Share

Chapter 3

Maagang nag-ayos si Madel. Araw ng lunes at unang araw nya sa trabaho. Sabay na sila papasok sa opisina ni Jane. Ang landlady nya mismo ang nagsabi na sabay sila hanggang sa mag leave ito. Sino pa sya para umangal eh ibig sabihin libre din pamasahe nya ng higit isang buwan kaya mas makakaipon sya. Sabi din nito na makakafocus siya na pag-aralan ang mga trabaho na kailangan nya matutunan dahil nasa out of the country ang kanilang boss ng isang linggo. Kaya next week na nya eto makikilala.

Sa loob ng isang linggo ay kinabisa ni Madel ang mga iba't ibang departamento ng opisina pati ang mga department heads. Pinag-aralan nya ang mga projects ng opisina pati ang mga business partners at mga kakompetensya nito. Pinabasa sa kanya ni Miss Jane(tawag nya kay Jane sa opisina) ang mga panuntunan ng kompanya. Pati mga gusto at di gusto ng boss nya na si William Cedrick Conde. Parang pamilyar ang pangalan nito wika nya sa sarili. Sa loob ng isang linggo madami itong natutunan sa negosyo at pamamalakad ng amo na kanyang hinangaan. Nalaman nya kay Miss Jane na ito ang nagpalago sa business ng magulang na dati ay constuction company lang hanggang nasali ito sa iba't ibang business venture at lumago na. Ayon pa dito matagal ng single ng amo matapos lukohin ng dating nobya na pinerahan lamang sya at may pamilya na pala. Kaya simula noon ay mailap na ito at naging masungit lalo na pag may babaeng nagpapapansin dito.

Isang linggo si William sa Australia para sa sasalihang panibagong business venture. Ito ay ang shipping company. Nais nitong itry ang shipping industry kaya naglaan eto ng isang linggo upang obserbahan at pag-aralan ang kalakaran sa negosyong ito. After 1 week ay natutunan nya ang mga dapat ayusin at paglaanan ng pansin lalo at di ito ganoon kadali. Bago sya umuwi ay bumili ito ng pasalubong sa kanyang magulang. Ibinili din nya ng gamit pang baby at bag  ang assistant na si Jane dahil naaasahan nya ito sa ganitong panahon pati na rin ang magiging bago nyang assistant pawelcome naman nya. Ayon kay Jane ay bagong graduate at masipag ito. Di din daw ito maluho dahil aral at trabaho lamang ang inatupag nito sa 4 na taon. Medyo naexcite sya lalo at ganitong mga tao ang dapat binibigyan ng magandang opportunity. Naalala nya nung isang linggo ang waitress sa bar na nakauto sa mga kaibigan nya di lang si Greg at Lance kundi pati ibang kaibigan nya na nakausap ay abot ang papuri dito. Na intriga sya sa personalidad nito. Napagalitan pa sya ng mga kaibigan dahil bakit daw nya ito sinusungitan eh ito daw ang pinakamasipag na waitress doon. Pero di din nya makalimutan ang pagyakap ni Lance dito na di nya mapigilang bigyang malisya. Mukang may halong landi. Binura na lamang nya ang nasa isip at tinuon ang atensyon sa nakitang bag na mukang babagay sa bagong assistant.

Pabalik na ng Pilipinas si William at bukas, araw ng linngo. At sa lunes, nais nitong magpatawag ng meeting para sa bagong negosyong papasukin.

Lunes na naman, nasanay na si Madel sa aga ng paggising. Mukang naka adjust na ang katawan nya sa pagtulog at paggising ng maaga. As usual masigla ito kahit medyo kinakabahan dahil ngayon nya unang beses makikilala ang boss nya. Bilin ni Miss Jane, wag kokontrahin ang boss nya lalo kung may mga sinasabi ito sa negosyo. Ayaw daw nito ng nagmamagaling. Hay natakot tuloy sya, di pwede i correct ang boss. Eh paano kung un-intentionally eh magkamali eto, di padin pwede itama. Si Madel pa naman ang tipo ng tao pag tingin nya ay mali ka itatama ka nya. Ganoon kasi sya pinalaki, di nya pinapalampas ang pagkakamali lalo kung proven na tama sya. Mukang dapat na nya itong kalimutan muna. Di nya pwedeng kontrahin ang amo at baka mawalan sya agad ng trabaho eh bad record agad yun.

Pag dating ni Madel at Miss Jane sa opisina ay agad nilang tinungonang kani-kaniyang table. Inayos nila ang schedule ng boss nila ngayon umaga. Sya ang nagbigay sa mga department heads ng mga minutes of the meeting na hinanda ni MissJane . Tinungo nito ang conference room upang iaayos ang lahat ng gagamitin bago bumalik sa table nito. Pag balik ay agad siya tinawag ni Miss Jane upang ipakilala sa boss. Di inaasahan sumabit ang kaniyang palda na nagpahaba ng slit nito. Di pa naman sya ngsusuot ng stockings kaya abot ang takip nya. Lalagyan na sana nya ng perdible pero hinila na sya ni Miss Jane.

Pagpasok nila sa opisina ng boss ay agad sya pinakalila sa boss nya.

"Sir William eto po si Madel ng bago niyong assistant. Madel si sir William ang boss natin."

Nacurious si William sa pangalan na binanggit ni Jane kaya nilingon nya eto at di nga sya nagkamali ng hinala. She is the same Madel from the bar. Nagulat pa ito dahil abot -abot ang ayos sa slit ng palda na kita ang kalahati ng hita. "YOU!" gulat na bulalas nuto.

Nagulat si Madel kaya napatingin sya aa may-ari ng baritonong boses na yun. "Kayo ang boss ko?" Para syang pinagsakluban ng langit sa nakita. Ang lalaking pinaka ayaw nya makita dahil sa sobrang antipatiko ay sya p nyang boss ngayon. Gusto nyang tumakbo palayo pero di nya maigalaw ang paa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status