Share

CHAPTER 9

Pinilit kong kumawala sa halik ni Monti.

"Pwede mo namang gawin sa akin 'yan anytime Monti, pero kahit ngayong gabi lang sana. Pakiusap kahit ngayon lang hayaan mo muna akong mapahinga? Kasi sobrang sakit pa nito," tinuro ko 'yung puso ko.

"That's part of loving someone. Kaya nga ako never akong papasok sa relasyong wala akong kasiguraduhan." Napairap s'ya at ibinulsa ang kamay. "Nakakaawa ka," ngumisi s'ya sa akin. "You really love that stupid guy? Ikaw lang ang nasaktan habang s'ya masayang nakikipag—-"

Hindi ko kayang marinig pa kaya pinutol ko na sinasabi n'ya.

"Bakit kaylangan mo pang ipamukha na tanga ako? Oo Monti tanga nga ako eh! Tanga na nga ako! At least ako tanga ako sa taong mahal ko e, ikaw? Tanga ka lang pero walang dahilan."

Kapag talaga napipikon ka tumatapang ka pala talaga. Sino namang hindi mapipikon sa mga pananalita n'ya? "At isa pa," ngumisi ako sakaniya. "Bakit parang nag mamalinis ka? Eh katulad kalang naman n'ya di'ba? Babaero, heart breaker at destroyer."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status