Share

CHAPTER 1: CUTTING TIES

Aiana’s Point Of View.

Mabilis akong lumabas ng bahay ni Mr. Zhenrix Saavedra. Halos sapo ko ang aking dibdíb dahil sa kaba at takot. Grabe ang lalaking ’yon!

Sobrang perpekto niyang klaseng lalaki, pero buti na lang ay nakaya kong labanan ang pagkahumaling sa kaniya. Tama nga si Mitchell. Zhenrix Saavedra is down to earth! He's well built, at kitang-kita ang desiplina sa sariling katawan at kalusugan.

Aba't nagawa pang maghubad sa harapan ko! Nang maalala ko iyon ay kaagad akong kinilabutan. Sobrang perfect ng butt niya! Iwinaksi ko ang alaalang iyon sa aking isipan at tinawagan si Mitchell.

“Puwede mo ba akong i-book ng sasakyan dito sa guard house subdivision kila Sir Zhenrix? Pabalik na ako diyan sa hospital.”

Magsasalita pa sana siya ngunit kaagad ko ng pinatay ang tawag. Naglakad na ako patungo sa guard house upang doon abangan ang sasakyan na ipina-book ko kay Mitchell. Ilang minuto lamang ay dumating na ito. Mabuti na lang din at hindi traffic kaya kaagad akong nakarating sa hospital.

“Beshy! So, anong nangyari? Ang hot niya 'di ba?!” kinikilig na sambit ni Mitchell habang narito na kami sa cafeteria.

“Anong hot ka riyan? Kagaya lang din siya ng ibang mga lalaki. Wala namang iba o unique sa kaniya.” walang buhay kong tugon upang hindi na mapahaba ang usapan naming dalawa.

Ayoko rin na pag-usapan pa si Sir Zhenrix dahil din naaalala ko lang ang ginawa niyang paghubad sa harapan ko.

“Ano ba naman 'yan, Beshy! Zhenrix Saavedra 'yon, oh! The next President of Saavedra's Construction Company! Omg ka talaga! Sinayang mo ang oportunidad, dapat inakit mo na siya!”

Napatingin ako sa paligid namin dahil napalakas ng sobra ang boses ni Mitchell.

Lumapit ako ng kaunti kay Mitchell. “Can you lower your voice? Alam mong hindi ako interesado sa mga lalaki. At isa pa alam din nating dalawa na crush ni Lettia ang lalaking 'yon.”

“Eh, ano kung crush niya? Hindi naman siya kilala ni Sir Zhenrix at isa pa tayo ang napiling titingin at gagamot sa kaniya sa tuwing ipapatawag tayo ni Ma'am Ziah.”

“Kahit na, ayoko ng gulo. Hanggat maaari gusto kong mapanatili na malinis ang pangalan ko at hindi nasasangkot sa kahit anong issue rito sa hospital. Hindi rin bastang babae lang si Lettia, anak siya nang isa sa mga doctor dito.”

“Well, speaking of the devil.” may bahid na pagkamataray na sambit ni Mitchell habang nakatingin sa aking likuran.

Napaayos ako ng upo. Siguradong magtatanong ito tungkol sa kung bakit ako naiwan sa bahay na ni Sir Zhenrix. Kahit kailan naman ako ako palagi ang nakikita nitong pag-initan. Ako rin kasi ang palaging kalaban niya sa ranking.

“Aiana, tell me what happened kay Zhenrix? Is he hurt really bad? O baka naman nilandi mo kaagad kaya ikaw ang pinaiwan?” iyon kaagad ang bungad na tanong sa akin ni Lettia habang nasa makabilaang gilid nito si nurse

“Lettia, pinaglihi ka ba talaga sa sama ng loob? Ang sama mo kasing mag-isip, eh.” mataray na tugon naman ni Mitchell.

Hinawakan ko siya sa kamay upang pakalmahina siya. Knowing na maikli lang ang pasensya nito, at walang takot sa kahit na sino.

“Hindi naman malala ang sugat niya sa kamao, kaya huwag kang mag-alala. At isa pa, hindi ko siya nilandi kaya ako pinaiwan. Sadyang, hiniling lang 'yon sa akin ni Ma'am Ziah, sana huwag mong masamain.”

“Uhm, okay. But next time, sana tumanggi ka na lang. At ako ang i-request mo, tutal alam niyo naman na matagal ko ng gusto si Zhenrix. He knows me, dahil magkasosyo ang pamilya namin sa negosyo at maybe near in the future ay maging asawa ko na rin siya kapag ipinagkasundo na kami ng mga magulang namin. Don't forget that.” sabay hawi nito ng kaniyang buhok at nakairap na iniwan kaming dalawa ni Mitchell.

“Nye, nye. Napakaarte talaga ng impàktitang 'yan! Eh, kung kilala pala siya ng pamilya Saavedra, eh, bakit ni minsan ay hindi siya nire-request sa tuwing may pinapapuntang nurse at doctor sa bahay ni Sir Zhenrix?” nakabusangot na sambit ni Mitchell.

“Hay naku, hayaan mo na nga. Sinisira mo lang ang araw mo sa walang kuwentang bagay. Oh, siya tapos naman na akong kumain at babalik na ako sa nurse quarters. Ikaw ba?”

“Uhm, babalik na rin ako. Sabagay, libre lang nga pa lang mangarap! Ang Lettia na iyon ay nangangarap ng gising!” natatawang sambit ni Mitchell na siyang ikinatawa at ikinailing ko rin saka kami sabay na bumalik sa quarters.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang shift ko. Inaaya pa ako ni Mitchell na dumaan sa bar para makapagliwaliw, ngunit kaagad din akong tumanggi. Pagod ako, at isa pa alam kong mapapagalitan na naman ako kapag nalaman ni Daddy.

Katulad na lang din ng inaasahan ko ay pagkalabas ko pa lang ng kotse ay naroon na ang step sister ko. Naka-cross arms ito at nakangisi habang hinihintay akong dumating. Mukhang impyerno na naman itong mararanasan ko ngayong gabi. Pero sana naman, ay huwag na katulad ng dati dahil marami na akong naging sick leave sa trabaho.

“Nandito na ang bastardong anak, Mommy!” sigaw ni Wendy.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay dumiretso na akong pumasok sa loob ng bahay. Naroon si Tita Elsie at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

“Wow naman, talagang ginagabi ka na ng uwi, ah? Saan ka naman galing?” mataray nitong tanong.

“Saan pa ho ba? Ehdi sa trabaho. Alam niyo naman na isa akong nurse di po ba?” magalang at mahinahon kong tugon.

“Look mommy, sumasagot pa talaga ang bastarda.” sulsol pa ni Wendy.

Napangisi si Tita Elsie.

“Mukhang natututo ka na ngang lumalaban.”

Mabilis na lumapit sa akin si Tita Elsie at sinampal ako nito ng malakas na halos ikabingi ko.

“Akala mo ba hindi namin malalaman na wala ka sa hospital? Lumandi ka 'no? Ano ibinibenta mo na rin ba ang sariling katawan mo?! Like mother, like daughter!” sigaw pa ni Tiya Elsie.

Muli akong tumingin sa kaniya habang sapo ko pa rin ang sariling pisngi.

“Huwag niyo pong idadamay ang Mama ko. Kayo ang kabet ng Daddy ko!”

Iyon ang totoo. Matapos mamatay ni Mommy, bigla na lang silang sumulpot na parang kabute.

“Paano ako naging kabet, eh pinakasalan niya ako!” at muli ako nitong sinampal sa kabila kong pisngi.

“P–Pinakasalan nga kayo ni Daddy dahil sa akalang mabuti kayong tao. Pero iyon ang pagkakamali niya dahil napakasama niyo!”

“Sampid ka lang dito!” muli sana akong sasampalin ni Tita Elsie nang pigilan ito ni Wendy.

“Calm down, Mommy! Daddy's already here!” mahinang sambit ni Wendy.

Napatingin ako sa labas mula sa bintana. Nagulat na lamang ako nang biglang nabasag ang base habang naroon si Tita Elsie at umiiyak na.

“Tama na, Aiana! Huwag mo na naman akong saktan dahil lang sa hindi mo ako gustong maging ina!” umiiyak nitong sigaw mula sa akin.

“Napakasama mo talaga, Aiana!” dagdag pa ni Wendy na nasa tabi rin nito.

Saktong pagpasok ni Daddy sa loob ng bahay ay iyon kaagad ang nadatnan nito.

“What's happening here?!” galit at puno ng pag-aalala tanong ni Daddy.

Napailing ako nang tingnan niya ako, bago mabilis na tumungo kila Tita Elsie. Nang tumingin muli sa akin si Daddy ay kitang-kita ko kung paano siya magalit sa akin, habang bakas din ang pagkadismaya.

“D–Daddy... N–No, I didn't do that.” umiiling kong sambit.

Tumayo si Daddy at sa halip na paniwalaan ako ay malakas niya akong sinampal dahilan kaya ako napaupo. Umiiyak kong sapo ang aking pisngi.

“Wala ka talagang galang! Paulit-ulit mo ng sinasaktan ang Tita Elsie at ang kapatid mo! Sumusobra ka na talaga, Aiana! Lumayas ka na rito sa pamamahay ko! Itinatakwil na kita, at huwag na huwag ka ng babalik pa!”

Mabilis akong napaangat ng tingin kay Daddy at gulat na gulat ako sa kaniyang sinabi.

“N–No, Dad. H–Hindi ko sila sinaktan! Sila ang nananakit sa 'kin!”

“Huwag kang magsinungaling, Aiana! Look at my mom, nagkasugat siya dahil sa 'yo!” sigaw naman ni Wendy.

“Lumayas ka na! Hanggat nakakapagtimpi ako! Layas o gusto mong ipahuli pa kita sa mga pulis?! Don't test my patience, Aiana!” sigaw muli ni Daddy.

Halos manlabo ang aking paningin gawa ng luhanh tuloy-tuloy na dunadaloy sa aking mga mata. Unti-unit akong tumayo at tiningnan si Daddy mata sa mata. Mahal ko siya, pero bakit ganito? Hindi ko makitang mahal niya rin ako.

“D–Daddy, sorry po. K–Kung gusto niyo po talaga akong umalis... Kung magiging masaya po kayo kapag nawala na ako, ay susundin ko po kayo. M–Mag-iingat po kayo palagi, Dad. M–Mahal na mahal po kita...” humahagulgol kong sambit bago ko sila talikuran at walang lingon akong lumabas ng bahay.

Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko sa kung saan. Hindi ko dinala ang kotse ko kasi kay Daddy naman ’yon. Well, regalo niya sa akin ’yon noong 18th birthday ko, pero ngayong itinakwil na niya ako I guess wala na rin akong karapatan para gamitin ’yon.

Hindi ko na namalayan pa na nasa tapat na pala ako ng bahay ni Mitchell. Kaagad akong pinapasok sa bahay ng kanilang kasam-bahay. Nang makita ako nito ay nagulat pa ito dahil wala man lang akong abiso na pupunta ako.

“What happened, Aiana?” tanong nito habang pababa ng hagdan at mababakas sa boses ang pag-aalala.

“M–Mitchell... Pinalayas na ako ni Daddy sa bahay... T–Tinakwil na niya ako bilang anak niya...”

Kaagad akong niyakap ni Mitchell nang mahigpit. Umiiyak ako habang damang-dama ko ang pagsikip ng aking dibdíb. Ni minsan hindi ko naisip na darating sa puntong itatakwil ako ni Daddy.

Tiniis ko naman lahat, lalo na ang pananakit ni Tita Elsie at Wendy. Naging alipin nila ako ng ilang taon. Ni minsan hindi ako nagrereklamo, pero itong isang beses na lumaban ako sa huli ako pa rin ang talo kahit ako ang naagrabyado.

Napakadaya ng mundo. Ano bang nagawa ko sa past life ko para pahirapan ako ng ganito? Para masaktan ako ng ganito? Kung kasama ko lang si Mommy, siguro hindi ko maiisip na mag-isa ako. Hindi ko na kailangan ipagsiksikan pa ang sarili ko kay Daddy at sa bagong pamilya niya.

Kwinento ko kay Mitchell ang lahat ng nangyari, upang maintindihan din nila Tito Arkan at Tita Myra kung bakit ako narito. Pinatuloy ako ni Mitchell sa isang guestroom upang doon ay pansamantala akong manatili. Ayoko rin naman maging pabigat dito sa bahay nila. Mayroon akong ipon at iyon ang gagamitin ko para makakuha ng upahan.

Kinagabihan nang dumating ang nga magulang ni Mitchell ay malungkot at bagsak ang balikat ng mga ito. Nagkatinginan kami ni Mitchell dahil nakikita namin na para bang may problema sila.

“Mom, what happened?” nag-aalangang tanong ni Mitchell sa kaniyang mga magulang.

Bumuntong hininga ang Daddy ni Mitchell at tumingin sa akin.

“M–May problema po ba sa akin?” nag-aalangan kong tanong.

Kaagad na lumapit sa akin si Tita Myra at hinawakan ang kamay ko. “Hija, patawarin mo kami pero hindi ka maaaring mag-stay dito sa amin. Galit na galit ang Daddy mo, at gaya ng sinabi sa amin ni Mitchell ay taliwas naman ang kuwento at pinaniwalaan ng Daddy mo. At kung malaman niya raw na tutulungan ka namin ay tiyak na aalisin niya sa aming kompanya ang investment niya.”

Namuo ang luha sa aking mga mata at tumingin ako kay Mitchell na nanunubig din ang kaniyang mga mata. Sunod naman na lumapit sa akin si Tito Arkan.

“Aiana, alam mong ang turing namin sa iyo ay isang anak na rin. Simula nang makilala ka ng anak namin itong si Mitchell ay umayos ang buhay niya. Nagkaroon siya ng direksyon at pangarap. Ngayon ay hindi ko rin ,naman hahayaan na basta na lang din humagsak ang kompanya namin. Kinausap namin ang ama mo, pero talagang desidido siya sa kaniyang desisyon. Sana ay patawarin mo kami, hayaan mo at dadalhin ka namin sa isang ligtas na hotel room. Doon maaari kang mag-stay.”

“N–Naiintindihan ko po, Tito Arkan. Ayoko rin naman po na magalit pati sa inyo si Daddy. S–Siguro... sadya po talagang kailangan ko ng mamuhay mag-isa. Huwag po kayong mag-alala kaya ko naman na po ang mag-isa.”

Dahil sanay na sanay na akong mag-isa simula pa noong bata pa lamang ako.

Nagpaalam na rin ako sa kanila at hindi ko na rin sila inabala na ihatid ako. Mas magaan ang pakiramdam ko na aalis akong mag-isa, kaysa nakikita ko sa kanilang mga mata na kinaaawaan nila ako ng sobra. Ayoko ng gano’n dahil mas lalo ko lang din kinaaawaan ang sarili ko.

Ngunit imbes na sa hotel ako mapunta ay sa bar ako napadpad. Nilalango ko na ng alak ang aking sarili, upang makalimutan ang nangyari ngayong araw.

“One vodka again please!” paghingi kong muli sa bartender.

Nakita kong kumamot ang bartender sa kaniyang batok. “Eh, Miss mukhang lasing na po kayo, eh. Kapag binigyan ko pa po kayo baka hindi niyo na kayang dalhin pa ang sarili niyo.” puno ng pag-aalangan nitong sambit.

Napangisi ako. “Kaya ko pa! At saka hindi mo naman alam kung bakit ako naglalasing! May problema ako, okay? ’Yung problema ko gusto kong kalimutan kahit ngayon lang! Huwag mo naman sana akong pigilan...” nahihikbi kong sambit.

“Ay, naku Miss huwag kang umiyak, baka sabihin nila ay pinaiiyak kita. Oh, sige heto na at ibibigay ko ang order mo.”

Naiiling na sinunod ng bartender ang gusto ko. At ako naman ay napangiti rin kaagad. Habang hinihintay ko ang order ko ay napatingin ako sa dance floor. Malakas ang tugutugan ng musika at patay sindi rin ang ilaw aa paligid na iniindakan din ng maraming tao na nagkakasiyahan.

Kung titingnan sila ay para bang wala silang mga problema dahil sobrang saya nila. Hanggang sa hindi ko na namalayan pa na dinala na rin ako ng aking mga paa patungo sa dance floor. Sumabay ako sa indak ng musika habang sumisigaw at nakikisayaw sa kung sino ang naroon.

Hanggang sa mayroong nag-abot sa akin ng isang baso na may lamang alak. Walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap at akma ko itong iinumin nang biglang may umagaw nito.

“Hoy, ano ba!” inis kong sigaw.

“Let’s go. You need to go home.”

Napakunot ako ng noo habang nakatitig sa lalaki.

“Home? Wala na akong home! Pinalayas na ako ng Daddy ko kaya wala na akong bahay pa na tutuluyan!”

“Woah. That’s sad, but I have a condo, you can go with me!” sambit ng isang lalaki.

Lumawak ang ngiti ko. “Woooh! Sure! I will let you take me!” walang sa sarili kong sambit.

“You should know who I am.” sambit ng lalaking nasa tabi ko sa lalaking nag-alok sa akin.

Nagulat na lang ako nang biglang bumulagtad ang lalaki at sinuntok ito ng lalaking umagaw ng baso kanina. Parang nawala ang tama ng alak sa aking sistema. Kahit ang mga tao sa paligid at nagsilayuan at tila natakot sa nangyari.

“Hindi ka iuuwi ng kahit na sino. I will kill them first, before they touch you.” Hinawakan nito ang aking kamay. “Let’s go, Aiana and don’t be fvcking stubborn.”

Kilala ko ang lalaking ito— Sir Zhenrix Saavedra. . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status