di lumuhod si ace sakit daw tuhod nya
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
"Imagine your crush said this to you, pikit ka," malokong wika ni Celestia—pinsan ni Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy, ang babaeng taglay ang mahabang pangalan—sa mother side. Celestia went on, "And you did it because you were expecting his kiss, kasi nga pikit ka, di ba?" Makulit itong nagtaas-baba ng kilay na nakatingin sa kaniya saka balik-tingin sa salamin, at nag-ayos ng mukha.Kasalukuyan kasi itong naghahanda upang dumalo sa napakagarbong birthday party ng Soulvero twins, mga kaibigan nila."Tapos?" tanong naman niya na walang ganang makinig sa biro nito—sana, pero ayaw naman niyang ma-offend ito. "Then you felt him gently touch your face, and he told you, ibuka mo ang bibig mo..." ani pa nito.Napangiwi siya habang pinapanood itong kumakagat ng labi at naghahaplos ng leeg na parang inaano ng lalaki at umungól pa. Pagkatapos nito umungól nagtaas pa ito ng daliri kahit may hawak na pang-guhit sa kilay at tinuro pa siya habang sinasabi, "Tapos ngumanga ka rin,
Ace Caleb Sansmith, pinsan ni Natalie and Noah at nag-iisang tagapagmana ng Sansmith. Isang malaking Innovation company ito, at bukod doon, mayroon itong Sansmith HealthLab at Sansmith RoboGenix large businesses.Nakilala niya ito noong nasa SLV International Education Hub pa lamang siya—eskwelahang pag-aari naman ng mga Soulvero. Ngayon na nasa harapan niyang muli ang lalaking ito, bumalik ang lahat sa ala-ala niya ang mga nangyari noon, mula sa simula. Nakapasa siya noon sa exam para maging Scholar Student ng SLV. Ang totoo niyan, inalok rin siya ng kaniyang tiyahin na si Nyx, ina ni Celestia upang paaralin sa mismong eskwelahan ngunit dahil matalino siya at para hindi na rin hassle sa pamilya ni Celestia, kumuha siya ng exam para sa scholarship.Sa unang araw niya sa SLV noon, talagang nahihirapan siyang mag-adjust lalo na't doon rin kasi pumapasok ang kapatid niyang si Avery Blaire Abernathy na isang daang porsyentong may ayaw sa kaniya. Halos hindi lang din nagkakalayo ang edad
Binaba niya ang hawak niyang stick na tila toothpick ng maliit na cupcake at hinarap ang Ace Caleb Sansmith na ito na talagang iba ang titig sa kaniya. Dalawang taon na ang lumipas pero ang paraan ng pagtingin talaga nito sa kaniya tila hindi nagbago. Dark eyes na punong-puno ng pagnanasa sa kaniyang ganda't alindog lalo na ngayon na makikita ang upper part ng dibdib niya at talagang naroon ang mga mata nito nakatutok. Binaliwala niya ang mukha nitong tila ginuhit, gwapo, makapal ang kilay na may maayos na hibla pero sa hugis nito, naging masungit ang dating ng mukha nito pero mas nakikita niya ang yabang. Tumaas pa ang sulok ng manly red lips nito at ang totoo niyan, iyon din ang isa sa hinahangaan niya rito; labi, mata at ilong. Ngunit anong magagawa ng gwapong mukha nito kung bástós ang ugali? "Kung balak mo akong bastusin na naman, huwag mo nang ituloy, baka biglang malaman ng lahat kung bakit ba talaga ako umalis at tinalikuran ko ang scholarship ko kay Auntie Belle," hamon
Kapansin-pansin ang pagsabog ng galit sa katawan ni Avery na nagdulot ng paghakbang nito habang sinasabi, "How dare you?!" Kasunod noon ang paghila nito sa buhok ni Celestia. Nag-panic siya at mabilis na hinawakan ang kamay ng kaniyang half sister, "Avery! Bitawan mo ang pinsan ko!" Gumanti si Celestia sa pagsabunot kay Avery hanggang sa nababangga na ng mga ito sa nakapatong-patong na cupcakes and Cookies. "Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan! Sino ka ba, ha?!" halos sagad sa lalamunan na sigaw ni Avery. Marami nang nag-panic at umawat, kabilang na rin doon si Ace na hinihila ang girlfriend palayo kay Celestia. "Stop! You're hurting Celestia!" sigaw ng lalaki sa girlfriend. Nakakuha naman si Celestia ng buwelo at pagkakataon. Natanggal nito ang kamay ni Avery sa buhok at nagawaran ng sampal ang babae, dinuro pa ito ni Celestia, "Hindi mo kayang indahin ang sinabi ko kaya mananakit ka?" Pero binalingan ni Avery si Ace dahil sa nakikita ng lahat na mas kinakampihan ni
"Ano ba, Gwy? Bakit ayaw mo lumaban?" Kuhang-kuha na naman niya ang inis ni Celestia. Sa paraan ng pagtanong nito, kulang na lang sasabunutan na siya at ingudngod sa lamesa. Kasalukuyan silang nasa kusina at kasama nila si Natalie. Nakaupo lang ito sa upuan na nakaharap sa kaniya habang si Celestia naman nakatayo sa kabilang side ng lamesa. Halos hindi na nito magawang umupo dulot ng inis sa ginawa ni Avery at alam niyang mas matindi ang inis nito sa kaniya. Hindi kasi siya lumalaban at alam niyang gawain iyon ng talunan. Kailangan ba palakihin niya ang gulo? Tamad siya sa gulo kaya lagi niyang pinipili ang manahimik at hindi lumaban. "Alam mo, pwede mong sigawan iyon eh! Dapat pinamukha mo sa kaniya na iyong boyfriend niya ang humahabol sa'yo! Kasi mas maganda ka, at vírgín, siya kasi hindi na!" singhal pa nito with matching hand signs pa. Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok. "Wala tayong may magagawa kay Ace, pero iyong ginagawa ni Ace sa'yo, pwede mong ipamukha sa
Dulot ng pagtitinginan ng bawat isa, namayani ang katahimikan. Ngunit ang ngitngit sa loob niya ay nangibabaw na naman. Palihim na napakuyom ang kamao niya sa kaniyang damit at mariing huminga nang malalim nang maramdaman na humahakbang palapit si Ace. "I'll break up with Avery for you, if you want to be my girlfriend, just say yes," anito na talagang nagpainit sa tenga niya.Napapikit siya. Mahinahon ang pagkasabi nito, pero ramdam na ramdam niya ang yabang. Tumayo na ito sa harapan niya at nakapamulsa na naman. Naiinis siya rito pero mas naiinis siya sa sarili niyang nagugustuhan niya ang porma at amoy nito. Naka-tuxedo na grey at dahil sa kaputian nito, talagang napakalinis nito tingnan, napaka-gwapo pero nakakainis. Tumikhim lang si Celestia, na tila sasaway sana pero agad siyang nagsalita matapos ang ilang beses na buntong-hinininga, "Stop playing with my sister's feelings if you don't love her, Ace."Tumaas ang sulok ng labi nito and say, "So that's your reason for me to break
Sa harap ng salamin galit siyang nagpupunas ng make up habang umiiyak at sinasabing, "Ang manyák niya, ang gágo niya, wala siyang respeto, hindi porket mas marami siyang pera? Ano ba tingin niya sa akin laruan niya?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Celestia, tila ba'y nais nito magsalita upang pagaanin ang loob niya pero hindi nito alam ang sasabihin. Pagkatapos ng ginawa ni Ace kanina, umalis agad sila sa Soulvero Residence. Mabuti na lang naintindihan ni Natalie ang nararamdaman niya kaya hindi ito nagpakita ng tampo, o pagtutol sa disisyon niya. Umuwi sila sa bahay nila Celestia at ngayon nasa kwarto siya nito nakaharap sa salamin at nagtatanggal ng make up. "Ano ba kasalanan ko sa kaniya? I mean..." Hinarap niya si Natalie. "May galit ba siya sa pamilya namin?" Tumitig siya sa mukha nitong may bahid na pagkalito. Nagpatuloy siya, "Kasi girlfriend niya si Avery, at alam niyang hindi kami magkasundo no'n, tapos ito ang ginagawa niya sa akin? Sa tingin mo ba may nagawa si