad, I'm sorry! Wala talaga akong alam sa nangyari."

"Sigurado ka bang wala kang alam?" Bumalik si Vincent sa lamesa nito upang kunin ang isang envelope. He handed it to her.

Larawan ng isang pamilyar na babae ang bumungad kay Mia pagkahugot niya ng laman ng envelope na iyon.

"That woman is Sandra Fletcher, the daughter of one of the panelists in The Global Hotel Awards. Of course we didn't know that until now. I was informed just this morning. Nagpunta siya sa isa sa hotels natin para ma-experience ang five-star service ng ating kompanya. But what did she get? Disappointment! She claimed that you have been rude to her."

Napaisip si Mia at saka niya naalala ang guest na nakasagutan niya three days ago. "Dad, I can explain. Pakinggan n'yo muna ako," wika niya.

Vincent sighed. "Okay. Explain, Mia."

Mia composed herself. "Okupado na ang kwartong gusto niya. Yet she demanded to get that room against all odds. Kung sinunod ko siya, it would be unfair to the other guests. It will tarnish our company's reputation. We don't want that to happen, right? Dad, palagi mong sinasabi sa akin na ang reputasyon ng hotel ang pinakamahalaga sa lahat. Sa Blacksmith Hotels, pantay-pantay ang lahat."

"But this time, it's different," tugon ni Vincent. "At sana ipinaubaya mo na lang sa general manager ng hotel ang trabaho niya. Hindi ka na lang sana nakialam. Do I have to remind you na ikaw na ang CEO ng kompanyang 'to?"

"I was there, Dad. I had to interfere. Kung mahalaga sa atin ang guests, mahalaga rin ang mga empleyado natin. Nakikita kong binabastos na ng babaeng iyon ang empleyado natin, kaya kinailangan ko nang makialam lalo na at alam kong wala siya sa katwiran. Above all, I didn't know that she was an 'important' person. E di sana nagpagawa siya ng reservation para nakuha niya ang room na kaniyang gusto. Kaya kahit na nalaman ko pa kung sino siya ng araw na iyon, gano'n pa rin ang magiging desisyon ko. She won't still get the room."

"In the span of three days, mula sa five-star, bumaba sa two-star ang rating ng Blacksmith Hotels. Sabihin mo sa akin ngayon kung nakatulong ba ang paninindigan mo sa kompanya natin." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Vincent. "Kapag bumagsak ang Blacksmith Hotels, you will be held accountable, Mia. And I don't care if you are my daughter. You will have to pay the consequences."

Nangilid ang mga luha ni Mia. But she held her head up high. Naniniwala siyang wala siyang ginawang mali kaya hindi siya dapat umiyak. "At ano'ng gagawin ninyo sa akin, Dad? Itatakwil ninyo ako? Iiwan n'yo ulit ako kagaya ng pag-iwan n'yo sa akin noon?"

Hindi umimik si Vincent. Napalunok ito.

"I looked up to you, Dad. Kahit iniwan mo noon ang inay para sa ibang babae, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Kahit na ginawa mo akong anak sa labas nang magpakasal ka sa babae mo, hindi pa rin ako nagalit sa inyo dahil sa sobrang paghanga ko sa inyo." Nagtiim ang kaniyang mga bagang. "Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto kong maging. Gusto kong maging kagaya mo na isang kilala at matagumpay na negosyante. Hinangaan ko ang talino at prinsipyo mo. Pero ngayon, napagtanto ko na mali pala ako ng pinaniwalaan." Nailing siya. "You are selfish, Dad! You've always been."

"Totoo nga ang sabi ni Natalia. Binihisan man kita, umaalingasaw pa rin ang ugali mong squatter." Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ni Vincent.

"And now you're trying to insult me just because I am telling the truth," tugon ni Mia. "Ipapaalala ko lang ho sa inyo na hindi ko nakuha ang aking posisyon sa kompanyang 'to dahil anak ninyo ako. I worked hard for everything. You know that, Dad." She chuckled. "Ano nga ulit ang sabi n'yo noon? 'She is brave as hell. She has more balls than most men I know.'" She smiled. "Sinabi n'yo iyon, Dad. That was how you described me.

I am a self-made woman. Pinaaral ko ang sarili ko. Ni minsan, ni piso hindi ninyo ako sinuportahan hanggang makatapos ako. Nang pumasok ako sa kompanyang ito, nagsimula ako sa pinakamababang posisyon. Tiniis kong itinago mo akong anak sa lahat sa loob ng pitong taon. Lahat ng mayroon ako, pinaghirapan ko maski ang pagkilala mo sa akin bilang iyong anak."

"How dare you talk to me like that?" Uunday sana ng sampal si Vincent ngunit napigilan niya ang sarili. Mia didn't even flinch. He took a step back. "You know you can still fix this, Mia," wika niya sa mas kalmadong tono. "Tatlong buwan pa bago ang awarding. Makukuha pa ng Blacksmith Hotels ang Best Hotel Award, at makukuha ko pa ang Centennial Hotelier Award. You just have to apologize to that woman."

Mia smirked. "Iyon lang ba talaga ang mahalaga sa inyo, Dad? Iyong mga award?" aniya.

"D*mn it, Mia! Those were not just awards! You know that very well because we think alike. Hindi lahat ng hotel company at hindi lahat ng hotelier nakakakuha ng pagkakataon na ma-nominate at manalo sa pinaka-prestihiyosong award giving body sa buong mundo. Being nominated alone is a significant accomplishment. How much more kapag nakuha natin iyon? Mas makikilala ang Blacksmith Hotels sa buong mundo. At bilang isang hotelier, maisusulat ang pangalan ko sa kasaysayan sa larangan ng negosyo."

"Aanhin mo ang mga parangal kung kapalit naman no'n ang dangal mo't prinsipyo?" tugon ni Mia. "I used to believe that we think alike not until today. I'm sorry, Dad, but that woman won't get an apology from me."

Napapikit sa disappointment si Vincent. "Then, I have to remove you from your position," aniya.

"No need, Dad. I resign." Tumalikod siya at naglakad palayo sa ama.

"Iniinsulto mo ako, Amelia," mariing wika ni Vincent. "Masyado ka nang mayabang. Kahit gaano ka pa katalino at katapang, hindi ka magiging isang Ferrer nang dahil sa akin. You're nothing without me!"

Huminto si Mia sa paglalakad. "Hanggang ngayon pa rin pala hindi ninyo alam kung ano ang gusto ko." She painfully chuckled. "Hindi ko kailanman kinailangan ang apelyido ninyo. Ama ang kailangan ko. Pero mukhang hindi na mangyayari iyon. So, I guess from this day on, I just have to consider myself an orphan."

Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng office ng kaniyang ama. Sinubukan siyang habulin ni Vincent, ngunit kahit halos pumutok na ang litid nito sa kakatawag sa kaniyang pangalan ay hindi niya na ito nilingon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status