Share

KABANATA 90: The Second Wedding

“Ta-da! Napakaganda!”

Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.

“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”

HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.

Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.

Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!

Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status