Share

Chapter 4.2 hot pursuit operation

Xyra Pov

"The foxtrot seventh has arrived safely sir!"pagbibigay impormasyon ko sa aming hepe ng makarating kami sa sinasabing lokasyon ni Zander.

"Good! What is the actual distance of your team to the target building?"nagmamadaling tanong nito sa amin.

"It's 12.7 km away from the target building sir!" habang tinitignan ang GPS location sa computer ni josh.

"Okay you go to the east building, the blue force tracker confirmed target is inside!" Pagbibigay utos niya sa aming lahat kaya kanya-kanya kaming nagsibaba sa loob ng van.

"Snipers get ready!" seryosong utos ko sa kanilang tatlo 'tsaka ikinasa ang dala kong M16 na baril.

"We are now in a position Lieutenant!"halos sabay nilang sagot kaya nagmadali akong kumuha ng night vision telescope para makita ang target sa malayuan.

"Two enemies spotted in your three o'clock Ryan, Rowan seven enemies spotted in your one o'clock and Mavy five enemies spotted in your nine o'clock kill them all!" mariing pag utos ko sa kanilang tatlo habang sinisipat ng tingin ang kabuoang building.

Nang marinig nilang tatlo ang utos ko ay wala silang pag alinlangan na pinagbabaril ang mga armadong kalalakihan gamit ang silencer.

"Sniper1,sniper2,sniper 3 clear!" Halos sabay nilang sagot kaya di na ako nagalinlangan pang sinenyasan ang mga kasamahan ko na naging hudyat para sumugod.

Naging maingat kaming lahat sa paglalakad at pinapakiramdaman ang buong paligid hanggang sa makarating kami sa naturang gate.

Maingat na umakyat sa bakod ang isa sa mga kasamahan ko at marahang pinagbuksan kami ng gate.

Gumamit kami ng flying wedge o triangular formation para madali namin makita ang kalaban at maprotektahan ang bawat isa.

Dahan dahan kami sa pag galaw hanggang sa makapasok kami sa loob ng building.

"Alpha squad proceed to nine o'clock! suriin at bantayan niyo ang exit area." Pabulong na utos ko sa kanila 'tsaka sinenyasan ang kaliwang bahagi ng building na kong saan sila dadaan.

"Bravo squad sumunod kayo sa'kin nasa east location ang main target!" Mariing utos ko sa kanila 'tsaka dahan dahang naglakad patungo sa kanang bahagi ng building.

Pagkalipas ng ilang minuto ramdam ko na ang pawis at ngalay sa aking mga kamay naging maingat kami sa aming mga galaw at pinapatumba namin ang ibang mga bantay na hindi kami makalikha ng ano mang ingay.

 Pareho kaming alerto sa aming dinadaanang pasilyo hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na merong nakasulat na danger zone.

Lumapit ako dito 'tsaka marahang pinihit ang door knob para makasilip.

Nakikita ko mula dito ang mga taong nakasuot ng lab gown na halatang abala sa kanilang mga gawain.

Nakikita ko ang mga conical flasks

at mga test tube na parehong merong mga laman.

Halatang isa itong laboratoryo at tama nga ang nasagap naming impormasyon na nagsasagawa si Atty.Robert Wartskis Aka Jack the Ripper na makagawa ng isang matinding virus.

Dahan-dahan kong sinenyasan ang mga kasamahan ko na magtago sa gilid ng pader ng makaramdam ako ng iilang yabag ng paa papunta sa aming direksyon.

Kaagad akong naalarma at inilabas ang hunting knife na nakasukbit sa'king gilid.

Babatohin ko na sana ito ng kutsilyo para hindi makagawa ng ingay ng bigla kaming makarinig ng putokan galing sa exit area.

Mukhang nalaman na nila ang pagpasok namin kaya wala na akong nagawa pa at bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at mano-manong pinagbabaril ang mga tumatakbong armadong kalalakihan.

"Liutenant at your six o'clock!" pasigaw na saad ni Aaron sa'kin kaya bigla akong napatingin sa'king likuran at walang pag alinlangang binaril ang kalaban.

"Covering fire!"lumalabas litid na sigaw ko sa kanila habang patuloy na pinagbabaril ang mga tumatakbong kalaban papunta sa aming direksyon.

"Roger Liutenant!"sabay na sagot ng limang kasamahan ko at nagmamadaling inilagay ang harang sa aming harapan.

Nang makita ko na nakapwesto na sila ay dahan dahan akong gumapang papunta sa sinasabing kwarto.

Tinaponan ko ito ng dalawang tear gas pagkatapos maingat na pumasok sa loob ng kwarto.

Hinalungkat ko ang bawat papel na naka kalat at inisa isa ko itong binasa.

Pero wala akong makitang ebidensya.

Lumapit ako sa bookshelves at pinagtitigan ang mga librong nakahanay dito.

Nakikita ko na halos lahat ng sikat na libro nina J. K. Rowling,Ernest Hemingway at Dan Brown ay nandito.

Ngunit ang nakapagbigay ng atensyon sa akin ay ang dot at dash na nakalagay sa bawat gilid ng libro.

Linapitan ko ito at binuo ang bawat morse code na nakikita ko.

Sa unang hanay ng libro nabuo ko ang pangalang Dan at Brown naman sa ikalawang hanay.

Pinagtitigan ko ang bawat mystery thriller na libro na isinulat ni Dan Brown at inisa isa ko itong hinawi.

Sa isang iglap biglang nahati sa dalawa ang bookshelf at sa likod nito ay ang isang pulang pintuan na merong tatak na black panther sa gitna.

Naging alarma ako sa bawat kilos ko kaya madaliang hinugot ko ang aking baril sa aking gilid at nilagyan ito ng silencer bago ko binuksan ang isang lihim na silid.

Sa isang hakbang ko palang papasok ay bigla akong natuod sa aking kinakatayuan ng makarinig ako ng pagkasa ng baril at itinutok ito sa lalaking nasa harapan ko.

"Mi Amore!" tanging salitang nasambit nito sa'kin na halata sa mukha niya ang takot at pangamba.

"Congratulations Lieutenant and Mr.Zander Montenegro you all ruined my plans! you used this piece of sh*t just to track me down!"nangangalaiting sigaw nito at ilang beses inapak-apakan ang isang mamahaling ballpen.

"Drop your gun down now! I will kill this rubbish! "nakatiim bagang na turan nito habang mas lalong idiniin ang baril sa sintedo ni Zander.

"lieutenant? You don't hear me! drop your gun down now!" mariing sigaw nito sa'kin at dahan-dahang umatras para kunin ang attache case na nalaglag sa sahig.

Ramdam ko ang kaseryosohan sa tono ng kanyang pananalita kaya wala akong nagawa kundi yumuko at inihagis sa kabilang direksyon ang hawak kong baril.

"Oopsss…..too bad! actually I like you Lieutenant but one of my hated the most is the person who interfere someone's personal business!" naiinis na turan nito habang maya-maya bigla itong natawa.

Akmang kakalabitin niya na sana ang gatilyo ng baril pero yumuko ako at malakasang itinapon ang maliit na hunting knife sa kanang bahagi ng kanyang kamay na naging dahilan ng pamilipit nito sa sakit.

"You f*cking b*stard! I will make sure you will rot in hell!" galit na galit siyang kinubabawan ni Zander habang sunod-sunod siyang sinusuntok sa mukha.

"Tama na!"buong pigil na awat ko dito at marahas siyang ipinaalis sa walang malay na katawan ni Atty.Wartskis.

"Tumawag ka ng back up sa labas!" Mariing utos ko sa'kanya at akmang kukunin na sana ang posas saking pantalon ng bigla akong nakaramdam ng pagbaon ng hunting knife sa'king kaliwang braso.

Bigla akong napangiwi sa sakit habang binalingan ng tingin ang nakangising duguang mukha ni Atty.Wartskis na paika-ikang kinukuha ang tumilapong baril sa sahig.

Nakaramdam ako ng pangamba sa'king nakikita kaya agad din akong lumundag papunta sa kanyang direksyon at sapilitang nakipag agawan sa kanya ng baril.

Pinilit kong pilipitin ang nasaktan niyang kamay at akmang pupunteryahin ng aking siko ang kanyang batok ng bigla niyang kalabitin ang gatilyo ng baril papunta sa direksyon ni Zander na papalabas sana sa pintuan.

Tanging impit na sigaw lang ang aking nagawa habang nakikita mismo ng sarili kong mga mata kong paano tumagos sa ulo ni Zander ang bala ng baril.

*Hospital*

"Doc! male patient named Zander Montenegro 28 years old suffer from gunshot wound and in a critical condition!"nagmamadaling pagbibigay alam ng first aid responder na tumulong sa'min na dalhin si Zander sa hospital.

"What's his vital signs?"seryosong tanong ng doctor habang sinusuri ang nakapikit na mata ni Zander.

" Doc! his blood pressure is 60 over 40 his heart rate is 120,"agap na sagot ng nurse habang nanatiling nakatutok ang tingin sa sphygmomanometer.

"Limora, get the blood sample of the patient. I need 10 PRBC! patient has gunshot wound and lost a lot of blood! hurry!"hysterikal na utos ng doctor sa isang nurse na halos takbohin na ang buong pasilyo ng hospital para lang makakuha kaagad ng dugo.

"Doc! mas lalong bumababa ang heart rate niya!" kinakabahang saad ng nurse na ikinatuod ko sa aking kinatatayuan.

"Zander gumising ka!" umiiyak na sigaw ko habang patuloy na tinutulak ang stretcher niya sa hallway.

"Get the defibrillator ready!"muling utos ng doctor at nag umpisa na niyang e pump ang dibdib ni Zander.

"Charge the defibrillator to 200 joules,"namamawis na utos ng doctor ng makapasok na sila sa bakanteng silid.

"Charge clear!"malakas na sigaw ng nurse pagkatapos pihitin ang defibrillator.

"Three two one shock!"seryosong pagbibilang ng doctor at idinikit sa dibdib ni Zander ang defibrillator paddle.

"Administer 50 ml of epinephrine!"hinihingal na sigaw ng doctor habang patuloy nitong rini revive si Zander.

Sa mga natunghayan ko ay nakaramdam ako ng panlulumo saking tuhod.

Ramdam ko ang bigat saking puso ng makita ko siyang nahihirapan sa kanyang paghinga.

"Doc! the patient is now in a stable condition,"kaagad akong nakaramdam ng pag asa ng marinig ko ang salitang stable sa isang nurse.

Agad akong napatayo habang tinitignan ang papalabas na stretcher nito sa pintuan.

"Have him prepared for the surgery and call the anesthesiologist and move him now to the operating room."huling utos ng doctor habang pinupunasan ng panyo ang kanyang namamawis na noo.

"What is your relationship to the patient?"nakataas kilay na tanong ng doctor na mapaghahalataang suplado ito.

"I am…." hindi natapos ang dapat na sasabihin ko sana ng biglang may sumigaw sa aking likuran.

"No! this can't be! my son!" umiiyak na sigaw ni ma'am Isabelle habang inaalayan siya ni Zesna sa paglalakad.

"This is all your fault!" marahas na sigaw nito sa'kin at isang malakas na sampal ang aking natanggap ng makalapit siya sa'king pwesto.

"Lamont! Gregory! Torrez! get her out of my sight!" galit na galit nitong inutusan ang kanilang mga tauhan na agad naman nila itong sinunod.

"I'm sorry ma'am!"nagmamakaawa akong lumuhod sa kanyang harapan habang sapilitang nakikipaghilaan ng kamay sa mga tauhan nito.

"You used my son just for the sake of your mission! you put my son into danger! starting today I will forbid you to see my son!" Tanging huling katagang saad nito bago ako kaladkarin ng mga tauhan niya palabas ng hospital.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status