Share

Kabanata 10

Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Inilinga ko ang paningin ko at nandito na ako sa kwarto ko. Paano ako nakarating dito?

Tiningnan ko ang katabi ko at wala si Cola. Don't tell me hindi siya nakauwi rito? Akmang babangon ako ng mahilo ako. Anong oras ba akong nakatulog kagabi at parang hilong-hilo pa rin ako?

Humiga na lang ulit ako sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Guiseppe.

" Hello, Guiseppe? Nandyan ba si Cola? Pupuntahan ko sana eh kaso hilong-hilo pa talaga ako. Anong oras ba tayo natapos kagabi mag-inom at parang hanggang ngayon lasing pa rin ako? Nasobrahan yata ako," reklamo ko at gumulong sa kama.

" Cola's here."

"Oh, okay. Thanks Guiseppe." Pinatay ko ang tawag at binalik sa bedside table.

Pumikit ulit ako at tinangkang matulog pero may pumasok sa kwarto ko. Bahagya kong idinilat ang nakapikit kong mata.

" Guiseppe? Anong ginagawa mo rito?" 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status