Alex's POV
Nakangiwing pinapanuod ko si Uriel na hindi maipinta ang mukha habang pinupunasan ng tissue ang mamahaling tuxedo niya na siyang sumalo sa icing ng cake na natumba kanina. Kahit ang likuran ng ulo niya ay nalagyan din ng icing kaya nagmukhang may uban na siya sa likurang ulo. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil naiimagine kung may uban siya sa likuran samantalang black na black ang kulay ng buhok niya sa harapan at tagiliran. Ngunit agad na naaglaho ang ngiti ko nang biglang tumigil sa ginagawa si Uriel at nakakunot ang noo na tiningnan ako."What's funny?" seryoso ang mukha na angil niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil seryoso ang mukha niya na parang hindi natutuwa ngunit parang hindi naman siya galit. Nakakalito."Wala naman. Mukha ka lang naman kasing binatang matanda," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay bata pa ngunit may uban na," bawi ko nang ma-realized kong mali ang sinabi ko."At sino naman ang may kasalanan kung bakit ako natapunan ng cake?" may bahid na ng inis ang boses na tanong niya sa akin."Siyempre ang naglagay ng cake sa ganoong ayos. Sino ba naman kasi ang nag-ayos no'n at hindi inayos ng mabuti? Konting galaw lamang ng mesa ay natumba agad," pa-inosenteng sagot ko sa kanya. Nalukot ang ilong nito at hindi na muling nagsalita. Ipinagpatuloy na lamang ang ginagawang pagpahid ng tissue sa ulo nito."Manunuod ka na lang ba? Hindi mo ba ako tutulungang magpunas para maalis agad ang mga icing na ito? Naghihintay na sa atin ang mga bisita natin," seryoso na naman ang anyo nito nang magsalita."Ay, sorry. Tutulungan na kita," kumuha ako ng tissue sa maliit na mesa at pinunasan ang mukha niya dahil napansin kong pinagpapawisan na siya. Ngunit bigla akong napatigil sa ginagawa nang makitang nagkaroon ng puti-puti ang mukha ni Uriel. "Ops, sorry," nakangiwing paumanhin ko nang tingnan ko ang hawak kong tissue at nalamang may mga icing pala ito. Hindi ko napansin na sa halip na ang bagong nakatupi na tissue ay ang ginamit na tissue ni Uriel ang nadampot ko s mesa at siyang ipinahid ko sa mukha niya."Why are you so clumsy?" inis na tanong niya sa akin. Hinablot niya ang tissue sa kamay ko at ito na ang nagtapon sa basurahang malapit lamang sa amin."Para nalagyan lang kita ng icing sa mukha clumsy na agad? Hindi ko naman kagustuhan ang nangyari. At saka kung ganyang puro ka reklamo ay hindi mo na lang sana ipinasalo sa likuran mo ang cake. Kung sa akin bumagsak iyon ay ligo lang naman ang katapat no'n at hindi tissue," nakangusong sabi ko sa kanya. Akmang magsasalita na sana si Uriel para siguro kontrahin ang aking mga sinabi ngunit naudlot iyon nang lumapit sa amin ang isang medyo may katandaang babae at kinausap si Uriel."Hindi pa raw ba kayo tapos maglinis? Naghihintay sa labas ang mga bisita para hatiin ninyo ang cake. Naroon din ang mama mo na disappointed sa nangyari kanina," malimanay ang boses na sabi nito kay Uriel. Bahagya niya lamang akong tinapunan ng tingin at nginitian. Hindi ko alam kung hindi ba niya ako gusto o ano kasi hindi naman siya nagpakita ng hindi maganda sa akin. I wonder kung sino siya sa buhay at bahay ni Uriel."Siya si Nana Lorena. Siya ang mayordoma rito sa bahay. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa kanya," kausap sa akin ni Uriel sa halip na sagutin ang sinabi ni Nana Lorena. Ewan kung guni-guni ko lang ba ang nakita ko ngunit parang nakita ko na biglang dumilim ng mukha ng matanda. Ipinilig ko ang ulo ko tapos muli ko siyang tiningnan. Nakangiti siya sa akin at mabait ang bukas ng mukha kaya tiyak na namalikmata lamang ako."Magandang umaga po, Nana Lorena. May cake pa ba kaming hihiwain, eh, nadurog na yata ang wedding cake namin," hindi maiwasang mapangiwi na tanong ko sa matanda."Nakakapanghinayang nga at hindi ninyo nagawa ang maghiwa ng cake tulad ng ginagawa ng mga bagong kasal," sagot naman nito na may panghihinayang sa mukha."Okay lang iyon. Cake lang naman iyon. Maghiwa man kami ng cake o hindi ay kasal pa rin kami, di ba?""Dami mong satsat. Wala namang kuwenta ang mga sinasabi mo," biglang kausap sa akin ni Uriel pagkatapos ay hinarap si Nana Lorena. "Kunin mo sa kuwarto ko ang isa ko pang tuxedo, Nana Lorena. Iyon na lamang ang isusuot ko.""Sige. Saglit lang at kukunin ko," mabilis na sagot ni Nana Lorena pagkatapos ay nagmamadaling umakyat ito sa kuwarto ni Uriel para kunin ang sinasabi nitong tuxedo.Hindi ko naman maiwasang mapa-irap kay Uriel nang marinig ko ang sinabi niya. Ang talas ng dila niya ang sarap hugutin at ipakain sa aso. Hay naku. Bakit ko i-istresin ang sarili ko sa lalaking ito? Ang mabuti pa ay mauna na akong lumabas dahil talagang nagugutom na ako. Hindi ako nakakuha ng pagkain dahil sa malditang Marie na iyon."Saan ka pupunta?" tanong ni Uriel nang makita nitong tumalikod ako at naglakad. Nakataas ang kilay na nilingon ko siya."Sa labas. Kakain ako. Kanina pa ako nagugutom. Huwag mong sabihing magpapatulong ka pa sa akin para isuot ang tuxedo mo? Ano ka bata?"Naningkit ang mga matang nilapitan ako ni Uriel at mahigpit na hinawakan ang aking magkabilang braso. "Hindi ganito ang Alexa na nakilala ko. Mahinhin at mahiyain siya. Hindi katulad mo na parang sinapian ni Gabriela Silang. Don't tell me na nagpapanggap ka lang?"Bigla akong namutla nang marinig ko ang kanyang sinabi. Naisip kong masyadong mabait si Alexa at hinahayaan lamang nito na bully-hin ito ng mga itinuturing nitong kaibigan ngunit hindi ko inaasahan na mahinhin at mahiyain pala siya. Kabaliktaran ng aking ugali na masyadong madaldal at hindi nahihiya kahit na sino pa ng kausap ko. At mukhang mabubuko agad ako ng lalaking ito."A-Anong i-ibig mong sabihin na n-nagpapanggap lamang a-ako?" nauutal na tanong ko sa kanya habang binubundol ng kaba ang aking dibdib. Kapag nabuko niya ako ay goodbye na ang pagpapagamot ni Alexa kay Mama. At kasalanan ko kapag hindi gumaling si Mama. Kasalanan ko dahil hindi ako magaling um-arte."Nagpapanggap ka lang na mahiyain at mahinhin para makuha mo ang tiwala ng mama ko. At ngayong nagtagumpay ka na't asawa mo na ako ay lumabas na ang totoo mong ugali," nakatiim-bagang na sabi niya sa akin.Kahit na hindi maganda ang iniisip niya sa akin o s aaking kapatid ay nakahinga pa rin ako ng maluwag. Atleast, hindi niya naisip na hindi ako ang totoong Alexa. Na nagpapanggap lamang ako bilang siya.Marahang inalis ko ang mga kamay niya sa aking mga braso at matapang na sinalubong ko ang kanyang paningin. "Nas harapan ako ng ina nang taong gustong ipakasal sa akin ng daddy ko kaya natural lamang na maging mahiyain ako at mahinhin. Iniisip ko na hindi magugustuhan ng mama mo ang ganoong klaseng ugali ngunit nagkamali ako. Dahil sa halip na hindi niya ako magustuhan ay baliktad ang nangyari kaya tayo humantong sa kasalan. Ngayong nakita mo na ang totoo kong ugali ay ikaw ang bahala kung gusto mo pa na ipagpatuloy ang pagsasama natin. Pero sa ngayon ay mauuna na ako sa'yo sa labas at baka mga bituka ko naman ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang gutom."Napangiti ako ng lihim nang hindi ko marinig ang boses ni Uriel habang naglalakad ako palabas ng sala. Mabuti na iyong sinabi ko sa kanya ang mga bagay na iyon para hindi na siya magtaka kung makita niyang may pagkakaiba sa Alexa na kilala nito at sa Alexa na pinakasalan niya ngayon. Hindi na ako mahihirapang mag-adjust sa aking sarili.Pagkabalik ko sa venue ay agad akong kumuha ng pagkain at umupo sa sulok na bahagi para makakain ako ng maayos. Napapangalahati ko na ang aking pagkain nang biglang may umupo sa katapat na upuan ko. Isang babae na kasing-edad ko lang yata at mukhang mataray ang nakita kong nakaupo sa harapan ko."Yes?" nag-aalangang tanong ko sa kanya."Gusto ko ang ginawa mong pamamahiya kanina sa mga ka-schoolmate natin lalong-lalo na ang pamamahiya mo kay Marie. Medyo nagduda ako na hindi ikaw si Alexa ngunit ngayong kinausap mo na ako ay natitiyak ko nang hindi nga ikaw si Alexa. Dahil hindi mo kilala ang sarili mong best friend," dere-deretsong sabi nito sa akin.Namutla ako sa aking narinig at nabilaukan sa pagkaing nginunguya ko. Patay! Mukhang wala akong lusot ngayon.Alex's POVHindi ko maitago ang biglang pamumutla ng aking mukha sa babaeng kaharap ko na nagsasabing matalik siyang kaibigan ng kakambal ko. Kung totoo nga na best friend ito ni Alexa ay tiyak na mahahalata niya agad na hindi ako ang kaibigan niya dahil siguradong kilalang-kilala niya ang kakambal ko. Kaya walang silbi kung itago ko man sa kanya ang totoo."Nasaan ang kaibigan ko? Ano ang ginawa mo sa kanya?" prangkang tanong niya sa akin.Hindi ko naiwasan ng magpalingon-lingon sa paligid sa takot na baka may ibang tao na nakarinig sa kanyang mga sinabi. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang bisita na malapit sa amin at lahat ng mga bisita ay busy sa kani-kanilang mga kausap."Hindi nga ako si Alexa pero huwag kang mag-alala dahil wala akong ginawang masama sa kanya," sagot ko sa kanya pagkatapos ay agad kong ipinabasa sa kanya ang sulat ni Alexa na natagpuan ko sa aking kamay nang magising ako."OMG! Kung ganoon ay totoo talaga na may kakambal siya. Ikaw
Alex's POVMariin ang pagkakapikit ng aking mga mata habang hinihintay ko kung ano ang gagawin sa akin ni Uriel. Asawa na niya ako kaya kung gugustuhin niyang may mangyari sa amin ay wala akong magagawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Baka kasi mahalata nito na hindi naman talaga ako si Alexa tiyak na malaking gulo. Maaaring hindi matuloy ang pagpapagamot ni Alexa kay Mama kapag nabuko na hindi siya ang pinakasalan ni Uriel kundi ako na kakambal ni Alexa.Habang hinihintay ko ang gagawin ni Uriel sa akin ay isang malakas na pitik sa aking noo ang naramdaman ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Nakasalubong ko ang naniningkit na mga mata ni Uriel."Silly. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin?" mula sa pagkakadagan sa akin ay bumangon siya at naupo na lamang sa gilid ng kama.Usapan namin? Ano ang usapan namin? Wala namang nababanggit sa kanyang sulat si Alexa na may usapan pala ito at ng lalaking ito. "S-Sorry. Nakalimutan ko. Nataranta kasi
Alex's POVMataas na ang araw nang magising ako. Agad kong iniligpit ang hinigaan ko at inilagay sa ilalim ng kama ni Uriel. Pinagbawalan ni Uriel ang may edad nitong katiwala na pumasok sa loob ng kuwarto namin at kahit ang maglinis sa loob ay hindi na rin nito gagawin. Dahil ako na raw ang maglilinis ng kuwarto namin magmula ngayon. Alam ko naman kung bakit ito ginawa ni Uriel. Para hindi malaman ng mga kasama namin sa bahay na hindi kami magkatabing matulog sa kama. Mautak talaga ang Uriel na ito. Napasimangot ako nang maalala ko ang lalaking iyon. Napaka-ungentleman nito. Talagang sa ibaba ako pinatulog habang ito ay masarap ang pagkakahiga sa malambot na kama. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sanay naman akong matulog sa matigas na sahig ngunit bilang lalaki ay dapat magpaubaya siya at ako na lamang ang patulugin sa kama niya. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa isang taong katulad niya? Hindi naman pala niya mahal ang kakambal ko kaya niya ito pinakasalan kundi dahil may cont
Alex's PovInis ako kay Uriel kaya ipinasya kong umalis ng bahay niya at magpalamig sa isang mall. Ngunit hindi mawala-wala sa aking isip kung bakit tila galit sa akin si Aling Lorena at kung bakit ganoon na lamang kung ipagtanggol ni Uriel ang mayordoma niya laban sa akin. Mukhang malapit sa isa't isa ang dalawa at espesyal ang turing ni Uriel sa matandang iyon. "Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang mag-asawa tutal ay mukhang sobrang close nila sa isa't isa?" nakaismid kong sabi habang sumisipsip sa pineapple juice na binili ko sa isang juice stall. Makakatulong ang pineapple juice na ito para hindi ako ma-high blood sa dalawang taong iyon."Alexa! Ano ang ginagawa mo rito? Nagsa-shopping ka ba? Bakit nag-iisa ka lamang?" biglang tanong sa akin ng isang ginang na padaan sana ngunit biglang huminto nang makita ako. Bagama't may edad na ito ay mahahalata pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. "N-Nagpapalamig lang po ako rito sa mall," magalang kong sagot kahit na hindi ko
Alexa's Pov"Ginabi ka yata sa pamamasyal, Sweetheart," malambing na kausap sa akin ni Uriel matapos niya akong halikan sa mga labi. Malambing ang tinig niya ngunit alam ko na kung wala lamang sa harapan niya ang kanyang ina ay tiyak na galit na niya akong sinalubong ng sermon."Sorry, Sweetheart. Medyo nalibang kami ng mommy mo sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," malambing ang aking tinig na sagot ko sa kanya ngunit nakasimangot naman ang expression ng aking mukha. Hindi naman nakikita ng mommy ni Uriel ang aking mukha kaya libre akong magsimangot sa harapan niya para ipakita sa kanya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang paghalik sa akin."Huwag mo nang pagalitan ang asawa mo, Uriel. Totoo ang sinabi niya na masyado kaming nalibang sa pagkukuwentuhan kaya hindi namin napansin ang oras," pagtatanggol sa akin ng aking biyenan. Inirapan ko si Uriel pagkatapos ay humarap ako sa mommy niya na may matamis na ngiti sa aking mga labi. "Sa tingin ko ay hindi na mauuli
Alex's PovNakangiwi ang mukha ko habang sinisipat ko sa harapan ng salamin ang aking noo na siyang mas napuruhan ng hamba nang pintuan. Ang ilong ko na bumangga rin sa pintuan ay hindi gaanong nasaktan at hindi katulad sa aking noo na pulang-pula ang hitsura."Ba't kasi hindi ka nag-iingat, Alex? Nagmukha ka tuloy katawa-tawa sa harapan ng aroganteng lalaki iyon," sermon ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Napatingin ako sa pintuan ng aming silid nang pumasok si Uriel. Agad kong iniiwas sa kanya ang aking paningin. Alam ko kasi na pinagtatawanan niya ako sa kanyang isipan dahil sa pagiging clumsy ko. "Ilagay mo 'to sa noo mo para mabawasan ang pamumula at hindi mamaga," kausap niya sa akin. Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa aking tabi. Para kasi itong ninja kung maglakad. Masyadong magaan ang mga yabag na parang hindi ito malaking tao."Ano naman iya—" humarap ako sa kanya para itanong kung ano iyong ibinibigay niya sa akin ngunit naudlot ang aking pagsasalita n
Alex' s PovDahil sa pagkagulat ko nang pabiglang binuksan ni Aling Lorena ang pintuan ay hindi sinasadyang naitulak ko ng malakas si Uriel. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa nang parang palakang nalaglag si Uriel sa sahig una ang puwit. Ngunit pinigilan ko ang aking tawa dahil nakikita kong naniningkit ang mga mata ni Uriel at kung wala lamang sa paligid si Aling Lorena ay tiyak na tiniris na niya ako. Agad namang napatakbo ang matandang babae palapit kay Uriel at inalalayan itong makatayo."Ano ba ang ginagawa mo, Alexa? Bakit mo sinasaktan si Uriel?" nanlilisik ang mga matang sita sa akin ni Aling Lorena. Kung umakto ito ay parang anak niya ang sinaktan ko."Ano ba ang sinasabi mong sinasaktan ko si Uriel, Aling Lorena? Iniisip mo bang battered husband si Uriel? Hindi maganda 'yon. At saka hindi ko siya sinasaktan. Nakita mo naman kung ano ang eksenang naabutan mo pagbukas mo ng pintuan, di ba? Naglalambingan kami," nang-iinis ang boses na sabi ko sa kanya. Mainit ang dugo niya
Alex's PovFirst day ko sana ngayon sa school dahil pasukan na para sa second semester ngunit pinili ko na huwag munang mag-enrol. Unang-una ay hindi naman ako si Alexa. Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo kaya tiyak na nganga ako sa loob ng classroom. Ayokong pagtawanan ng mga tao ang kakambal kapag bumalik na siya. Mabuti na lamang at hindi ako pinilit ni Uriel na mag-aral. Sabagay, bakit naman niya ako pipilitin gayong wala naman siyang pakialam sa akin? Ang kaso palagi lamang akong narito sa bahay kaya sobrang bored na ako. Dahil bored ako sa bahay ay nagpasya akong puntahan si Uriel sa kompanya niya. Gusto kong makita kung ano ang ginagawa niya. Lately ay tila nabawasan ang kasungitan niya sa akin. Wala naman akong ginagawang magic sa kanya para maging mabait siya sa akin. Kahit si Aling Lorena ay hindi na rin ako masyadong sinisita ngunit kapag tumitingin pa rin siya sa akin ay parang kakainin niya ako ng buhay. Ngunit deadma na lang ako sa kanya. As long as wala siyang masaman