Share

KABANATA 3: A Substitute

“Sister-in-law! Finally, bumaba ka rin!” 

Nagulantang ako sa pagbaba sa hagdanan dahil sa malakas na sigaw ng pamilyar na boses na 'yon. Kaagad kong nadatnan si Raquel na nakaupo sa living room ng mansyon.

“Waah! Raquel!” 

Sa sobrang pagkatuwa nang makita siya ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos liparin ang pagitan namin. 

Tumayo rin siya upang salubungin ako ng mainit na yakap. Gano’n na lang kahigpit ang yakap ko sa kaniya sa sobrang pangungulila sa kaniya. 

She’s Raquel De Silva, Ezekiel’s adoptive sister, at siya namang sister-in-law ko. She’s my life savior in this marriage! Siya lang ang lagi kong nalalabasan ng sama ng loob at matiyagang nakikinig sa mga hinaing ko na hindi ako nahuhusgahan. 

Kahit na magkapatid sila sa pangalan ng asawa ko at maganda ang relasyon nila sa isa’t-isa, hindi iyon hadlang para sa pagkakaibigan namin. She herself knows how heartless her brother can be most of the time.

“I’m so glad you came here, Raquel!” Malaki ang pagkakangiti ko siyang hinarap.

“Of course, Faye informed me na bumalik ka na rito sa wakas after three weeks!” bulalas pa niya. “You have no idea how bored I was without seeing you! No one can even contact your personal number.”

“I’m sorry…”

“Spill the tea, girl.”

Napanguso ako at naupo naman kami sa sofa na magkaharapan. Nag-utos naman ako kay Panying na mag-serve sa amin ng breakfast.

“Masyado lang talaga akong busy sa trabaho sa nakalipas na dalawang linggo kaya walang time umuwi.” uminom ako ng juice.

“‘Yun na ‘yon?" Napakrus siya ng braso na napasandal sa kinauupuan. “You can’t fool me with that excuse! Anong walang time na umuwi? Ano ba namang isang gabi magpakita ka man lang kay kuya sa loob ng isang linggo?”

“Why would I even show him my face if he’s glaring at me every time like I’m a sinner?" Masama ang loob kong nilapag ang juice sa babasaging table. “You know how I’m having anxiety and stress nung bago pa lang kaming ikasal dahil sa kaniya! Thankfully, nakaka-recover na ako. T’saka obvious naman na hindi ako ang hinahanap niya kapag nawawala—’yung katawan ko!”

Habang inaalala ang nangyari kagabi hanggang sa paggising ko na wala man lang nakita ni anino niya ay sumasama pa lalo ang loob ko. 

Mabait lang siya kapag nasa kama, pero kapag nasa katinuan, binabalewala lang ako ng basta-basta!

“I mean? Mukha ba akong parausang babae? Asawa niya ako, ‘no?” 

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. A look of concern was displayed on her face while looking at me. 

“Akala ko mag-iimprove ang relasyon niyo ‘pag tapos ng isang taon, mali pala.” Kinuha rin niya ang cake sa lamesa para lang laruin iyon gamit ang tinidor. “Hindi ko ba alam kung bakit gano’n si kuya. Kahit sa’kin malamig ang trato niya, kaya akala ko dati ayaw niya ng ampon na kapatid. Pero sadyang wala lang siyang pakialam sa’kin talaga! Can you believe that?”

“Yes, yes..." napatango-tango ako.

“Anyway, saan ka naman nagpunta nitong nakaraang linggo?”

“I booked a hotel room to sleep for days, then umattend ako sa interview with Mami Vic kasama si Brantley last night before coming home.”

Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng dalawa niyang kilay at pag-uunat ng kaniyang labi. “Brantley! Oh my gosh, oh my gosh! Kailan ilalabas ang interview!? Kyaah! Why didn’t you tell me? Edi sana pumunta ako bilang audience para suportahan ang SereLey!”

Nanlaki ang butas ng ilong ko. Talagang hindi ko matanggap na isa siyang huge fan ng SereLey!

Mahilig siyang manood ng mga teleserye bilang pangpalipas oras, noong una ay pinanood niya lang ang palabas ko para suportahan, pero bigla-bigla siyang naging fan dahil daw sa ganda nito. At hindi nga nagtagal, naging fan na rin siya ni Brantley, at pinagshiship niya kaming dalawa.

“Mabilis lang ang interview, kaya hindi mo kailangang sayangin ang oras mo du’n. Ipapalabas naman siya next Saturday, nine p.m.” 

“Argh! Ang tagal!" Inisahan niyang nilunok ang cake, agresibo akong tiningnan. “Tell me what the interview is all about! Please, kwentuhan mo ‘ko!”

Napaikot ako ng mga mata. "The key point of the interview is to know whether may relasyon ba kami ni Brantley o wala. Tapos sumagot kami ng ikasa-satisfy ng lahat, kahit wala naman talagang meron sa’min. Then, nagpalaro si Mami Vic para ishowcase ang closeness naming dalawa. Pero dahil alam na namin ang mangyayari, pinractice na namin ‘yon before the show para pakiligin ang audience. Okay ka na?”

“W-What? You’re lying to your fans, and everything is scripted!? No, no, no way!”

“Yes way! That’s just how things work in the industry. Kaya please lang, ‘wag kang maki-fan ng SereLey!”

“Argh!" Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. “Hindi naman ako nakiki-fan lang o sumasabay sa uso. Girl, may feelings din ako—kinikilig ako sa inyo ni Brantley, okay? Ang lakas ng chemistry niyo. ‘Yung emotions, ‘yung kissing scenes, ‘yung scene na nagkawalay kayo—lahat ‘yon nadama ko bilang manonood. That’s why I love the teleserye so much!”

Siguro nga’y gano’n na lang kaganda ang produksyon ng palabas, dahil halos lahat ay gano’n ang sinasabi. Ang successful talaga ng palabas na pinagbibidahan namin ni Brantley!

“So… wala ba talagang something sa inyo ni Brantley?” Nabuga ko ang juice na iniinom sa biglaang tanong niya!

Agad kong kinuha ang tissue at ‘di makapaniwala siyang tiningnan. “Girl, I’m married! Alam mo namang kasal na ako sa kuya mo.”

“Hindi ‘yon ang tanong ko.” pinagkrus niya pa ang binti at braso niya. “May something na ba sa inyo ni Brantley?”

Kalmado ko siyang sinagot. “Even though there’s no love in our marriage, hindi ako cheater. I hate cheaters the most, dahil ganun din ang papa ko. I’m not like him, so my honest answer is, walang ‘meron’ sa amin ni Brantley. Kung anong nakikita niyo sa TV, it’s pure acting.”

“Wow. It looked so real though,” napalabi siya. “Then what do you think of Brantley?”

“Brantley is a good friend of mine. Hmm,” napaisip ako. “He’s actually my partner in crime sa set, at napakabait niya talagang tao, which is why he’s very admirable. There were many times that he offered me his shoulder to cry on. He’s humble despite sa kung anong narating niya ngayon, and that’s what I like about him the most. He treats other people the same way he wants to be treated, and he always puts on a genuine smile, kahit na sino pa ang kaharap niya.”

Kahit na baguhan pa lang si Brantley ay malaki na ang naging epekto niya sa madla, kaya gano’n na lang din kabilis ang pagsikat niya. Pinantayan niya agad ako, na siyang simula pagkabata ay nag-aartista na. How admirable is that? He deserves my full respect.

“Oh kuya? Nandito ka pala?" Nagugulantang napatayo si Raquel. “Panying told me you went to work?”

“Not yet.”

Nanggaling ang boses ni Ezekiel mula sa likuran at napaintag naman ako sa kinauupuan. Bahagyang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Dali-dali akong lumingon saka siya nakitang nakabihis ng pang-business attire.

Gano’n na lang kalakas ang dating niya sa suot. Hindi tulad kagabi, ngayon ay preskong-presko siya, animo’y minomodelo ang suot na suit.

“I thought you already left...” Kusa ko ring nasambit, kunot ang noo siyang tiningala. 

Naglakad siya sa kinaroroonan namin, hindi ako binalingan ng pansin at nagtungo lamang sa gawi ni Raquel. 

“It’s too early to be here.”

“Wah? Hindi lang naman ikaw ang pinuntahan ko! T'saka kanina pa ‘ko nandito, ba't ‘di man lang kita nakita.”

“I was in my office room, papasok pa lang ako.” napasinghal siya. “Instead of dissing around early in the morning, why don’t you work as well, Raquel?”

“Ito naman, ang aga-aga, init ng ulo.” naupo siyang muli at ngumuso. “Ngayon na lang ulit kami nagkikita ni Serena, ‘no? Umalis ka na nga! Sinisira mo usapan namin eh!”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang matalim na pagsulyap sa akin ni Ezekiel kasabay ng pagdilim ng mukha niya.

Nagsalubong ang kilay ko ngunit kalmadong nagsalita. “Seven a.m. na, hindi ka pa ba male-late sa trabaho niyan?”

Subalit hindi niya ako tinugunan. Sa halip ay tinalikuran niya ako at naglakad papalayo hanggang sa makalabas sa malaking pintuan ng mansyon.

Napangiwi ang labi ko sa asta niya. Kung anong kinaganda ng mukha niya at perkpeto ng katawan niya, ay siya namang pinagkaitan ni Lord ng mabuting asal. 

Puwede bang mag-donate si Brantley sa kaniya ng good manners and right conduct? Para ko ring gustong bumili ng libro ng ‘How to Treat Your Wife with Love and Respect 101’ at isampal sa pagmumukha niya.

I’m willing to respect him and show him a bit of affection if only he treats me the way I deserve. If only…

“I’m sorry, Serena.” nag-aalalang sabi ni Raquel. “Are you okay? My kuya is too hard on you.”

“Well,” nag-iwas ako ng paningin at inubos na ang juice ko. “Nasasanay na ‘ko.”

“Tsk! Si kuya parang ewan kasi! Ano ba namang magpaalam sa’yo na aalis na siya at papasok sa trabaho? Kahit simpleng beso man lang o ano! Mahirap ba ‘yon gawin? Para namang ikalulugi ng business niya kapag ginawa niya ‘yon.”

“It’s okay. ‘Wag na lang tayong maging sensitive masyado, Raquel.”

“Sensitive? We women are emotionally sensitive! Hay nako! Nasa lalaki ang pagha-handle ng relasyon. No wonder you didn’t come back for the past few weeks. He deserves your cold shoulder!”

Pinakalma ko siya subalit patuloy siyang bumubuwelta. 

“I swear! If my future husband treats me like that—ipapalamon ko sa kaniya ang annulment paper!”

Natahimik ako. It’s not like I can annul him. I can’t leave Ezekiel because of the contract.

Wala akong magagawa kundi ang umasa ng paulit-ulit.

Maybe one day he will see me—more than just my naked body.

“He wasn’t like that when I saw him talking to Marian last time!”

Nanigas ako sa kinauupuan nang sambitin iyon ni Raquel. 

I tried to suppress my emotions. “What do you mean? Is he still talking to Marian?”

Napaikot siya ng mga mata. “Of course he is! It’s not like he has still moved on—oh!" Kusa niyang natakpan ang bibig niya. “I-I’m sorry…”

Bumigat ang paghinga ko, ngunit suminghal upang hindi iyon ipahalata. “It’s fine, I just want to ask. Wala na rin akong update tungkol sa kanila. Hindi mo kailangang maglihim sa’kin tungkol do’n since I already knew.”

She breathes a sigh of relief. “Napaka-unbothered mo talaga, Serena! Tama ‘yan, hindi ka dapat papaapekto kay Marian! Ano naman kung nasa kaniya parin ang affectrion ni kuya? For all we know, she’s nothing but second-rate. Trying hard, copycat!”

“Pfft! Raquel, you’re becoming a kontrabida—kakanood mo ‘yan ng teleserye!”

She flipped her hair. “Dapat talaga bata pa lang ako nag-artista na ‘ko. I have so much talent pa naman.”

Pinilit kong makipagsabayan sa mga biro at topics niya. Subalit ang puso ko ay naiwan na kay Marian at Ezekiel. To think they’re still seeing each other now that we’re married?

May kung anong tumusok sa puso ko. 

Marian is Ezekiel’s ex-fiance. Nalaman ko iyon mula kay Raquel nang makita ko ang picture ng babae. She looked so much like me na kinagulat ko pa nang husto. 

Magkaiba man kami ng tangkad at hubog ng katawan, ang mga mukha namin ni Marian ay halos magkapareha, kung hindi lang din sa naiiba nitong hugis ng mukha ay para na kaming pinaglayong kambal. 

Alam kong hindi lang iyon coincidence. I may be a substitute for her. Kaya naman, kahit na maraming risk ang artista na tulad ko ay ako parin ang piniling pakasalan ni Ezekiel. 

Lagi akong nagpapanggap na parang wala lang iyon sa akin. Subalit hanggang kailan ko pa matatago ang nararamdaman ko, gayong nakikipagkita parin siya kay Marian? 

What would happen to me… if, at the end, he still chose the original over the replacement?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status