Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Siya pala ‘yun. Sayang. Ang ganda pa naman, kaso ang sabi ng kaibigan ko nagtatrabaho raw ‘yan sa isang entertainment bar sa Quezon City.” “Oo nga raw. Plano pa naman siyang ligawan ng kuya ko noon dahil mukha siyang matino pero nagbago ang isip ng kuya ko noong malaman niya ang trabaho ng babaeng iyan.” Kalalabas ko lang ng classroom pero kung anu-ano na agad ang naririnig ko. Matagal na akong nakakarinig ng ganitong chismis na kumakalat sa eskuwelahang pinapasukan ko pero binabalewala ko nalang kasi hindi naman totoo. Hindi ako isang bayarang babae. Hindi ako isang prostitute at alam ko iyon sa aking sarili. “P****k naman pala, pero kung makaasta akala mo Santa.” Humugot ako nang malalim na hininga nang marinig ang sinabi ng isa sa mga babaeng dumaan sa harapan ko. Iyon ay walang iba kundi si Karina, ang kaklase ko na kalaban ko sa pagiging rank 1 sa buong Architecture Department dito sa UST. “P****k pero sa Catholic school nag-aaral? Ang kapal ng mukha.” Sanay na ako sa ganit
“Oh, bakit nakakunot ang noo ng Architect namin?” bungad sa akin ni Kyla, isa sa mga staff dito sa bar nang makita niya akong lumabas ng opisina ni Mama. Dala ko ang aking bag dahil nagdesisyon akong uuwi muna ako ng bahay. Dahil sa nangyari kanina, pakiramdam ko ay hindi ko kaya na makita siya pansamantala. Huminto lang ako sa tapat ni Kyla at tipid na ngumiti. Marahan kong pinasadahan ang kaniyang suot na damit. Fully covered ang kaniyang itaas na parte dahil nakasuot siya ng itim na t-shirt na may tatak ng pangalan ng bar. Pero bahagya akong napangiwi nang makita ang kaniyang suot pang-ibaba. Nakasuot siya ng pencil-cut skirt na above the knee ang haba. Wala rin siyang suot na stockings kaya naman litaw ang kaputian ng kaniyang binti at ibabang parte ng kaniyang hita. “Bakit ganyan ang suot mo? Nagbago na ba ang uniform ng mga staff na babae rito?” Natigilan siya nang marinig ang aking tanong. Bahagya pa siyang nagkamot ng batok bago nagsalita. “Oo eh. Utos ni Ma’am Diana. Mas m
Napuno ng hiyawan ang paligid nang halikan ko ang lalaking sumalo sa akin kanina. Karamihan sa mga nag-iingay ay mga kasama nito. Tila nabigla ito sa aking ginawa kaya hindi ito nakagalaw nang maglapat ang aming labi. Nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko ay agad akong lumayo sa kaniya saka mabilis na naglakad palayo rito. Kahit nahihilo ay nagmadali ako sa paglalakad para makalabas na ng bar na iyon. Nang makarating ako sa parking area ay sinampal ko nang paulit-ulit ang aking pisngi. Anong naisip ko kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon? Parang gusto ko tuloy sabunutan ang aking sarili sa nangyari. “Arghhhh!” Inis na nagpapadyak ako at nagmadaling hinanap ang aking sasakyan. Mabuti nalang at nasa bulsa ko ang wallet ko at susi ng sasakyan. Kung hindi, paniguradong mayayari ako kay Mama pati na rin kay Yaya Gina. “Nakita niyo ho ba yung babaeng lumabas ng bar?” Nang marinig ko ang boses nung Jacob ay agad akong yumuko para magtago sa mga nakaparadang kotse. “Ah yung magand
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa mga magnanakaw na ito o dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ko. He was holding one of my wrists. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak na tila ba ayaw niya akong bitawan. He was looking directly in my face. Ramdam kong pinagmamasdan niyang mabuti ang aking mukha. Sa kaniyang tingin ay wari ba’y inaaral niyang mabuti ang bawat anggulo nito. “Ano? Hindi mo ba hahalikan ang asawa mo? Magtititigan lang ba kayo riyan dalawa?” Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi ng lalaki. Napaigtad ako nang itutok nito ang baril sa aking likuran. “Mukhang hindi naman sila mag-asawa p’re,” sabat naman ng isa. “Kung ganoon, imbes na itong lalaki ang gawin nating hostage, bakit ‘di nalang si Miss Ganda?” Akmang hahawakan na sana ng lalaki ang aking kamay nang bigla akong hinila ng lalaking kaharap ko palapit sa kaniya. Nahigit ko naman ang aking hininga nang makita kong sobrang lapit na ng aming mukha sa isa’t isa. Mayama
Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na madamay sa ganitong gulo. Gusto ko lang naman ng isang tahimik na buhay. At ang orihinal ko na plano ay mag-deposit lang ng pera sa bangkong ito. Kung minamalas nga naman ako at ganito pa ang mararanasan ko sa araw na ito. At ang malala pa, kasama ko pa ang lalaking ito—si Jacob Castillo na walang ginawa kundi asarin ako. Buti sana kung iyon lang. Dalawang beses din akong n*******n ng mokong na ‘to. Well, technically isang beses lang. Kasi yung pangalawa, ako na ang h*****k sa kaniya. Ah basta! Nakakairita siya. Maling desisyon talaga ang pagpunta ko rito. Sana sa ibang branch nalang ako nagpunta, edi sana ligtas ako at wala akong kasamang asungot ngayon. “Nilalamig ka ba?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya nang tanungin niya ako. Napansin yata niyang kanina pa ako nakayakap sa aking sarili. Kung bakit ba naman kasi napakatagal ng negosasyon ng mga robber na ito sa mga police. Ang daming hinihiling. Hindi ko tuloy maiwasang maawa roo