Share

Kabanata 4

"Hindi mo ba hahabulin 'yon?"

Nabalik ang huwisyo ko sa tanong ni Suarez. I squatted and got my bag on the ground.

"Hindi. Hindi ko naman 'yon jowa o kaano-ano, bakit ko hahabulin? Besides, I doubt it's for me. Baka may iba pa ritong lasing kagaya ko na kakilala niya," wika ko bago naunang maglakad kay Suarez.

"Pryce!" tawag niya na hindi ko ikinalingon.

"Mag... Mag-iingat ka na lang!" pahabol niya saka ko binilisan ang lakad ko.

I am done for today. I don't wanna deal with him. Bahala na siya umuwi mag-isa, bahala na rin ako kung uuwi akong mag-isa.

Dahil sa bilis kong maglakad, hindi ako naabutan ni Suarez. Sa kabilang kanto pa ako nakasakay ng tricycle dahil sa haba ng nilakad ko, makalayo lang sa kan'ya.

It's still raining when I went to this house. Mas malakas pa ito kumpara kanina. I wonder if Suarez went home already. Or that stupid Ezequiel.

I let an exasperated sigh. Bakit ko ba iniisip if nakauwi na sila? Pake ko sa kanila pag di pa sila umuwi?

Before I could remove my shoes, I saw two individuals, looking at me like I have sinned so big, that I won't really be forgiven that easy. Kinunotan ko sila ng noo, and they mirrored it.

"Kanina pa kami rito. Bakit ngayon ka lang?" pagalit na tanong ni Osher. Tahimik na nakamasid si Harlett.

"Aba, kailan ka pa nagkaroon ng pake kung saan ako pumupunta, Osher?"

"Anong kailan? May pake naman talaga ako simula noong una ah! May pake naman ako diba? Diba?" mahina ngunit rinig ko pa ring tanong niya kay Harlett. Pero tong kasama niya, walang pake. Nakatitig pa rin.

"Harlett, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Aakyat na ako, at umuwi na kayo. Gabi na."

Pinagmasdan ko muna ang salas bago pumasok. Wala ata yung mama ko rito. Baka mga kasambahay ang nagpapasok sa kanila.

"Pryce..." he trailed off.

Nakuha niya ang atensyon ko. Umupo ako sa harapan nila nang marinig ko ang hinaing nila.

"What?"

"Why did you do that?" he asked with squinting eyes.

"Do... what?"

"Do that," singit ni Osher.

"Ano nga?" naiinis kong sagot nang di nila iyon diniretso.

"Bakit mo hinamon si Montesclaros? Alam mo namang baguhan pa 'yon."

"Baguhan?" I scoffed. "Nagyabang 'yon, kaya bakit hindi ko hahamunin? Akala mo naman sinong magaling. E 'di, hinamon ko! Kaya naman niya."

"Hinanap ka niya kanina para mag-sorry sa nagawa niya. He thinks he's upset you, and I guess he's right. Ano ba nagawa niya kanina para ma-upset ka?" tanong ni Osher na ikinakabog ng puso ko.

Bigla akong kinabahan. He was... there? For me? I really can't help but contradict what Osher told me.

It's impossible. Baka kambal 'yon ni Eileer. Tama. Baka kambal lang niya iyon, tapos hindi ko alam na may kambal siya. Oo, 'yon nga.

Sige, maniwala ka sa katangahan mo, Pryce.

Kinabukasan, whole day ang practice namin. Pero dahil pang-hapon ang higher grades, bakante kami ngayong umaga. And the usual, may balak na naman ang dalawa.

"Makakalabas ba tayo ng campus?" parang kinakabahan pang tanong ni Suarez na sumusunod din naman sa 'min.

"May gate pass ang sasakyan ko, makakalabas tayo. Okay lang ba sa 'yo na sasama ka? Baka sumama ka lang kasi kami lang nakaka-usap mo. Nando'n naman tiga banda mo."

"Okay lang talaga, Harlett. And if it's okay with you all, why not hindi sumama. Your plan seems fun."

I can sense something. I really just can't put my finger on it.

Ano ba 'yon?

Lima kaming nakasakay sa sasakyan ni Harlett, and that includes Suarez and Ezequiel. I don't even know why they're tagging along with us, but I am not that rude to not let them.

Ang alam ko'y pupunta kami ng Apo Lake ngayon. Alas tres pa kasi kami magsisimula. We've got plenty of time to kill.

The travel I expected to be quiet, went chaos. Ang ingay ng tatlo sa pagkanta at ang pagtawa nila, nakakarinding pakinggan. Nilingon ko sila sa likod, at nakitang si Eileer lang ang hindi nakikisali. He sometimes smile and that's it. Nasa harapan kasi ako, sa tabi ni Harlett na sobrang ingay din. I can't help but make-face.

Ilang oras ko rin tiniis ang walang kapaguran nilang kaingayan. After we went to get the jollibee we ordered earlier, dumiretso na kami ng Lake Apo.

Walang katao-tao ang lugar. Kami lang ata ang naririto. We rented a floating rendezvous. Isa-isa naming nilagay ang gamit galing sa sasakyan ni Harlett, and saw there's an acoustic guitar. They planned this well without me knowing, huh?

Nang makarating kami sa gitna ng lawa, nagsimula nang magsihubad ang lalaki. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ano ba tingin niyo sa 'kin dito, lalaki? Magsitalikod nga kayo sa 'kin! Akala niyo naman tigs-six 'yang abs niyo," reklamo ko na ikinangiwi ni Ezequiel. Isa pa 'to.

"Parang hindi ka naman sanay sa 'ming nakahubad, Pryce. Pero sige, if 'yan ang gusto ng prinsesa," sa nang-aasar na tonong sagot ni Osher, nagsitalikod sila sa 'kin na nakaupo sa unahan ng floating redezvous. Minsan, ang saya rin banatan nitong si Osher eh.

Kalauna'y nagsiunahan na silang tumalon sa tubig. I saw Suarez really got along well with them, and that's a nice thing to see. Hindi man ang iba kong kaibigan ang kasama namin ngayon, masaya naman... siguro.

Nagpatuloy ako sa pagbabad ng paa sa tubig. It's ice cold, and good thing that the sun is scorching hot. Wala talaga akong balak maligo dahil sa init at sugat ko dahil ayaw ko yun mababad, pero parang magbabago ang desisyon ko ngayon. Besides, ano pa ba dapat ang gawin dito kun'di ang magtampisaw?

"Bobo mo kasi, sabi ko, dalhin mo! E 'di nasa trunk 'yon ng Vios!"

"Aba, malay ko ba? I asked you if kumpleto na ba ang gamit, um-oo ka naman."

"Bahala ka punuin 'yan ng hangin. Hindi pwedeng lumangoy ang prinsesa, alam mo ‘yan."

Lumingon ako sa likuran at nakikitang nagtatalo si Osher at Harlett. Osher brought a new floater na walang hangin. Nagtatalo ata kasi 'di nadala 'yung pang-bomba.

"Gago, akala mo naman kehaba-haba ng hininga ko. Wala pa ngang tatlong segundo sa ilalim ng tubig, umaahon na ako! Ikaw na lang, mas mahaba pa hininga mo sa 'kin." Osher argued.

"Ulol, bakit ako? Ikaw may plano na dalhin 'yang gan'yang kalaki na floater. Punuin mo na 'yan hanggang sa wala pa 'yung balak na maligo!"

Nang makalapit ako, kinuha ko ang floater sa kamay ni Osher.

"Tumigil na nga kayo. Okay lang na wala akong floater—"

"Uh, actually, may pampahangin ako dito. Sa balloon lang nga."

Lahat kami ay napalingon kay Ezequiel na nakahawak ng yellow na bomba.

"Oh, may dala pala. Ikaw na lang pahangin nito, please?" ani ni Osher na ikinatango naman ni Ezequiel. Binawi ni Osher sa 'kin ang floater at binigay kay Ezequiel. I sighed.

What is he, really? Pwede naman siyang maligo nalang doon at piliing 'wag 'yan i-inflate. Umiling ako at naupo sa upuang gawa sa kawayan para mag-set up ng speakers. I played the songs we're going to play while the boys, except for Eileer, went on swimming.

Habang patagal ng patagal, naiinggit ako kina Harlett na naliligo. Buti na lang talaga, nagdala ako ng extra. Nang umahon ang tatlo, tumayo ako para kunin ang sarong na dinala ni Osher para sa 'kin. I was about to ask him to help me dress up since he's the one who's most confiding here among them. Sa isang tao lang naman ‘yan baliw na baliw, kaya safe.

"Tapos na ang floater."

Napatalon ako ng magsalita si Ezequiel sa likod ko. Tumango lamang ako at pinuntahan ang pwesto nina Osher. Bwiset. Bakit ako nagugulat sa kan'ya?

"Hey. Can you help me dress up—"

"Osher, maganda mag-swimming sa ilalim. Tara!"

Hindi pa man ako natapos sa pagsasalita, tinulak na ni Harlett si Suarez at Osher sa tubig. Sumunod naman siya sa paglusong at ginabayan ang dalawa na lumayo sa rendezvous.

Pu...tangina?

Ano bang trip nitong damuhong 'to?!

"Patulong ka kay Ezequiel! May titignan lang kami rito," sigaw ni Harlett at mas nilayo pa ang dalawa dito.

"Tangina mo talaga, Harlett!" Sigaw ko pabalik dahil alam ko talaga ang plano nila!

Dahil gusto ko na talagang maligo at pumunta sa kanila para lunurin si Harlett, wala akong choice kundi humingi ng tulong kay Ezequiel. Ayoko naman magbihis dito na walang tumatabon. Baka pagpiyestahan pa ako rito!

"I'm not going to peek." sabi nito sa likod ko at kinuha ang sarong ko. Inirapan ko siya at pinuntahan ang bag ko.

"Naninigurado lang. Baka manilip ka."

"I said, I am not going to peek. Do I need to cover my eyes with handkerchief? Gagawin ko." sabi niya. Umiling ako.

"'Wag na. Basta 'wag kang manilip. Kapag nakita kitang sumilip," I pointed him. "Babanatan kita at lulunurin kita kasama si Harlett."

Amusement was evident in his eyes. Pilit niyang tinatago ang ngisi niya, pero hanggang tumatagal, hindi niya magawa. Marahas kong kinuha ang gamit ko at pumwesto sa dakong gilid ng upuan. Sumunod naman sa 'kin si Eileer na may sinusupil pa ring maliit na ngiti.

Kung hindi lang ako good mood ngayon, kanina ko pa 'to sinikmuraan. Naiinis akong makita siyang nangingiti! Ano bang ningingiti niya? Wala namang nakakatawa o dapat ikangiti rito!

Dahil matangkad si Eileer, duda pa rin akong hindi niya ako makikita sa lagay na 'to. Hindi kalakihan ang sarong na dala ni Osher. I sighed. Bahala na, hindi naman daw siya maninilip.

Ang akala ko'y haharap siya sa 'kin, pero nagulat ako ng tumalikod siya at dinipa ang braso nang ma tabunan ako. Natigil ako sa paghuhubad ng t-shirt ko.

"Are you done? You're not moving." biglaan nitong tanong na ikinabalik ng diwa ko. Shit.

"'Wag ka humarap! Susuntukin kita," banta ko ng akmang lilingon siya.

"Just wondering. Hindi mo naman ako kailangang suntukin."

Hindi ko siya sinagot at mabilis na hinubad ang t-shirt. I put it on his shoulder and wore a tank top. Hinubad ko lang din ang PE lower ko dahil may shorts naman akong sinuot.  Kinuha ko ang t-shirt ko at marahas siyang tinulak.

"Aray!"

I went to  my back to fix my things and my dressed shoulder. Balak ko rin kunin ang floater ko nang marinig ko siyang bumulong-bulong sa sarili habang hinihimas ang tiyan.

"Pwede naman magpasalamat. Bakit pa may kasamang tulak? Sakit." bulong niya.

Because I was shy to say sorry, I grabbed the floater and went to the other end of the rendezvous.

Why am I suddenly nervous, the same time mad, when I'm around him?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status