Share

KABANATA 1: Loveless Marriage

Five years ago…

SERENA and Brantley! Ginulat ninyo ang lahat sa hit na hit ngayong teleseryeng ‘The Wife’s Illicit Affair’! Talagang ganap na ganap ang pagiging mag-asawa ninyo, ano? Sabi pa nga ng mga fans, ang lakas ng spark sa love team na SereLey! Anong masasabi niyo ro’n?” 

Natawa kaming pareho ni Brantley sa tanong ng host na si Mami Vic. Nagkatinginan kami kung sino ang unang sasagot, at agad naman niya akong pinauna. 

“For me, well, first, I am very thankful for the fans of SereLey, na gabi-gabing nag-aabang sa mga bagong episodes at sumusuporta sa amin ni Ley—talagang nakakatuwa na malamang dalang-dala sila sa bawat eksena!” nakangiting sabi ko at tiningnan si Brantley sa tabi ko. 

“Hindi ko alam, pero maraming nagsasabi na may spark talaga kami ni Ley, hahaha! Syempre masaya sa feeling na malamang hindi nauuwi sa wala ang acting naming dalawa!” 

Tumawa si Brantley at siya namang sumang-ayon sa akin. “Yeah, for the fans to praise us like that—it means a lot to me especially that I’m working with a professional actress,” sinulyapan niya ako nang may ngiti. “Nakakakaba nga na baka may magpuna sa'kin, because I’m not worthy of working with her on this project.”

“Wow,” natawa ako sa sinabi niya. “Akala mo naman ako lang nagdadala ng show natin! We’re both working hard, and you deserve the same credit as mine, Ley.”

“Ayun naman pala!” pagsigaw ng Mami Vic, animoy kinikilig. “Pero talaga bang hanggang loveteam lang? Baka naman tuwing off cam, meron nang nabubuo na hindi niyo pa sinasabi sa mga fans~”

Napuno ng nakakatuksong halinghing ang studio mula sa mga audience na nanonood sa amin. Halos lahat ng narito ay fans ng love team na SereLey na nabuo naman dahil sa teleserye na umeere ngayon na pinagbibidahan naming dalawa ni Brantley. 

Bahagya pang lumiit ang kaninang malaking ngiti sa labi ko dahil sa tanong ng host at panunukso ng lahat. 

Ang totoo niyan ay wala pang nakakaalam na dalawang taon na akong kasal sa ibang lalaki. Walang nakakaalam sa media na mayroon na akong inuuwiang asawa sa likod ng camera.

“Um,” napakamot sa batok si Brantley at tumingin sa akin nang nagtatanong.

Pinilit ko muling tamisan ang ngiti ko at nagpapahiwatig na humarap sa audience. “Wala pa naman sa ngayon, trabaho lang muna, hahaha!”

“Wala PA, sa NGAYON? Trabaho MUNA?” Pagdidiin pa ni Mami Vic at natutuwang tumayo mula sa kaniyang upuan para makipagharutan sa audience. “Ibig-sabihin sa susunod meron naaa!!”

Napuno ng sigawan at kilig ang mga tao sa loob. Mayroon pang background music ang mas lalong nagpasigla sa lahat. Ako nama’y tumawa ng husto at nakikisabay lamang sa kanila. 

Ang totoo niyan ay walang namumuo sa pagitan namin ni Brantley at purong trabaho lamang talaga. Oo, close na close kaming dalawa tuwing off-cam, at siya ang matalik kong kaibigan sa set, pero walang ibig-sabihin iyon.

Pero para mas sumikat ang love team na SereLey ay sinabihan na kami na gumawa ng mga eksena para sa ikakatuwa ng mga fans. Sa ganitong paraan ay mas lalo nila kaming susuportahan, mas magiging matagumpay ang palabas. 

***

Nang matapos ang interview ay napapagod akong bumalik sa aking sasakyan. Malalim na ang gabi at gutom na gutom na ako dahil  wala parin akong kain simula tanghalian.

“Uwi na ho ba tayo, Ma’am Serena?” magalang na tanong sa akin ni Kuya Pier, may edad kong driver. 

“Saan pa nga ba? Your boss is already mad at me for not going home, saying I’m disrespecting our marriage! Kapag hindi pa ako uuwi, ewan ko na lang kung ano pang insulto ang maririnig ko sa tabas ng dila niya!”

“Ma’am, ganun lang talaga si Sir Heskel, nami-miss na kayo no’n eh!” Binuhay niya ang makina at napasinghal naman ako. 

Nami-miss? Talaga lang, ah? Kaya pala tuwing nakikita ako ay parang sisindakin na ako sa sama ng tingin. Ayaw lang niyang gumawa ako ng iskandalo, mahalungkat ang patago naming pagsasama sa media at mabahiran ng mantsa ang reputasyon niya.

Gano’n na lang ang pagiging bantay-sarado niya sa kinikilos ko sa harapan ng camera na para bang kahit anong oras ay may magagawa akong mali na hindi niya magugustuhan.

Nasa kontrata namin na itatago namin sa publiko ang pagsasama namin para sa pareho naming reputasyon. Kaya hindi na niya kailangang maging istrikto sa akin dahil hindi talaga ako gagawa ng ikasisira ng pangalan ko, tsk!

Sa dinami-rami kasi ng mga babae, bakit artista pa ang pinili niyang pakasalan kung ayaw naman niyang magulo ang nananahimik niyang buhay! 

Naikuyom ko ang kamao ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako ang pinili niya, saka muli akong napasinghal sa sama ng loob.

“Sorry, Ma’am Serena!” Haggard na pumasok si Faye sa loob ng sasakyan at naupo sa passenger seat, bago tuluyang pinaandar ni Kuya Pier ang sasakyan. 

“Saan ka ba nagpupunta at ‘di kita nakita after the show?”

Nahihirapan niya akong nilingon. “Ang dami kasing gustong magpa-picture sa inyo kanina, buti na nga lang mabilis kang nakaalis. Si Sir Brantley ang naipit do’n at hindi naman ako makadaan dahil hindi ko suot ang ID ko! Hindi ako pinapadaan ng guard! Buti na nga lang namukhaan ako ni Sir Brantley at pinalusot ako.”

“Tsk! Alam mo namang mahigpit ang mga guard, huwag mong hubarin ang ID mo tuwing nasa set ka, pwede ba?”

“Yes, Ma’am!”

Si Faye ay isa kong personal maid na mismong binigay sa akin ng magaling kong asawa. Siya lagi ang nandyan para sa pangangailangan ko at totoong mas napadali ang buhay ko nang dumating siya.

Ang downside nga lang ay spy siya. Lahat ng galaw ko ay nirereport niya kay Ezekiel. ‘Di ba? Kay galing!

“Oo nga po pala, kanina pa tumatawag ang mommy niyo po, Ma’am Serena.” aniya at inabot sa akin ang personal kong cellphone. 

Nangunot kaagad ang noo ko na tinanggap iyon. Mayroong missed ten calls mula sa kaniya at twenty-plus messages. 

‘Anak, ‘di ba meron kang dalawang linggong pahinga bago ang taking? Bakit isang linggo ka nang hindi umuuwi sa bahay niyo??? Hinahanap ka sa’kin ng asawa mo!’

‘Bakit hindi mo raw sinasagot ang tawag niya?! Gusto mo ba talagang bigyan ako ng sakit sa ulo?!’

‘Gusto mo bang maghirap tayo?! Umuwi ka na, ano ba?!’

Hindi ko na binasa pa ang mga sumunod na mensahe at kaagad na pinower-off ang cellphone. Mariin akong napapikit at hinilot ang aking sintido. 

Kasalanan ni mama ang lahat kung bakit ko naging asawa ang bilyonaryong lalaking ‘yon na walang puso at kung tumingin sa akin ay para lang akong malaking insekto!

Dahil baon si mama sa utang sa pagsusugal ay hindi sasapat ang kinikita ko sa pag-aartista. Hindi ko alam kung anong ginawa niya at biglaan na lang nag-abot sa akin ng marriage contract isang araw para pirmahan ko!

Mababayaran daw ang lahat ng utang niya kapag nagpakasal ako sa lalaking hindi ko pa noon nakikita ni minsan sa buhay ko. 

Nang hindi ako pumayag dahil bente tres anyos pa lang ako noon ay pinagtangkaan niya ang sarili niyang buhay. Baon na baon siya sa utang, at kahit anong gawin ko ay hindi ko ‘yun kayang bayaran lahat. 

Kahit na ayaw kong magpaksal para lang sa pera ay wala akong ibang pagpipilian. Kumbaga ang kasal na ‘to ay para lang oportunidad sa aming mag-ina. Kung hindi ko kukunin ay habang-buhay ko itong pagsisisihan. 

Subalit, ngayon-ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ring pinili ko ang ganitong klase ng pakikipag-isang dibdib kay Ezekiel. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya, kaya naman bakit ko rin ipapakita ang sa’kin?

Kahit pa ginagawa namin ang ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga mag-asawa, iba parin ang pakiramdam dahil pareho kaming hindi nagpapakita ng emosyon. 

“Ma’am Serena!” Parang nakakita ng tagapagligtas si Panying nang makita akong pumasok sa mansyon. “Buti naman nakauwi ka na! Magpalit na muna kayo ng damit! Si Sir Heskel hinihintay na kayo sa dining room!”

Tumaas ang isa kong kilay. “Alam niyang uuwi ako at ‘di pa kumakain, huh?” Palihim kong sinulyapan si Faye na napaintag pa at nagmamadaling umalis. 

“Tsk! Kanina pa ba siya naghihintay?” 

“Um… medyo po?”

“Exact time?”

“M-Mga saktong eight p.m.?”

“Isang oras, kung gano’n?” Napabuntong hininga ako at tinahak ang landas patungo sa dining room. “Kakain na muna ako bago magbihis.”

“Ah, sige po!” 

Nang makarating sa lugar ay kaagad ko siyang nakitang nakaupo sa pinakagitnang upuan, kasama ang mga hilera ng bakanteng upuan at iba’t-ibang klase ng pagkain. 

Napaangat siya ng paningin sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Gaya lang din ng dati, walang emosyong makikita sa mukha niya. 

Mukha ring kararating niya lang galing trabaho dahil nakasuot pa siya ng business attire. Pero para malamang isang oras na siyang narito, bakit hindi na lang muna siya nagpalit agad? Tsk!

Naupo ako sa katapat niyang upuan sa gitna, tatlong metro ang layo sa kaniya. Saka ko siya pinakatitigan.

Hindi mapagkakaila ang pagiging maganda niyang lalaki. Sa totoo lang ay walang binatbat ang itsura ni Brantley sa kaniya, lalo na sa pangangatawan. Pero sa personalidad naman ay wala siyang binatbat kay Brantley.

Halos magtatatlong-linggo din kaming hindi nagkikita. Bukod sa busy ako sa taking at siya naman ay busy sa bago niyang project sa business ay hindi ako umuwi ng isang linggo para man lang makapagpahinga. 

Sa totoo lang ay nakakapagod ang pag-aartista ko na dapat umaktong laging masaya sa harapan ng camera, at nakakapagod din ang umuwi sa mansyong ‘to na walang kasiyahan. Walang pahinga!

“Why are you sitting so far away?” His voice is hoarse, mukhang pagod. 

“Change the dining table next time if you want me to sit close to you.”

Lumapit si Panying para ilipat ang plato na katabi sa plato ni Ezekiel para ilagay sa akin. Nilapit din niya ang iilang mga putahe sa gawi ko. 

“Salamat, Panying.” nagsimula akong magsandok. Gano’n na lang ang pagkulo ng tiyan ko sa labis na pagkagutom.

“Walang anuman, Ma’am. Kain lang po kayo ng marami! Ang laki na naman ng pinayat niyo, hindi na ‘yan healthy!”

“Yes,” walang habas akong kumain, hindi iniintindi ang lalaking nakatitig sa akin. 

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong ginalaw niya ang kaniyang kutsilyo at tinidor para din kumain. 

“If your agency is starving you to death, you should just leave.”

“No thank you.” tinungga ko ang isang baso ng juice saka siya binalingan. “My agency values me a lot. Isa pa, may kontrata ako sa kanila.  I cannot leave lalo pa’t umeere pa ang palabas namin ni Brantley.”

Matunog na kumaliskis ang tinidor niya sa plato at bigla akong tinaliman ng tingin. “That… that teleserye you’re making—when will it end?”

“I don’t know?” Kibit-balikat ko. “Sa pagkakaalam ko ay dahil sa taas ng rating niyon, mas papahabain nila ang kwento. T’saka, nasa kalahati pa lang kami ng daloy ng istorya, we still have to go through those tragic scenes, hot scenes, and a lot of drama before it gets over!”

Iniisip ko lang ay napapagod na ulit ako. Another sleepless night and an unending flow of emotions na naman pagkatapos nitong natitirang isang linggo na binigay sa amin. 

“Hot scenes…?” bumaba ang paningin niya sa malaking pork sa kaniyang plato. Pinanood ko siyang hiwain iyon sa maliliit na parte gamit ang maliit na kutsilyo. “Aren't there a lot of kiss scenes already? What do you mean by hot scenes?”

“It’s rated SPG in MTRCB ratings. What do you expect?” 

Besides, it’s not like Brantley and I are having sex for real. Kaya nga tinawag na acting kasi hindi totoo! 

Napaintag ako sa gulat nang may marinig na ‘crack’ mula sa plato niya. Nanlaki ang butas ng ilong ko. “Ano ‘yung nag-crack? Did you just break your plate?”

Madilim ang mukha niya na isinantabi ang hawak niyang kutsilyo saka tahimik na tumayo. “I’ll wait for you in the bedroom.”

“Ha?” Napanganga ako habang pinapanood siyang umalis sa dining room. “Hoy, pagod ako ngayon! Tsk!”

I know he has his own needs, but shouldn’t he be considerate of me? Hindi ‘yung bigla-bigla na lang siyang aatake ‘pag gusto niya. 

My small, poor womanhood still can’t get used to his big, thick, and large manhood! 

“Ugh, whatever!” It’s not like he’ll ever care about me.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Franchesca Johana
may bago na nmn akong aabangan^^
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status